Stalker ng stalker

256 9 5
                                    

Halos magdadalawang taon ko ng ginagwa ang palihim na pagdalaw-dalaw sa dati naming barangay sa Quiapo bago ko malamang may nakakakilala pa pala sa kung sino ako. Oo nga pala. Muntik ng mawala sa isip ko. Siguro ay dahil hindi ko naman sila muling nakita pagkatapos nung araw na iniligtas nila kami. O baka dahil, hindi naman kasi sila ang pakay ko sa pagbalik-balik sa Quiapo.

"Hoy! Kelan ka ba titigil?", isang hindi pamilyar na boses, na nakilala ko lang nung tiningnan ko ang pangahas na lumapit sakin.

"Magaling! Nandito ka nanaman pala sa lugar namin. O ano? Mangangain ka nanaman ng tao at ibibintang niyo sa iba?" sana nakakasugat ang mga tingin ko, kasi gustong-gusto ko talaga latayan tong lalaking kaharap ko, si Tibursyo. Ganun pa rin ang itsura niya, magulo ang kulut-kulot na buhok na hanggang balikat. Ang tapang parin makatingin, akala naman niya matatakot ako sa mga tingin niya. Ganun na ganun pa rin ang itsura niya nung araw na una kaming nagkita, pati damit niya yun pa rin.

Hindi mawawala ang galit ko sa nilalang na to kahit sila pa ang nagligas samin sa mga taumbayan dalawang taun na ang nakakaraan. E ano naman kung sila ng lolo niyang kapitan ang nagligtas samin, e sila din naman ang dahilan kung bakit kami sinugod ng taumbayan. Hinayaan nila na kami ang mapagbintangan. Mga walang modo. Aswang na nga aswang pa sa kapwa aswang.

"Unang-una, hindi naman ako umalis sa lugar na to. Pangalawa, hindi mo na to lugar. Hindi mo na to pwedeng tawaging 'lugar namin'. Pangatlo, dalawang taon na ang lumipas hindi ka pa rin nagpasalamat sa ginawa namin. Punta ka ng punta dito ni hindi ka manlang makadaan sa lolo ko para magpasalamat." mayabang na sabi ng ungas na aswang.

"Pang-apat, ang daldal mo! Ngayon lang ako nakakita ng aswang na madaldal!" sagot ko. Tapos lumayo na ako sakanya. Baka mag-init lang ang ulo ko at magbago ang anyo ko ng hindi inaasahan. Mahirap na, maaga pa, baka may makakita. Kailangan ko kontrolin ang galit ko.

"Hoy bakit ka nagpapakatanga?" sumunod siya sa paglalakad ko palayo.

Hindi ko siya pinansin. Medyo napahiya din kasi ako na may nakakaalam pala ng pagbisi-bisita ko sa Quiapo.

"Hoy alam ba ng mga magulang mo ang ginagawa mo?" patuloy niyang pang-iinis.

Hindi ko pa rin siya pinapansin. Siguro oras na para umuwi ako. May nakaka-init lang ng ulo  sa paligid e.

"Hoy pagkinakau..."

"Tumigil ka na!!!!" Boses leon kong sigaw sakanya.

"Relaks! Pagpinatulan kita magugulantang ang buong barangay. Matsitsismis nanaman tayo niyan." sabi niya habang nakangiti ng tabingi ang mga labi. Tulad pa rin ng ngiti niya dati.

Naisip kong nang-iinis talaga ang ungas na 'to. Kaya kailangan kong ipakitang hindi ako apektado sa pang-iinis niya. "Hoy Tibursyo. Wag mo na kong lalapitan ulit." Marahan pero matigas kong sabi na kunwari ay hindi ako apektado sa pang-iinis niya, syempre dapat nakataas din ang kilay. Pagkatapos ay lumundag na ko palayo sabay lipad pauwing bahay.

Narinig ko ang huli niyang sigaw, "Hoy! Julio nga sabi ang pangalan ko!!"

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang lumipad palayo sa dati naming barangay.

Aswang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon