Depresyon

279 8 8
                                    

Hindi ako umalis sa masukal na gubat na yun. Walang liguan, walang kainan, walang salita, wala maramdaman. Ni hindi ko na rin magawang lumuha.

Gusto ko na ring mawala katulad ng mga magulang ko. Gusto ko na ring maging alabok. Ano pa bang dahilan ko para mabuhay? Lumapa ng tao o hayop? Walang kwenta at karumaldumal ang buhay na yun. Bakit ko pa pipiliing mabuhay gayung wala namang patutunguhan ang lahat. At ang masakit dito, kahit mawala ako sa mundong 'to. Walang may pake. Wlang luluha. Walang maghahanap. E kakasilang ko pa nga lang kinalimutan na ko ng mundo, hindi ba?

Kalokohan na nabubuhay pa ko at pinaabot ko pa sa ganito katagal na panahon. Nasaktan pa tuloy ako. Pati sila Inay at Tatay sinaktan ako sa pagkawala nila. Alam naman nilang sila nalang ang natitira sa buhay ko, iniwan pa nila ko.

Ano kayang mangyayari sakin pagkamatay ko? Magiging alabok ba ko katulad nila Tatay? Masakit bang mamatay?

Nung mga oras na yun, alam kong hanggang dun nalang ako. Tanggap ko na kung ano mang kakaharapin ko pagkatapos ko malagutan ng hininga. Ano kayang meron pagkatapos ko mamatay? Makikita ko kaya ang Dakilang Maylikha, o maglalaho nalang talaga ako kasabay ng pagka-agnas ng katawang 'to?

We are the champion my friend.. We'll keep on fighting 'till the end..
we are the champion.. we are the champion.. we are the champion---

Nagulat ako sa tunog na bigla nalang sumulpot. Dala ba to ng gutom ko at kung anu-ano ng naririnig ko? Kanta yun ng paborito kong mga mang-aawit. Siguro nga, lumilipad na ang katinuan ko at kusa nitong pinapagaan ang pakiramdam ko habang unti-unti nang namamatay ang sistema ng katawan ko.

Patuloy na tumutugtog ang kanta ng The Beatles, sinabayan ko ang awit at pumikit. Pakiramdam ko sinabayan din ng huni ng mga ibon ang awit na yun.

"Nakatulong ba?" tanong ng isang pamilyar na tinig.

Lumingon-lingon ako sa paligid, pero wala akong nakitang nilalang. Lumalala na ang ilusyon ko, sira na ang sistema ko, sabi ko sa isip ko. Pumikit lang ulit ako at sinabayan ang kanta.

"O kumain ka na. Wag kang parang tanga dyan." sabi nanaman ng tinig na pamilyar talaga sakin pero hindi ko maalala kung sino.

Hindi ko pinansin ang tinig na nasa imahinasyon ko lamang. Nanatili lang akong nakapikit. Pero ano yung naaamoy ko? Amoy masarap. At waring may halimuyak na nagbalik. Pero hindi ko pinansin ang imahinasyon ko, nakapikit lang ako at sumasabay sa kanta.

"Ang baho mo, maligo ka na!" anak ng imahinasyon 'to. Sinasabihan ako ng sarili kong imahinasyon na mabaho ako? Sandali nga.. dumilat na ako.

Bumungad sakin ang mga hilaw na isda. Sangkaterba sila. Ano to, hulog ng langit?

Umulan ba ng isda nung nakapikit ako? Tanghaling tapat umulan ng isda? Ano 'to, ganto na katindi ang hallucination ko?

Sinundot ko yung isang isda. Aba, parang tunay. Gumalaw-galaw pa. Kumalam tuloy ang tiyan ko.

Pero hindi nga pala ko dapat kumain, tunay man to o ilusyon lang. Pagkumain pa ko, madadagdagan lang ang buhay ko at tatagal nanaman ako. Ayoko. Pumikit lang ulit ako. Hindi ko na sinabayan ang kanta.

"Gusto mo ba subuan pa kita? OA ka na. Akala ko pa naman magaling kang artista." Sabi nanaman ng tinig na ngayon ay medyo nakikilala ko na.

Oo, kilala ko na. Tinig yun ng ungas na si Tibursyo. Hindi 'to pwede, bakit niya napasok ang imahinasyon ko. Kelangan niyang umalis. Sumigaw ako ng malakas. Umalingawngaw ang tinig ko sa buong gubat. Nagliparan tuloy ang mga ibon sa puno.

Sisigaw pa sana ako ng isa pa, pero may bumato ng isda sa bibig ko. Sakto at daredaretso sa lalamunan ko hanggang tiyan. Naramdaman ko yung tiyan ko na waring tinunaw kaagad yung kawawang isda. At yung, pangyayaring yun, alam kong hindi hallucination.

Anak ng,, mukang andito talaga si Tibursyo, sabi ko sa isip ko.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Nakita ko siya sa ibabaw ng puno at may dalang radyo. Nakangiti nanaman ng tabingi, sapakin ko kaya para pumantay.

"Mapapatay kita pag di ka umalis." mahinahong banta ko sakanya.

"Talaga? Kaya mo? Kumain ka muna para magawa mo." Pang-iinis niya.

Bumalik na siya sa dati niyang kadaldalan, hindi katulad ng huli naming pagkikita na masyado siyang seryoso. Hindi ko alam kung dahil sa guilt o awa. Hindi pa rin malinaw sakin ang dahilan kung bakit alam niya ang lugar kung nasaan ang mga alabok ng magulang ko. Alam kong may itinatago siya sakin.

"Umalis ka!!!!" sigaw ko.

"Pag-umalis ako, mamimiss mo nanaman ako. Buti nga nagtitiis ako dito kahit ang baho mo e." nakaka-asar niyang sabi.

"Ang kapal ng pagmumuka mong ungas kang aswang ka!" hindi ko kinakaya ang kayabangan nitong aswang na 'to.

"Hoy tatlong buwan ka ng hindi naliligo. Nangangalingasaw ka na, akala mo nagbibiro ako?"

"Wala kang pake. Edi umalis ka!" pero napaisip ako, tatlong buwan na ko sa lugar na to? Ganun katagal na akong mag-isa dito?

"Ayoko. Kumain ka. Maligo ka. Maawa ka naman sa mga hayop dito sa gubat, naaamoy ka."

Hindi ko nalang siya pinansin. Hindi mauubusan ng pang-aasar sakin ang Tibursyo na 'to. Ako lang ang talo.

Tinulugan ko siya. 

Naluto lang ang mga isda sa init ng araw. Kinain lang sila ng ibang mga hayop sa gubat.

Aswang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon