Researcher

261 8 0
                                    

Matagal din ako gumawa ng research patungkol sa aming mga aswang. Ang laking tulong ni Kap Gino. At sige na nga, pati na rin ni Tibursyo.

Wala pa rin akong ibang nakikilalang aswang nung mga panahon na yun. Ewan ko ba sa mag-lolong yun at ayaw pa nilang ilantad ang ibang aswang sa akin. Puro lang sila, '..Mga artistang aswang, politikong aswang, mamboboteng aswang' pero wala naman silang pinapakilala at pinapangalanan.

Inilahad ko sa dalawa ang naisip kong plano para lang pumayag silang ipakilala ako sa iba pang mga aswang na kakilala nila. Kailangan ko rin ng makakatulong sa misyong ito.

At hindi sila naging madaling kumbinsihin. Ilang linggo ko inulit-ulit sakanila ang paki-usap na iyun para lang mapapayag ko sila.

Akala ko nga matigas talaga sila. Pero nung sinabi ko, "O sige, kung ayaw niyo talaga wala akong magagawa. Pero hindi yun magiging hadlang sa pagtupad ng misyon ko. Kikilos pa rin ako, kahit mag-isa."

Aba'y akalain mong tinablan sila sa dramang yun. Sa loob ng isip ko, tumatawa ako kahit seryoso din naman talaga ako sa sinabi kong yun.

Dinala ako ni Kap Gino at ni Tibursyo sa Alabang lulan ng mobile ng baranggay. Dito daw naming matatagpuan ang makakatulong ng higit sa gusto kong gawin.

Nagulat ako sa pinuntahan namin.

Ang laki ng gate at ang tataas ng pader.

Pinapasok kami ng guard.

Sa loob, ang ganda ng malalaking puno pati na din yung garden sa gilid. Sa bandang likuran, kitang-kita ko ang malaking pool. Ang ganda ng bahay, kasing laki ito ng ordinaryong mall ngayon. Ang puti. At na-attarct ako sa magandang terrace, parang gusto ko agad tumambay dun at uminon-inom ng kape.

Ang galing ha, sino nga naman bang mag-iisip na aswang pala ang may-ari ng bahay na yun.

Mukang bigatin 'tong aswang na ipapakilala sakin.

Maya-maya isang matandang sophistikadang babae ang lumapit samin.

"Kayo ba ang kaibigan ni Divina?" seryoso niyang tanong.

"Oho." Sagot agad ni Kap.

"Sandali at tatawagin ko siya." Ngumiti pagkatapos ay tumalikod ang matandang sophistikada.

Pagkalayo ng matandang sophistikada tinanong ko kagad si Kap, "Kap, ang yaman naman ng mga aswang na 'to. Ba't di mo po siya pinakilala sakin, sino yun?"

"Siya si Donya Monita. Siya ang may-ari ng isang mall sa Maynila." Si Tibursyo ang sumagot.

"Wow. Ang galing naman niyang aswang." Mangha kong sabi.

"Anong aswang? Hindi yun aswang. Lo, mukang kelangan nito matutunan ang discernment." Natatawang sabi ni Tibursyo.

"Ha? Edi ba aswang ang ipinunta natin dito?" nalito na ko.

"Oo nga. Yun nga ang ipinunta natin si Aling Divina. Uyy, perslab yun ni Lolo." Si Tibursyo nanaman ang sumagot, sabay siko sa lolo niya.

"Talaga, ikaw Kap ha.." Panunukso ko din. "E ano po ba siya dito?" muling tanong ko.

"Mayordoma." Maiksing sagot ni Kap. Habang titig na titig sa pintong lalabasan ng hinihintay naming aswang.

"Ano? Hiyang-hiya naman si Donya Monita, siya pa ang sumalubong satin at tumawag sa mayordoma niya dahil may bisita."

Napansin kong biglang ngumiti si Kap Gino, tiningnan ko ang pinagtutuunan ng mga ngiting yun.

Eto na si Aling Divina. Muka ngang magka-edad sila ni Kap. At kahit naman may edad na siya, bakas parin ang kagandahan sa mukha niya. Sinalubong niya din ng ngiti ang ngiti ni Kap. Pagkatapos ay tumingin naman siya samin ni Tibursyo at ngumiti.

Ipinakilala ako ni Kap kay Aling Divina. Unang kita palang namin, magaan na agad ang loob ko kay Aling Divina. Gusto ko kasi ang ugali niya. Hindi masyadong madaldal ngunit ang sarap kausap.

Inakala niya pang ang pakay lang namin ay ang ipakilala ako ni Tibursyo sakanya. Pinagkamalaan niya kong nobya ni Tibursyo. Pero agad kong itinanggi at inilahad ko sakanya ang dahilan ng pagpunta namin.

Nagkwento siya ng ilang bagay mula sa pagiging aswang namin. Dun lang kami pumuwesto sa labas pero sagana naman kami sa meryenda na ipinahanda pa daw ni Donya Monita. Ang palad naman ni Aling Divina sa amo niya. Kung malaman niya kayang aswang ito, paano na niya pakikitunguhan ang mayordoma niya. Naisip ko lang, humugot lang mula sa karanasan.

Sabi ni Aling Divina, mapanganib ang gusto kong gawin, pero ganun pa man, handa siyang sumuporta. Tulad ko, hangad niya ding mawala ang halimaw sa katauhan namin.

Si Aling Divina ang umako ng pagsusustento sa balak ko.

Nahiya ako, kaya tinanggihan ko. Sa kanya pa talaga ako aasa e gantong pagiging mayordoma lang ang inaasahan niyang pangtustos sa mga pangangailangan niya.

Pero nagpumilit siya, at sinabing mas mayaman pa siya sa amo niya.

Tumawa ako ng malakas. Pero bigla akong napatigil ng mapansin kong ako lang ang tumawa. Hindi pala joke ang sinabi niya.

In-explain niyang teenager palamang siya ay kasambahay na siya dito. At di hamak na malaki talaga ang maiipon niya dahil wala namang ginagastos ang katulad nilang stay-in na maid, maliban sa pagpapadala. At sa kaso niya, kapatid niya lang sa probinsya ang pinagpapadalhan niya. Wala na silang mga magulang, pinatay ng mga kapwa nila aswang.

Nakita ko naman ang logic, kaya naniwala na ko. Kumpara nga naman sa mga nagbabayad ng kuryente, tubig at kung anu-anu pa, mas makaka-ipon talaga ang tulad nila. Tinanggap ko na rin ang alok niya. At nakita ko ang malalim na dahilan kung bakit sumuporta siya kaagad.

Sabi niya'y ipapakilala niya ko sa medyo nakakabata niyang kapatid – si Aling Mayeng. Marami din daw itong kilalang aswang na maaring pumanig sa gagawin namin.

Ang haba na ng kwentuhan naming dalawa ni Aling Divina, habang yung dalawa, tinulugan lang kami. Nakaka-iyak ang suporta nila para samin.

Nang malinaw na samin ang mga dapat gawin, nagpaalam na din kami. Matagal-tagal din na usapan yun, halos mag-gagabi na nung umuwi kami. Ang bait naman ng amo ni Aling Divina.

Habang pauwi kami sakay ng mobile ni Kap Gino. Tunuksu-tukso namin siya sa eksena nila kanina ni Aling Divina. Halatang may pagtingin pa 'tong si Kap kay Aling Divina. E ba't nga ba kasi hindi sila nagkatuluyan. Hindi niya yun sinagot, at hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam.

At dahil sa pag-uusap namin ni Aling Divina, lalong tumindi angpag-asang may kabuluhan ang gagawin ko. Excited na kong makilala si AlingMayeng at ang iba pang mga aswang.

Aswang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon