Ang Tatlo at ang Isa.

295 8 0
                                    

Pagdating ko sa bahay nila. Hindi ko alam ang tamang iaakto. Lahat kasi ng tao nakatingin sakin. Marahil ay nagtataka sila na sa unang pagkakataon ay nakihalubilo ako sa kanila.

Alam kong bawat galaw ko ay pinagmamasdan nila. Kinikilatis nila ko habang may pagkakataon sila.

Hindi naman ako pinabayaan ni Dora, waring alam niyang hindi ako palagay sa mga taong nakapaligid samin.

Agad niya kong dinala sa likod ng bahay nila kasama si Nica at ibinilin ako kay Nica, "tatawagin ko lang si Kuya at kukuha narin ako ng makakain natin." At muli siyang pumasok sa loob.

"Ati, wag mong tatarayan si Kuya ha. Mabait naman yun." Mabait na babala ni Nica.

Nung mga panahon na yun, hindi ko pa alam ang nais ipahiwatig ng magkapatid sa akin. Basta ang alam ko, katulad nila, gusto din ako maging kaibigan ng kapatid nila.

At nakakatuwa yun sa pakiramdam. Lalo na sa katulad kong si Corazon na matagal ibinukod ang sarili sa iba.

Maya-maya lang dumating na si Dora, hawak ang braso ng isang lalaking brush-up ang buhok at mas matangkad sa kanya pero kamukang-kamuka niya.

Nagkatinginan kami ng lalaking kamuka ni Dora. Umiwas ako ng tingin dahil mukang walang balak alisin ng lalaking yun ang tingin niya sakin.

"Kamusta ka Corazon?", sa unang pagkakataon, narinig ko ang tinig na tatatak sa isip ko habang buhay.

Hindi ako tumugon.

Siniko ako ng batang si Nica, at waring pinapaalala niya ang mabait niyang babala sakin.

Nagsalita si Dora at nakangiti, "Corazon, si Kuya Dario."

Inilahad ni Dario ang kamay niya, simbolo ng pagpapakilala.

Wala akong ibang naging tugon kundi abutin ang mga kamay na yun at tanggapin ang bagong kaibigan.

"Salamat sa pagpunta mo sa ika-19 na kaarawan ko. Mukang natanggap ko na ang pinakamagandang regalo ko." sabay kumindat siya kay Nica.

"Ay ikukuha ko lang ikaw ng makakain Corazon." Sabay talikod ni Dora at sumunod naman si Nica na tumatakbo pabalik sa loob ng bahay.

Naiwan kaming dalawa ni Dario at hindi ko gusto ang pakiramdam nay un. Parang gusto ko tumakbo sa tabi ni Dora at lumayo sa kapatid niyang hindi ko pa kakilala.

"Marahil ay kinulit ka ng dalawa para makapunta lamang sa kaarawan ko."

Hindi ako tumugon.

"Alam mo kasi, sinubok ko sila. Sabi ko, pagnapapunta nila sa kaarawan ko ang babaeng mailap at matagal ko ng tinatangi, ibibigay ko sakanila ang lahat ng regalong matatanggap ko."

Sa isip ng walang muwang na ako, hindi ko maunawaan ang ipinahihiwatig ni Dario. Anong bang pinagsasabi ng lalaking to? Pero naunawaan ko, na gusto lang pala ako maging kaibigan nila Dora dahil may kapalit itong maganda para sakanila. Akala ko, gusto talaga nila ko.

Napaisip ako, kung ganun ba talaga ang mga tao. May kirot akong nadama. Mas masakit kesa sa kirot na naramdaman ko nung makita kong may takot sa mga mata ng mga magulang ko nung araw na nakita nila kong kausap ang batang uhugin.

Hindi naman pala talaga ako gusto ng mga bago kong kaibigan, e bakit pa ko nandito? Tumayo ako at lalakad na sana paalis.

"Corazon, sandali. San ka pupunta?" pigil ni Dario.

"O eto na ang pagkain mo, Corazon." Dala ni Dora ang isang platong punung-puno ng pagkain. Napansin niyang paalis ako, "O san ka pupunta?"

Tiningnan ko siya, "Akala ko gusto mo ko maging kaibigan." Walang emosyon kong sumbat.

"Oo naman matagal na. Matagal ka na naming gusto maging kaibigan nila Kuya."

Tiningnan ko ulit siya. Tiningnan ko si Dario at ngumiti ito.

"Kumain ka na o." inabot sakin ni Dora ang dala niyang plato.

Tiningnan ko ang pagkain, nagdalawang isip akong abutin ito, pero kinuha ko rin. At kahit hindi ko gusto ang lasa, inubos ko ang laman ng plato.

Sapat na sakin ang sagot ni Dora para paniwalaan ang pagkakaibigan na mabubuo saming apat, kasama si Nica. Pagkakaibigan ng tatlong tao at isang aswang.

Aswang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon