Tiwala lang

206 7 0
                                    

Iknuwento ko kay Tibursyo ang bagong role ko. Dun pa rin sa tambayan namin sa tuktok ng gusali.

At ang ungas, tawa ng tawa. "O natupad na ang pangarap mo. Anghel ka na! Bwahahaha."

"Oo, papatayin na kita gusto mo? Aswang na to!!" napipikon kong sabi. Nakikita ko kasing isang problema iyon at balakid sa plano namin, samantalang siya nakikita niyang katatawanan.

"E saka na, pagnaka-costume ka na! Hahahaha." Pang-iinis niya pa rin.

"Uuwi na muna ko. Baka makapatay ako ng aswang." Sinabi ko yun sakanya para sana maka-isip siya ng sulosyon pero hindi naman niya siniseryoso.

Tawa pa rin siya ng tawa. "Sandali! Wag kang mag-alala. Kikilos kami ni Lolo kahit wala ka."

"Seryoso yan ha!"

"Oo, kami na muna ang makikipagkita sa kapatid ni Aling Divina. Mukang madali namang kausap yun si Aling Mayeng. Saka isasama namin si Aling Divina para makombinsi niya ang kapatid niya sa misyon mo." Sa wakas, seryoso na siyang nagsasalita.

"Misyon natin. Grupo tayo, team work 'to." Pagtatama ko.

"E yun naman pala e. Kaya nga wag ka na mag-alala. Gampanan mo muna ang pagiging anghel mo."

"Ayusin niyo ha."

"Tiwala lang."

At naging panatag na ako, kaya nagpaalam na rin ako kay Tibursyo. Kailangan ko kasing matulog dahil may ensayo kami bukas.

Habang lumilipad ako pauwi, nagpasalamat ako sa Dakilang Maylikha dahil pakiramdam ko'y sinusubaybayan Niya ko. Pakiramdam ko'y Siya ang nagbigay ng misyon na 'to sa puso ko. Pakiramdam ko'y Siya ang nagtutugma-tugma ng lahat. At nasisiguro kong may dahilan ang lahat. Laking pasasalamat ko rin sa mga nakilala kong aswang na lubos na nakatulong sakin, lalo na si Tibursyo.

Aswang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon