Pagkatapos ng araw na yun. Unti-unting nag-iba si Corazon. Nagbago ako.
Mula ng maging kaibigan ko ang tatlong magkakapatid, nagkaroon ng kulay ang buhay ko. Sumaya ang teenage life ni Corazon.
Okay lang pala na malungkot ang kabataan ko, kasi pagdating naman ng adolescence stage, masaya na ako. Masayang-masaya ako. Yun nga lang hindi naisip ng teenager na si Corazon na may kapalit at katapusan pala ang kasayahan na yun.
Nung una, patago akong lumalabas ng bahay.
Pero di nagtagal, nalaman din ng mga magulang ko ang pagpuslit ko sa bahay. At ano pa nga bang inaasahan mong reaksyon nila? Hindi lang nagalit, galit na galit. Pero hindi lang mga tao ang matigas ang ulo at rebelde kapag nasa adolescence stage, maging ang mga aswang ganun din. Kaya hindi ko pinakinggan lahat ng mga sinabi nila.
Ipinaalala nila ang kalagayan namin; ipinaalala nila ang panganib na nag-aabang samin dahil sa pakikisalumuha ko kina Nica, Dora at Dario, pero walang epekto yun sakin.
Nabulag na ko ng katotohanang eto dapat ang buhay ko. Malaya. Masaya. May kaibigan. Tanggap ng lipunan. Isang tao. O isang parang tao.
Dahil sa pakikipagkaibigan ko sa tatlong magkakapatid, lumayo ang loob sakin nina Tatay at Inay. At habang tumatagal ang relasyon ko sakanila, paloyo ng palayo ang mga magulang ko sakin. Pero wala akong nadamang panghihinayang. Okay lang sakin ang lahat.
Ang sama ko, dahil hindi manlang ako nakunsensya. Ang sama ko, dahil wala akong nararamdamang sakit sa paglayo sakin ng mga magulang ko.
Tatlong taon. Tatlong taon akong masaya kasama ang tatlo kong kaibigan. Tatlong taon waring naging hangin lang sa paligid ang aking tatay at inay.
BINABASA MO ANG
Aswang Ako
HorrorKapag sinimulan ko ng ipakilala ang sarili ko. Huwag kang tumakbo. Paki-usap, gusto ko lang pakinggan mo ang istorya ko. Aswang ako. At kung hindi ka naniniwala, sundan mo kwentong to.