Kinalimutan ko ang misyon ko. Nawalan na ko ng gana at hanggang ngayon, hindi ko hinaharap sina Aling Mayeng at ang mga kasamahan nilang naghihintay daw sakin. Wala na kong motibasyon. Siguro'y mananatili nalang kaming aswang hanggat umiikot ang mundo. Mananatili kaming maghahasik ng lagim.
Pero wag kang mag-alala, hindi pa rin ako kumakain ng tao.
At kung sakaling makasalubong mo ko, pagpasensyahan mo na kung bakit hindi kita mangingitian... Nakita mo naman kung anong pinagdaanan ko.
Hindi ko alam kung babalik pa ang motibasyon ko para sa misyon na nabuo dahil sa mga pinagdaanan ko. Tingnan natin. Hindi pa naman tapos ang buhay ko. Marami pang pwedeng mangyari. Basta sa ngayon. Wala kong gana buuin ang natigil kong misyon.
Ingat ka nalang sa paglalakad sa gabi, kasi madami kami at unti-unti kaming maglilipana. At hindi lahat ay katulad kong hindi kumakain ng tao.
Salamat sa pakikinig. Hanggang sa muli.
BINABASA MO ANG
Aswang Ako
TerrorKapag sinimulan ko ng ipakilala ang sarili ko. Huwag kang tumakbo. Paki-usap, gusto ko lang pakinggan mo ang istorya ko. Aswang ako. At kung hindi ka naniniwala, sundan mo kwentong to.