Sa loob ng tatlong taon na yun. Natuto akong kumain ng lutong lamang loob ng mga hayop. Sa una, hindi ko kinaya. Pero dahil sa kagustuhan kong manatili sa pakikipagkaibigan ko sa tatlong magkakapatid, nagawa ko.
Hindi pwedeng sila e kumakain samantalang ako ay nakatunganga lang. Mahilig pa naman sa handaan ang pamilya nila.
At sa loob ng tatlong taon na yun, hindi ko na kasabay kumain ang mga magulang ko. Hindi na nila ako kasama o mas tamang sabihin na hindi na ako sumama sa twing lilipad sila ng probinsya upang umatake ng pang-lamang tiyan.
Noong una, halos kaladkarin nila ako para lang makasama ako sa pagkain; halos ikandado nila ko sa loob ng bahay upang hindi makasama ang tatlo. Pero hindi nila ko napigilan. At habang patuloy nila kong pinipigilan, sinasaktan ko lang ang damdamin nila. Kaya siguro unti-unti na din silang tumigil. Pinabayaan nila ko sa gusto kong gawin, tutal wala naman silang magagawa.
Nakilala na ako ng ibang tao sa barangay namin. Pero sila Nica, Dora at Dario lang ang lagi kong kasama.
Tinanong nila ko kung ba't hindi ako nag-aaral. Dumating pa sa puntong, sila na ang magtutustos ng pag-aaral ko para lang makapag-aral ako. Pero tumanggi ako kahit aaminin ko, medyo na-engganyo ako. Naalala ko kasi sila Tatay, sobra na ang kalokohan ko pagtinanggap ko ang alok ng magkakapatid. Isa pa, sapat na sakin ang kasiyahan kasama silang tatlo.
Lagi kaming naglalaro sa may plaza nina Nica at Dora. Si Dario naman ang tagapaglibre namin. Si Dario.. na sa loob ng tatlong taon, ipanakita niya sakin kung gaano ako ka-espesyal sakanya. Hindi bilang isang tao, kundi bilang isang babae. At hindi siya nagsawa.
Doon ko rin naintindihan kung ano bang ipinapadama ni Dario sakin. Doon ko naintindihan ang tinatawag nilang pag-ibig.
Pero ayoko. Natutuwa ako sa atensyong ibinibigay niya, pero ayoko tanggapin ang ibinibigay niyang pag-ibig. Una, dahil sapat na sakin na lagi ko silang kasama, wala na kong higit pa na hihilingin sa pagkakaibigan namin. Pangalawa, natatakot akong makilala niya pa ko ng husto at malaman niya ang lihim ko. Natatakot akong lumayo sila.. lumayo siya.. oras na makilala nila ang tunay na ako, pero sa loob ko, naniniwala akong malaman man nila ang lihim ng pamilya namin, tatanggapin pa rin nila ako dahil mahal nila ako. Pero natatakot pa din ako.
At haharapin ko pala ang kinatatakutan ko, haharapin ko pala.
Totoo nga ang paniniwala niyong mga tao na walang lihim na hindi nabubunyag.
BINABASA MO ANG
Aswang Ako
TerrorKapag sinimulan ko ng ipakilala ang sarili ko. Huwag kang tumakbo. Paki-usap, gusto ko lang pakinggan mo ang istorya ko. Aswang ako. At kung hindi ka naniniwala, sundan mo kwentong to.