Stalker

260 8 0
                                    

Kailangan kong aminin na kahit sa nagpapanggap ako bilang isang tao at walang emosyon, may mga pagkakataong nagiging alipin ako nito.

Sa kabila ng pilit kong paghihiwalay ng emosyon ko, paulit-ulit kong binabalikan ang mga taong nakasakit sakin sa kagustuhan kong malaman ang kalagayan nila.. dahil sakop pa rin nila ang malaking espasyo sa katauhan ko. Sa laki ng naging parte nila sa buhay ko, hindi ganun kadaling iwan at kalimutan sila. Kahit magpalamon ako sa galit na nararamdaman ko para sakanila, hindi nito kayang baligatarin ang katotohanang mahalaga pa tin ang tatlong magkakapatid sa buhay ko.

Kaya naman, pagmay pagkakataon, lumilipad ako pabalik sa Quiapo para tingnan ang kalagayan nila.

Sumisilip ako sa binatana nila. Nakikita ko silang mahimbing na natutulog. Nung una, sapat na sakin yun pero dumating din ako sa puntong, bumabyahe ako para lang makita silang kumilos ng normal sa umaga; para naman malaman ko kung ano ng nga bang nangyayari sa pang-araw-araw nilang buhay.

At kung ang pagiging stalker ang pag-uusapan, panalo kaming mga aswang dyan. Gusto mong matuto? Magpa-train ka sakin.

At kailangan ko pa rin talagang mag-ingat dahil baka may makakilala sakin na hindi nakasinghot ng hininga nung mga aswang na tumulong samin.

Pinagmamasdan ko sila ng di nila namamalayan. At sa twing nakikita ko silang masaya, nasasaktan ako hindi lang dahil sa naaalala ko yung pagtalikod nila sakin. kundi dahil din hindi na ako parte ng kasiyahan nila.

At si Dario, nung unang araw na nakita ko siyang may kasamang ibang babae na naglalakad sa plaza, pakiramdam ko may pumipiga sa puso ko. At tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ako nasasaktan ng ganun gayung dati ko pa naman itinutulak palayo ang pag-ibig na iniaalay niya sakin.

Ilang bes ko sinasaktan ng ganun ang sarili ko, ilang bes ko pinagmamasdan ang kasiyahan ng mga magkakapatid. At ilang bes ko nakitang mas masaya si Dario sa bago niyang pag-ibig. At kahit gaanu kasakit, ewan ko ba kung bakit pabalik-balik pa rin ako sa lugar kung saan walang nakakaalala sa isang Corazon.. sa isang pamilya ng aswang.

At laking gulat ko ng malaman kong mali pala ang akala ko.

Aswang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon