First Time

291 8 0
                                    

Disyembre ng taong 1979, umaga. Nagkagulo ang buong barangay namin sa Quiapo.

Habang abala ang lahat sa pagplaplano ng malawakang pagse-selabrasyon ng nalalapit na pasko, isang nakaka-alarmang balita ang bumungad sa taong bayan.

Tatlong katao ang natagpuang patay sa lugar namin. Isang lalaking taong grasa. Isang buntis. At isang bata. Lahat mga walang lamang loob. Lahat halos gulagulanit ang dibdib at tiyan. Waring kinain daw ng mabangis na hayop.

Pero lumawak ang usap-usapang hindi isang hayop. Kundi isang aswang ang may gawa nito.

Lumakas ang tibok ng puso ko, alam ko na totoo ang usap-usapan. Isang aswang ang gagawa ng bagay na yun. Isang aswang na gutom na gutom.

Uminit ang ulo ko. Paano nila nagawa to? Paano nagawa ng mga magulang ko na salungatin lahat ng mga itinuro nila sakin? Bakit sila kumain ng laman ng tao?!

Pagkarinig na pagkarinig nang balitang 'to. Iniwan ko ang plaza kung saan nag-aayos kami ni Dora ng isasabit na mga bandaritas. Bigla ko siyang iniwan at sinabing may nakalimutan ako sa bahay.

Pagkarating ko sa bahay, anduon si Inay. Lumapit agad ako sakanya at galit na galit ko siyang tinanong, "Grabe naman kayo Inay! Bakit niyo ginawa yun?!! Bakit tao?!! Nakakadiri kayo ni Tatay!!! Wala na kayong pinipili ngayon??!"

Sinampal ako ng malakas ni Inay. Hindi sampal na pang-tao, hindi sampal na pabebe. Sampal na pang-aswang. At hindi ako handang tanggapin ang sampal na yun, kaya naman tumilapon ako sa kabilang dako ng bahay.

Sa unang pagkakataon nakatikim ako ng ganung pananakit kay Inay. Sa unang pagkakataon sinaktan niya ako. Oo naman masakit. Pero batid ko din na mas masakit yung mga pinag-gagawa ko sakanila at ang pambabalewala ko sakanila simula nung maging kaibigan ko ang magkakapatid.

Simula nung naging parte ako ng mundo sa labas ng bahay namin – pinasok ko ang mundo ng mga tao. Na halos itinakwil ko na sina Inay at Tatay bilang mga magulang ko. Dahil pakiramdam ko hindi ako aswang.

"Sobra na ang kalapastanganan mo samin ng iyong ama!!!!" galit na galit na lumalakad palapit sa pinaglagpakan ko si Inay. Nakikita ko ang anyo na waring nagsisimulang magbago. Pero nakikita kong pinipigilan niya pa rin ito. Lumalabas na ang matatalas niyang mga ngipin at kumakapal na ang kanyang mga labi; nanlilisik na ang mga mata ni Inay.

Naramdaman ko ang takot ko sa sarili kong Inay. Kahit kapag aatake siya ng hayop hindi ganito ang aura niya. Nuon lang, o nung mga oras na yun ko lang nakita ang ganitong klaseng katauhan ni Inay. Hindi siya ang Inay na kilala ko. Pero ako pa ba ang anak na kilala nila?

"Ano nanamang ipinaglalaban mo ngayooon??!" nagbago na ang boses ni Inay. Tunog leon na nagsasalita.

Nung mga oras na yun. Gusto ko na tumakbo palabas ng bahay at bumalik nalang sa plaza at gumawa nalang ng bandaritas; e ano kung may namatay? Bahala kayong kumompronta sa Nanay ko, kayo nalang makipag-usap. Pero wala na, andito na ko sa sitwasyon na to at ang tanging magagawa ko nalang ay harapin ang galit ni Inay.

Sa sobrang takot ko, sumiksik ako sa dulo ng pader at hindi napigilang ang mahinang pag-iyak ako. Hindi si Inay ang kaharap ko. Hindi ko kilala ang nilalang na 'to.

Habang nakapikit ako at patuloy na pumapatak ang mga luha, hinihintay ko ang isa pang bayo ng sampal ni Inay sakin. Napabalikwas ako ng maramdaman ko ang kamay sa mukha ko.

Marahang pinunasan ni Inay ang mga luha sa mata ko.

Muli ko siyang tiningnan. Bumalik na ang itsurang tao ni Inay. Bumalik na ang maamo niyang mukha. Wala siyang ibang sinabi. Pinunasan niya lang ang mga luha ko at alam kong iyon na ang simbolo ng paghingi niya ng tawad sa pananakit sakin.

At eto naman ang dahilan na pagkawala bigla ng takot ko, muling bumalik ang galit at poot ko sa ginawa nila ni Tatay.

Inalis ko ang kamay niya sa mukha ko at tumayo ako.. lumakad palayo sakanya.

At alam ko, si Inay naman ang lumuha sa ginawa ko. Pero pasensya siya, hindi ko pupunasan ang mga luhang 'yon.

Lumabas ako ng bahay na may galit parin kina Inay.

At sa loob ko, hinihiling ko na sana, hindi na nila ulitin ang pag-atakeng ginawa nila sa mga tao.

Aswang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon