CHRISPasado alas dyes na ng gabi ng makauwi ako sa townhouse. Galing ako sa bahay nila Rex—my bestfriend. Anniversary kasi nila ng asawa niya kaya nag kainuman kami sa kanila.
Sweet na sweet nga ang mag-asawang iyon, eh. Talagang mahal nila ang isa't-isa, hindi ko maiwasang hindi mainggit.
I'm really feel envious. I wish me and Melissa could also be like them.
Madilim na ang buong kabahayan kaya alam kong tulog na ang mga kasambahay namin at si Melissa—'yun ay kung nakauwi na nga siya. Ako na ang nagbukas ng gate saka pinasok ko na ang kotse ko.
Napangiti ako ng makita ang Civic Honda niyang naroon sa garahe. Ibig sabihin ay nakauwi na talaga siya, unti-unti na nga siyang nagbabago.
I couldn't help but to smile.
Palagi na siyang umuuwi ng maaga. 'Yun nga lang mailap pa rin siya sa akin. Matapos nung araw na nagdinner date kami, umiwas na ulit siya sa 'kin. Kapag nag-uusap naman kami tungkol lang sa kompanya. At ngayon ngang tapos na ang training ko sa kanya, kahit sa iisang kompanya lang kami nagtratrabaho parang may kanya-kanya naman kaming mundo.
Tsk! Akala ko pa naman pwede na kaming magsimula ulit.
Pumunta na agad ako sa kwarto ko—kwarto ko dahil magkahiwalay ang kwarto naming dalawa ni Mel—para makapagpalit na at maghalf bath muna. Pakiramdam ko nanglalagkit ang katawan ko.
Pagkatapos kong maligo ay naisipan kong magkape muna bago matulog. Medyo sumasakit kasi ang ulo ko dahil sa brandy na ininom namin kanina.
Pababa na sana ako ng hagdan nang mapansin kong medyo nakasiwang ang pinto ng kwarto ni Melissa. Magkaharap lang ang mga kwarto namin pero bakit hindi ko yata napansin 'yun kanina?
Nacurious akong silipin siya sa kwarto niya. Dahan-dahan lang akong pumasok. Nakita ko ang bulto niya. Nakatagilid siya at nakakumot ng hanggang sa balikat niya.
Dahan-dahan lang akong lumapit sa kanya at baka magising siya. Sa lagay niya ngayon at parang nilalamig siya. Chineck ko yung aircon niya kung naka high temp ba 'yun.
Nakapatay naman ang aircon niya. Pero bakit nilalamig siya?
I saw her sleeping so peacefully but I noticed her face and lips were as pale as paper!
May sakit ba siya?
Kinapa ko ang noo niya at mainit nga siya! Unti-unti siyang gumalaw at nagmulat ng mga mata. Halata sa mukha niyang may dinaramdam siya.
"C—Chris." she murmured.
Marahan kong hinaplos ang mukha niya. "Sshhh... Take a rest and please let me take care of you. Bakit 'di mo sinabing may sakit ka? Uminom ka na ba ng gamot mo?" I worriedly asked. Umiling lang siya.
"Okay, just wait. Kukuha ako ng bimpo at gamot mo." Saad ko saka agad nagtungo sa kusina para kumuha ng gamot at bimpo at saka naglagay ng maligamgam na tubig sa palanggana. Kumuha rin ako ng tubig saka mabilis ang hakbang na bumalik sa silid niya.
Dahan dahan ko muna siyang pinaupo at isinandal sa headboard ng kama tsaka siya pinainom ng gamot. Matapos niyon ay pinahiga ko na siya ulit. Kinuha ko ang bimpong binabad sa maligamgam na tubig at piniga. Marahan ko iyong pinatong sa noo niya.
Pilit na kinukumotan niya ang sarili niya. Tinulungan ko siya, balot na balot na siya pero parang kulang pa 'yung kumot para mapawi ang lamig na nararamdaman niya.
"Shit! I'll take you to the hospital now." alalang-alala na ako. Bubuhatin ko na sana siya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"Huwag na. Dito na lang ako.. B-Basta dito ka lang sa ta..bi ko." Putol-putol na sabi niya.
Fuck it! Ang sarap pakinggan ng sinabi niya. She needs me beside her.
"I promise, dito lang ako." pangako ko sa kanya habang marahan kong hinahagod ang likod niya.
"Chris... pwede mo ba akong yakapin? Ang lamig..." sabi niya habang nakapikit. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya.
Tumalima naman ako at buong pagmamahal ko siyang niyakap. Ikinulong ko siya sa mga bisig ko. Naramdaman ko ang mainit na paghinga niya habang nakabaon ang mukha niya sa dibdib ko.
Naalala ko nung mga panahong magkaibigan pa lang kami. Ganitong-ganito rin ang ginawa ko noon ng magkasakit siya. Ako ang tinatawagan niya para alagaan siya.
Isang tawag niya lang sa akin noon agad na akong pumupunta sa kanila para damayan o tulungan siya sa mga problema niya. Ang sarap niyang alagaan.
Hindi ako magsasawa at mapapagod sa pag-aalaga sa kanya.
Mayamaya ay narinig ko ang malalim na niyang paghinga. Mukhang tulog na siya. Nawala na rin ang panginginig niya.
Kung sana lang ay pagbibigyan niya ako na alagaan siya, hindi ko na ulit hahayaang magkasakit siya. Siguro naover-fatigue siya sa trabaho niya kaya nabigla ang katawan niya.
Ilang sandali pa ay nakaramdam na rin ako ng antok hanggang sa makatulog akong yakap-yakap si Melissa sa buong magdamag.
![](https://img.wattpad.com/cover/43184331-288-k309165.jpg)
BINABASA MO ANG
Unfaithful Wife | ✔️
ChickLit[COMPLETED] Melissa was being trapped on her so-called "miserable marriage" nang i-arranged marriage siya sa kanyang bestfriend na si Chris. Her almost perfect love life was ruined because of that and she blamed it all on Chris. When they got marrie...