History 101

243 10 1
                                    

Ang dami kong nalaman kay Tibursyo. At sa unang pagkakataon, natuwa ako sa aswang na 'to.

Madalas ko na siyang kinaki-usap. Nasanay na rin ako sa kayabangan niya. Hindi ko na yun kinaiinisan, ito na ang naging dahilan ng pagtawa ko. Pero hindi katulad ng pagtawa ko sa iba. Kapag nagyayabang at nag-aangas si Tibursyo sakin, totoong tawa ang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit ang dating nakaka-inis para sakin e nagiging dahilan na ng pagtawa ko.. pagtawang may hugot. Kulang na ang araw ko, kapag hindi siya nagyabang. Kailangan ko marinig ang mga pag-aangas at pagyayabang niya para makatawa ako ng totoo.

Ikniwento niya sakin ang history ng mga aswang sa bawat pag-uusap namin. Ngayon unti-unti ko ng nalalaman ang pinagmulan namin. Galing pala kami sa mga rebeldeng anghel.

"Edi ibig sabihn anghel ako?" tanong ko sakanya habang nasa tuktok kami ng isang gusali. Natuto na kong makisabay sa pagyayabang niya.

"Parang hindi. Kasi aswang ka e." daretcho niyang sagot.

Binatukan ko siya.

"Aray! Totoo namang aswang ka diba." Humawak siya sa ulo niya habang tumatawa.

"Pag ako naging anghel, ikaw ang unang-una kong papatayin. Teka, magiging anghel ba tayo? Babalik ba tayo sa pagiging anghel? Paano?" seryosong tanong ko sakanya. Gusto ko talagang matanggal ang sumpa ng pagiging aswang.

"Daig mo pa ang test paper kung magtanong a. Ganito, puntahan natin si Lolo."

"Bakit? E alam mo na naman yung mga sagot?"

"E nanganganak yung mga tanong mo e. Saka, the best sumagot yun si Lolo."

"Ang tanong ko lang kung magiging anghel ba tayo ulit. Oo o hindi lang ang sagot dun." Pagtataray ko sakanya.

"Bakit pagsinagot ko bay an wala ka ng ibang itatanong?" pagtataray niya din.

"Ang hirap mo talaga kausap. Oo sige na! Sa Quiapo pa rin ba kayo nakatira?"

"Oo."

Nag-isip muna ko ng matagal. Babalik nanaman ako sa Quiapo? Tanong ko sa sarili ko.

"Ayaw mo na bumalik dun?" napansin niya sigurong napa-isip ako.

"Tara! Gusto mo ngayon na e." pagyayabang ko sakanya. Matagal na kong naka-move on sa magkakapatid na yun, wala ng dahilan para iwasan ko sila. Unang araw pa lang ng paghaharap-harap naming muli, naka-move on na ko agad. Isa pa, halos ilang taon na rin ang nakalipas mula nung huli ko silang makita. Gusto ko rin malaman kung kamusta na ang kalagayan nila. Kahit papanu, minahal ko talaga ng totoo ang magkakapatid na yun. Itinuring ko silang tunay na kapamilya, kaya kyuryos din ako sa kalagayan nila.

Lumipad kami papunta kina Kap Gino.

Ilang minuto lang nakarating na kami sa Quiapo. Pagdating namin sa bahay nila, mulat na mulat pa si Kap Gino. Hindi na siya ang kapitan ng barangay pero nasanay na kong tawagin siyang Kap. Gino.

At waring inaasahan niya ang pagdating namin. May nakahandang sardinas.

Sinimulan ko na ang mga pagtatanong habang kumakain kami. Sa una, nahihiya pa kong makipagusap sa lolo ni Tibursyo, pero komedyante talaga si Kap kaya napalagay na rin akong tanungin siya ng kung anu-ano tungkol sa pagka-aswang namin.

Ngayon malinaw na malinaw na sakin ang mga bagay patungkol sa lahi namin. Meron pala talagang masasamang aswang na patuloy na naghahasik at nagpapadami ng miyembro para sakupin ang mundo at patuloy na magrebelde sa Dakilang Maylikha.

At nalaman ko din na dati palang kabilang dito si Tibursyo, kaya pala nung unang dating niya duon sa Quiapo e naghasik kaagad siya ng lagim. Mabuti nalang at nasuweto siya ng kanyang Lolo at nabawi sa impluwensya ng masasamang aswang.

Sadyang mabuti pala talaga si Lolo. Mabuti nalang at napatino niya ang kanyang apo.

Ngayon nalaman ko na ang dapat kong gawin bilang aswang. Kailangan naming bawasan ang pwersa ng masasamang aswang sa pamamagitan ng istilo ni Lolo. Aalisin namin ang nakasanayan nilang maling gawain. Baka sakaling maging tao kami o maging anghel. Pero sa isip ko lang yun sinabi. Ayoko muna ibroadcast sa harap ng dalawang aswang na kausap ko. Hindi pa buo ang strat plan ko kasi.

Siguro ako madami pa kong malalaman. At makakatulong yun sa misyon na gusto kong gampanan. Kahit pala si Lolo hindi alam kung maaari kaming maging anghel o maging tao. Wala pa daw naitatala na ganung pangyayari sa history ng mga aswang.

Pwes, aalamin ko. At gagawin ko ang lahat para maka-alis kami sa sumpa na to.

Eto na ba ang hinahanap kong sense of purpose? Eto na ba ang dahilan ng pagiging aswang ko. Tingnan natin..

Aswang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon