Inabot kami ng umaga sa pakikipag-usap kay Kap Gino, kaya tuloy kinailangan kong bumalik sa Cavite na mamamasahe lang.
Gusto pa akong ihatid ni Tibursyo pero sabi ko wag na. Ikaliligaw ko pa ba ang pag-uwi sa Cavite ng mag-isa?
Naglakad na ako papunta sa sakayan dala-dala ang mga bagong kaalaman at -impormasyon na galing kay Kap Gino.
Puno ako ng pag-asa sa planong naglalaro sa isip ko, nang biglang may nahagip ang mga mata ko. Si Dario, kasama pa rin ang girlfriend niya. Mabuti naman at sila pa. Natuwa ako para kay Dario. Mukang nasa ayos ang buhay niya. Masaya akong makita siyang ganyan. E sila Dora at Nica kaya kamusta?
Nagpalinga-linga ako, baka nasa paligid lang yung dalawa, pero hindi ko sila namataan. Sayang naman, minsan nalang ako makabalik dito hindi ko pa nakamusta ang dalawa kahit sa malayuan lang.
Pero hinayaan ko nalang, malalaman ko rin siguro ang kalagayan nila sa tamang panahon.
Nagpatuloy na ko sa paglakad papuntang sakayan. Dalawang oras ang ginugol ko para makarating sa bahay. Handa na sana ako magpahinga at matulog pero kinatok naman agad ako ng isa sa mga kasamahan ko sa teatro. Meeting daw sa panibagong dula na itatanghal namin.
Wala akong nagawa kundi pumunta sa bagong opis ng grupo na malapit lang sa tabi ng bahay ni Aguinaldo. At sa isip ko, sana matapos kaagad ang meeting dahil may iba akong gustong pagtuunan ng pansin – ang tulog ko at ang pagpaplano ko sa napipintong minsyon ko bilang aswang.
Nararamdaman kong malapit na ang tamang panahon para dun.
BINABASA MO ANG
Aswang Ako
HorrorKapag sinimulan ko ng ipakilala ang sarili ko. Huwag kang tumakbo. Paki-usap, gusto ko lang pakinggan mo ang istorya ko. Aswang ako. At kung hindi ka naniniwala, sundan mo kwentong to.