Halimuyak

269 9 9
                                    

Habang lumilipad ako sa kalaliman ng gabi sa paghahanap sa mga magulang ko, may isang ungas na sumabay sa pagkampay ng mga pakpak ko. Alam kong alam mo na kung sinong tinutukoy ko. Oo, si Tibursyo.

"Kaya pala sumama ang amoy ng hangin, nakasunod ka pala." bungad ko sakanya.

"Wag ngayon Tibursyo, saka ka na mambwisit." dugtong ko pa. Wala talaga akong balak makipag-inisan sakanya ganitong namromroblema ako sa mga magulang ko.

Hindi siya umimik.

Naghintay pa ko ng medyo ilang minuto, pero hindi talaga siya sumagot. Lumilipad lang siya sa tabi ko at naasiwa ako kaya bigla akong kumanan palayo sakanya.

Agad siyang humabol at sa wakas ay nagsalita, "Hindi dyan ang daan."

Nagmenor ako sa paglipad at tiningnan siyang maigi. Hinahanap ko ang bakas sa mukha niya kung nagbibiro lang ba siya.

Pero seryoso siya. At kanina pa siya seryoso.

"Anong alam mo?" tanong ko sakanya.

"Alam ko kung nasan ang mga hinahanap mo."

"Sino bang hinahanap ko?" tinatantya ko pa rin kung totoo ba ang sinasabi niya.

"Lumalayo na tayo, lumiko ka na.." mahinahon niyang sagot.

Naninibago na talaga ako sakanya. Hindi ganito ang nakilala kong Tibursyo. Ba't ang lumanay niya ngayon?

"Tatamaan ka sakin paginuuto mo lang ako." lumiko ako ulit at tinahak ang daang kaninang tinatahak ko.

Kasabay ko siyang lumipad papunta sa kung saan. Siya ang hinayaan kong manguna at magbigay ng daanan. Sinusundan ko lang direksyon niya.

Tahimik lang kami habang lumilipad. Walang imikan. Hindi ako sanay na ganun siya, sa daldal ng taong to, imposibleng ang pananahimik niya ngayon.

"Nandito na tayo." Sabi niya habang pababa ang paglipad.

Nang makababa na kami sa masukal na parte ng gubat na yun, naamoy ko ang pamilyar na halimuyak.. Halimuyak na nalaman ko lang kung gaano kabango nung hindi ko na ito naaamoy.

Sinundan ko ang amoy. Sa sobrang pagkasabik ko sa amoy na yun, hindi ko na nalingon si Tibursyo. Nagmamadali akong matagpuan ang pinagmumulan ng halimuyak na yun. Gustung-gusto ko na sila mayakap. Gustung-gusto ko na makahingi ng tawad at simulang mapunan ang mga pagkukulang ko sakanila.

Naamoy kong malapit na malapit na ako. At nung amoy na amoy ko na sila na waing nasa tabi ko lang, nagtaka ako. Nasaan ang pinagmumulan ng halimuyak na yun?

Nilingon ko si Tibursyo, kasunod ko siya at alam kong nabakas niya sa mukha ko ang pagtataka. "Nasan sila?" tanong ko.

Hindi siya sumagot.

Nagpalinga-linga lang ako ulit. Amoy na amoy ko sila, andito lang sila. Pero nasaan sila? Nilibot ko ang paligid kung san amoy na amoy ko ang presensya nila pero hindi ko matagpuan si Inay at Tatay sa lugar.

"Naging alabok sila." mahina at waring nahihiyang sabi ng bumait na kasama ko.

Hindi ko siya naintindihan, "Ano?"

"Naging alabok sila." ulit niya na ganun pa rin ang tono at pagkakasalita.

"Anong pinagsasbi mo?!"

"Naging alabok sila. Wala na sila."

"Tang aka ba? Umalis ka nga dito kung anu-ano nanamang pang-iinis mo!" patuloy ko lang ulit nilibot ang paligid. Paikot-ikot lang ako. Dun lang sa paligid nay un amoy na amoy ang paligid nila.

At kinabahan ako, panu kung totoo yung sinasabi ni Tibursyo? Hindi, hindi yun totoo. Nang-iinis lang yung ungas na yun dahil alam niyang may pinagdadaanan ako. Andito lang sila Inay. Maya-maya lang ay lalabas na silang nakangiti at yayakapin ko sila ng mahigpit. Mahigpit na ahigpit at magkwekwentuhan kami. At mamasyal kami tulad ng dati. Tatawa ulit ako ng malakas sa mga pagpapatawa ni Tatay. Makikinig ulit ako sa mga kwento ni Inay. Babawi ako. Pupunan ko lahat ng oras na nagkulang ako para sa kanila. Asan sila? Asan sila??

Pinigilan ako ni Tibursyo at niyakap. Para pala kong tangang paikot-ikot nalang sa lugar.

Tinulak ko siya sabay sapak. Pangahas siya, bat niya ko niyakap, sabi ko sa isip ko.

Pero niyakap niya lang ako ulit. At dun ko narinig ang kabog ng dibdib ko, dahil naniniwala na kong totoo ang sinasabi niya, wala na ang mga magulang ko.

Yung para bang gusto mo panaginip lang yun, pero hindi. Alam mo kung gaano katotoo ang kinalalagyan mo ngayon. Nangyayari talaga ang ayaw mong mangyari. Hindi ito isang panaginip. At umiiyak na pala ko habang yakap ako ni Tibursyo. Tinatablan na ko ng katotohanang wala na nga ang mga magulang ko.

Nung pumasok sa isip kokung paano nalamanni Tibursyo ang lugar na 'to. Tinulak ko ulit siya, "Paano mo nalaman tong lugar na to?" galit at halos pasigaw kong tanong.

"Tinulungan kita maghanap.Nagkataon lang na ako ang unang nakahanap sakanila. Kagabi ko lang 'to nadiskubre."

"Sinungaling! Ako lang ang nakaka-alam ng halimuyak ng mga magulang ko. Paano mo nasabing natagpuan mo sila ng ganito? Huwag mo ko gawing tanga!" nagsisimula ng magbago ang boses ko.

"Yun ang totoo."

"Sabing wag mo kong gawing tanga!!!" sabi ko na boses leon at sinunggaban ko siya ng sakal. Nag-anyong aswang na aswang ako.

"Nagsasabi ako ng totoo. Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mong maniwala." Sabi niya na parang balewala lang ang pagsakal ko sakanya. Galit na galit na ako at hawak ko siya sa leeg tapos yung reaksyon niya parang wala lang? Hindi manlang magpanggap na nasasaktan siya. Ang yabang talaga.

Binitawan ko siya at tinulak palayo. Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo, basta damang dama ko hindi aamin ang aswang na to kahit anong gawin ko. Lumakad ako palayo sakanya at pinagmasdan ang lupa sa paligid. Oo nga, waring nabudburan ng abo ang lugar.

Lumuhod ako at hinawakan ang mga abo sa pwesto ko. Eto ba ang alabok? Inamoy ko. Eto nga sila Inay at Tatay. Muli nanamang bumuhos ang mga luha sa mata ko. Bumalik ako sa anyong tao, sinyales na hindi ko kinakaya ang sakit na nararamdaman ko. Lagi nalang ba ko masasaktan dahil sa mga taong minamahal ko? Lagi nalang ba kong maiiwang sugatan?

Naramdaman kong muli nanamang lumalapit si Tibursyo upang damayan ako sa aking pag-iyak, "Huwag kang lumapit sakin. Iwan mo ko." mahinahon ko naman yung sinabi.

"Ayoko. Sige, hindi ako lalapit, pero dito lang ako." Mahinahon niya ring sagot.

"Hangga't hindi mo sinasabi sakin ang totoo, hindi ka makakalapit sakin. Lumayo ka! Baka nga ikaw pa ang may gawa nito!!" matigas kong sabi ngunit patuloy ako sa pagluha.

"Ganyan baa ng tingin mo sakin?" tapos ay ngimisi siya ng tabingi sa unang pagkakataon nung gabing iyon, ngunit nakita ko sa mga mata niyang nasaktan siya sa huling sinabi ko.

Pero wala akong pakealam. Ang gusto ko ay katotohanan. At kung hindi niya yun kayang ibigay, pwes magdusa siya sa sakit na siya rin naman ang pumipili. "Umalis ka!"

Tumayo lang siya at ngumisi ng tabingi.

"Umalis kaaa!!" boses leon nanaman na sigaw ko.

Umiling siya at pagkatapos ay lumipad palayo sa kinalalagyan ko.. sa kinalalgyan namin ng mga magulang ko..

At sa pag-alis niya, naamoy kong nawala ang halimuyak niya. At hindi ko alam kung bakit waring nagbago ang amoy ng paligid at hindi na ito ganun kabango. Nagkulang ang bango ng halimuyak sa paligid ko. At napagtanto ko, nung gabing iyon lamang ako nilisan ng halimuyak na yun, dahilan upang lalong pumatak ng walang humpay ang mga luha sa mata ko. Pero bakit wala pa rin akong pakealam? Anong nangyari sa puso  ng dalagang walang pangalan?  At bakit nahantong sa ganitong kalagayan ang mga magulang ko?

Aswang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon