Kaliwa't kanang papuri ang narinig ko sa mga tao sa paligid. Matapos ang pakikipaghalubilo ay binigyan ako ng sash nung staff ng party. Nakalagay roon ang aking numero. Number 10 ang nakalagay na numero doon at ako nga ang huling candidate para sa auction. Pagkatapos niyon ay iginiya na kami nung staff sa aming reserved table. Si Papa naman ay nahiwalay dahil iba ang table nito. Kasama niya ang mga board of directors.Nang palapit kami sa aming reserved table ay mayroong nahagip ang mga mata ko. My brows immediately curved when I saw a familiar couple near our table. Bahagyang nakatalikod ang mga ito at mukhang hindi aware sa presensya namin dahil abala sa pakikipag-usap.
Kumabog ng husto ang puso ko at para akong kinakapos sa hangin.
"Are you okay?" napapiksi ako nang magsalita si Chris. Mabuti na lamang at naka-alalay parin siya sa'kin. Dahil doon ay maayos akong nakaupo sa table namin.
"Yes." maiksing tugon ko. Nakatuon pa rin ang atensyon ko sa dalawang taong nasa kalapit na table lang na nasa harapan namin.
After all those miserable years, nagpakalunod ako sa sobrang lungkot at panghihinayang para sa aming dalawa pero ngayong nakikita ko siya ngayon... nakikipagtawanan sa iba at parang sobrang taas na niya? Parang gusto kong magwala. Ang dami ko palang nasayang na oras.
Hindi ko alam kung nakahalata na si Chris sa ikinikilos ko. At nakumpirma ko nga iyon ng ilang minuto lang ay nagsalita ito.
"Don't mind them." mahinang saad niya pero may diing sabi niya. Agad akong napatuwid at umiwas ng tingin dito.
"Excuse me, magsi-cr lang ako." alibi ko nalang rito at mabilis na nagtungo na ako sa comfort room. Kailangan ko lang ikalma ang sarili ko.
Nang makapasok ako sa comfort room ay agad akong pumunta sa cubicle at doon nagpalabas ng hangin.
Bakit nga ba nakalimutan kong posibleng dadalo rin sila Bettina at mark dito?
Mark is one of the prominent businessman too at si Bettina, anak din siya ng isang kilalang businessman! Bakit ba hindi ko 'to napaghandaan?
Oh right! Palagi nga palang si chris na lang ang laman ng isip mo these past few days! Sigaw ng isip ko.
Kailangan ipakita kong hindi na ako affected sa mga ito! At ibang-iba at hindi na ako kagaya ng mahinang Melissa noon! I let out a deep sighed.
Paglabas ko ng cubicle ay titignan ko muna ang itsura sa salamin. Pero bahagya akong nagulat nang makita ang babaeng naroon na abala sa paglalagay ng lipstick—si Bettina!
Pinilit kong kalmahin ang sarili at normal na kumilos. Nagkunwari akong hindi ako aware rito. Kinuha ko ang aking pressed powder at saka humarap sa salamin. Nakita ko sa aking peripheral vision ang sandaling pagtingin sa'kin ni Bettina.
"So... Kasali ka rin pala sa gaganaping auction." puno ng sarcasm na saad nito.
Humarap siya rito at saka ko lang napansing may sash din ito na kagaya ng sa'kin. Number seven ang nakalagay roon.
I devilishly smiled at her before saying, "Ofcourse! Akala ko nga mga dyosa lang ang kasali. Meron din palang hayop."
Nakita ko ang pagtiim bagang niya.
Tumawa ito ng mapakla. "Akala ko nga rin eh. By the way, I heard you have this rumored suitor. Hindi ko alam na hanggang ngayon nagpapaligaw ka pa rin kahit may asawa ka na. Poor Chris..." makahulugang saad nito. I saw her smirked in the mirror.
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya at hindi ko napigilang magtaas ng boses. I clenched my jaw.
"Hindi ko alam na chismosa ka na pala ngayon. Huwag kang mag-alala, hindi ako ganoon kalandi para pumatol pa sa iba. Lalo na kapag alam kong may nagmamay-ari na! Hindi katulad ng iba jan! I am not that CHEAP woman!" saad ko bago tuluyang lumabas ng comfort room. Narinig ko pa ang mahinang pagmura nito.

BINABASA MO ANG
Unfaithful Wife | ✔️
ChickLit[COMPLETED] Melissa was being trapped on her so-called "miserable marriage" nang i-arranged marriage siya sa kanyang bestfriend na si Chris. Her almost perfect love life was ruined because of that and she blamed it all on Chris. When they got marrie...