Refreshed

268 12 1
                                    

Kinabukasan, napansin kong wala si Tibursyo. Kinabahan ako, pero kabang hindi dahil sa takot. Kabang may halong excitement at nerbyos. Paano kung totoo ngang dadalin dito ni Tibursyo ang The Beatles?

Naku, kung ganun, dapat maayos ang itsura kong haharap sa kanila. Hindi yung ganitong mas malala pa ata ang itsura at amoy ko sa aswang.

Naghanap ako ng ilog o batis sa gubat.

Sa paghahanap ko, namangha ako sa ganda ng lugar. Pambihira ang ganda ng lugar. Ang galing naman ng Dakilang Maylikha sa mga obra Niya dito. E ako kaya, kaming mga aswang, ba't ganito kami?

Nawili ako sa lugar. Ang ganda din ng sikat ng araw sa mga puno. E ang ganda naman pala ng lugar na 'to. Bat ba ngayon ko lang nilibot ang kagubatan na 'to? Ba't ba ko nagtitiis sa masukal na parte ng gubat na yun samantalang ang laki-laki ng lugar at kay daming magagandang obra ang Dakilang Maylikha.

Ito ang paborito ko sa lahat ng nillikha ng Dakilang Maylikha – ang kalikasan. Una, siguro kasi dahil andyan lang sila para magpagaan sa pusong nabibigatan; kaya nga siguro nagustuhan ko rin ang pagteteatro kasi nalilibot namin ang bawat lugar at namamangha ako sa kagandahan ng kalikasan sa mga pinagtatanghalan namin lalo na kapag probinsya. Pangalawa, kahit gaano mo sila mahalin at hangaan, hindi ka nila sasaktan. Pangatlo, ang ganda talaga nila. Namamangha ako sa Dakilang Maylikha sa 'twing nakikita ko sila.

Tulad ngayon, gusto kong ipinta tong nakikita ko. Gusto kong manatili sa isip ko ang kagandahan ng lugar na to.

Nung makakita ako ng maliit na falls, naalala kong dapat nga pala kong maligo. Baka parating na si Tibursyo dala ang The Beatles.

Naligo ako ng nakadamit. Ang sarap palang maligo. Ang sarap palang matanggal ang mga libag at alikabok sa katawan. Ang ginhawa sa pakiramdam.

Pero nung tapos na ko maligo, nomroblema naman ako sa pampalit. Naisip kong magbibilad nalang ako sa araw, at sana pagdating nila Ringgo, tuyo na ko.

Umakyat ako sa tuktok ng bundok, pinagmasdan ko ang ganda ng maliliit na bagay mula sa kinatatayuan ko. Pati ang pormasyon ng mga ulap nagpapapansin sa ganda. Ang sarap din ng dampi ng sikat ng araw sa aking balat. Pwede na kong mabuhay ng ganto sa lugar na to. Ganto lang kasimple, okay na ko.

Teka, anong sabi ko? Pwede na kong mabuhay? Anong nangyari sakin? Diba gusto ko na mamatay. Bakit may kakaibang pag-asa sa puso ko na sumibol at biglang gusto ko na ulit mabuhay?

"Hoy oh." sabi ng nakakanis na tinig at may inihagis siyang bag sa harapan ko.

Panira ng moment.

Hindi ko na tiningnan ang pinanggalingan ng boses. Ayokong makita ang nakaka-init ng ulong mukha ni Tibursyo. Pero yung bag tiningnan ko. ano naman kayang laman nito?

Kinabahan ako, baka nilagay niya sa loob ng bag na to ang The Beatles. Pero mukha namang hindi sila kasya duon. Pero panu kung pinugutan niya ng ulo at mga ulo nila ang laman ng bag na 'to?

Agad kong binuksan ang bag para matapos na ang kaba ko.

Tumambad sa akin ang mga damit na panlalaki.

"Alam kong maliligo ka. Ayan paltan mo yang basa mong damit. Pasensya ka na, busy daw sila, hindi sila makakapunta."

Gusto ko nanaman siyang batuhin ng lahat ng bato sa mundo pero nainis din ako sa sarili ko dahil nagpa-uto ako sakanya. Pero nagsalita pa rin ako, "Hindi na ko maniniwala sa lahat ng sasabihin mo. Umalis ka dito, magbibihis ako."

Tumawa siya. "At least diba, naligo ka."

"Umalis ka, magbibihis ako."

Umalis siya.

Naghanap ako ng medyo tagong lugar, para magbihis. Hindi ko gusto yung damit kasi panlalaki. Puro Barong Tagalog ba naman at slux ang dinala. Nang-aasar talaga yung ungas. Ano ko aattend ng talumpati o ibuburol?

Pero wala akong nagawa kundi suotin ang isang pares.

Biglang gusto ko na bumalik sa komunidad at muling magteatro. Kamusta na kaya sa labas? Martial Law pa rin kaya? Nung tuliro kasi ako kakahanap sa mga magulang ko, tuliro na rin ang ibang kababayan sa pag-aklas sa gobyernong Marcos. Malaya na nga kaya sila sa Martial Law?

Malalaman ko yan mamaya. Hihintayin ko dumilim, pagkatapos ay lilipad ako pabalik sa Cavite.

Naisip ko ang mga abo nila Inay at Tatay. Dalhin ko kaya ang mga iyon. Pero sa huli, napagdesisyunan kong mas magandang manatili nalang sila dito sa magandang lugar. Dadalawin ko nalang sila dito lagi.

Bumalik ako kung saan andun ang halimuyak ng mga magulang ko. Sa daan, naghanap ako ng makakain. Kinain ko rin ang panibagong mga isdang dala ni Tibursyo. Nagpakabusog ako. Naka-ilang bandehadang isda at prutas kaya ako? :D

At sa susunod mong malalaman, kasuklaman mo na kaya ako?

Aswang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon