Guho

257 10 2
                                    

Habang nasa likod kami ng kurtina ng entablado, sinisipat ko ang mga taong naka-upo sa loob ng gusaling pagtatanghalan namin dito sa Avenida.

Ang daming tao. Ito na ang may pinakamalaking bilang ng manunuod sa tanan ng pagtatanghal ko. Nakita ko sina Tibursyo, kasama niya pala si Kap Gino. Nasa bandang dulo sila. Aba full support sila sa huli kong pagtatanghal a, sabi ko sa isip ko.

Nahagip din ng mata ko ang mga mukhang pamilyar na pamilyar sakin. Yung magkakapatid, kasama sila sa mga manunuod. Kasama din nila ang mga magulang nila.

Talaga naman, mukang espesyal nga ang huli kong pagtatanghal a.

Maya-maya lang nagsalita na si Direk sa likod ng stage, hindi siya kita. Boses niya lang ang dinig, pinihanda na niya ang mga manunuod. Pagkatapos ay sinundan ng Pambansang awit. At pagkatapos ay biglang namatay na ang ilaw, senyales na mag-uumpisa na ang aming pagtatanghal.

Pina-akyat na ako ni direk sa taas ng stage, duon kasi ako magmumula.. Duon kung san nakasabit ang mga ilaw. Baba akong naka-harness.

Pero mga dalampung minuto ako duon sa taas bago bumabang naka-harness.

Pinagmamasdan ko ang reaksyon ng mga nanunuod sa bawat eksena ng mga umaarte sa baba. In fairness, nakukuha nila ang atensyon ng aming mga manunuod.

Susunod na ang eksena ko. Ibanaba na ko ng nakaharness. Merong dalawang nagko-control sa tali. Tumunog ang trumpeta.

Magsasalita na sana ako ng biglang may malakas na sumigaw galing sa audience.

"MAY BOMBAAAAAAAAAA!!!"

Kasunod nun ang malakas na tunog ng pagsabog.

Tumalsik ako sa kung saan. Hindi ko na naramdaman yung sakit. Basta ang alam ko, ang dami kong nakitang stars. Kung san-san siguro ako tumama. Hindi ako handa dun, hindi activated ang lakas kong pang-aswang.

Pagkabangon ko, nakita kong duguan ako mula ulo hanggang paa.

Tumingin ako sa paligid, sandali ata akong nabingi dahil ang lakas ng ugong ng naririnig ko sa tenga ko. Nakikita kong nagsisigawan ang ibang duguang tao, pero hindi ko sila naririnig maliban sa ugong.

Maglalakad sana ako para tulungan ang isang babaeng naipit ng malaking bato nang bigla nanamang may pagsabog.

Tumalsik nanaman ako sa kung saan. Pero ngayon, medyo handa ako dun. Kaya kahit tumalsik ako, nakatayo parin ako.

Nakita kong nagbabagsakan na ang mga pader ng gusali. Ang dami ng natatabunan. Ang daming gumagapang palabas. Pero sa tingin ko, kulong na kami sa gusali. Wala ng malalabasan maliban sa tuktok ng nagbabagsakang kisame.

Narinig ko na ang ingay ng iyakan at sigawan.

Hinanap ko sila Tibursyo, asan kaya sila.

Nakita ko si Direk, patay na siya, labas ang stomach niya. Yung mga iba kong ka-teatro putol-putol na ang katawan. Yung iba buhay, yung iba wala dilat na nawalan ng buhay.

Sa tanan ng buhay ko, kahit aswang ako, hindi pa ko nakakita ng ganitong senaryo ng mga itsura ng tao. Hindi nagutom sa itsura nila, naawa ako. Naramdaman ko yung sakit nila. Naramdaman ko yung takot sa mga tinig at mata nila.

Anong gagawin ko?

Nagpalingon-lingon ako, asan sila Tibursyo at Kap Gino?

Natataranta ako. Tinulungan ko ang isang babaeng nakabaon ang katawan sa mga bato pero nung inaangat ko siya, nahahati ang katawan niya at sumisigaw lang siya sa sakit. Binitawan ko siya. Hindi ko alam ang dapat gawin. Nataranta na ko. Gusto ko sumaklolo sakanila pero paano?

Aswang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon