-A-

5.3K 126 19
                                    



"DAMN. You're very gorgeous! You're so good in projecting those pose! What a great shoot!" puri sa akin ni Dion nang matapos kami sa very exhausting na photoshoot. Siya ang photographer ko ngayon.

Tipid na ngumiti ako sa kanya. "Thanks Di! Kahit alam kong binobola mo lang ako!" sagot ko habang pinapatungan ko ng light lipstick ang naburang dark shade ng lipstick na ginamit ko kanina.

"You know i'm not kidding! I'm stating a fact." giit niya habang nakalabi. Nagpapacute na naman ang mokong!

Humarap ako sa kanya at saka malapad na ngumiti dito. "Heh! Wag mo nga akong bolahin." iningusan ko ito pero..

Sinuklian lang niya ako ng matamis na ngiti.

"I said.. I'm not kidding."

He then pinched my nose like what he used to do! Pinukulan ko ito ng matalim na tingin pero tumawa lang ito.

Kasama namin sa dressing room si Sofie nung mga sandaling iyon kaya hindi na ako nagulat ng magsalita ito.

"Oo nga naman, mel! Ang ganda at ang galing mo kanina! Tiyak na maganda na naman ang kalalabasan ng shoot na iyon! Bebenta na naman ang clothing brand ko. Thanks to my super model bestfriend!" segunda naman niya habang inaayos ang mga damit na ginamit ko kanina.

"Super model ka dyan." natawa ako sa sinabi niya.

Endorser/ Model niya kasi ako sa Clothing Brand niya. Nang makapanganak ako, lumalago na yung boutique niya. Nagkaroon siya ng sariling clothing brand nang minsan, nagkasakit yung model niya kaya ako yung pinakiusapan niyang magsubstitute.

Noong una, umayaw ako. Naghesitate ako dahil alam kong wala akong alam pagdating sa pagmomodel. Pero dahil sa pangungumbinsi niya at ni Dion sa akin, napapayag din nila ako.

I said I will give it a try so I do it. Sobrang epic pa noong ngshoshoot kami dahil hindi ko alam yung ginagawa ko. Pero tinulungan ako ni Dion—because he's a model too and sometimes photographer—na makapagcope up. Kaya naman sa awa ng Diyos ay nagawa ko naman ng maayos.

We was shocked nang bigla na lang mas lalo pang pumatok at nakilala ang clothing brand ni Sofie! Hindi lang sa Paris kundi sa buong mundo! Nagkalat na sa iba't-ibang panig ng mundo ang clothing brand niya. Lalo na sa buong paris at pilipinas. Naifeature pa nga iyon sa isang sikat na TV Network sa pilipinas. Nainterview kaming tatlo nina Sofie, Dion ng mga Filipino reporters!

Kaya naman tinuloy tuloy ko na hanggang ngayon ang pagiging exclusive model ng clothing brand ni Sofie. Dahil nagustuhan ko na rin. Kaming dalawa ni Dion ang naging models niya.

Nakilala ko noon si Dion dahil kay Sofie. Kinuha siyang model ni Sofie. He was a Fil-Am freelance model. His mother is a Filipina while his father is an american na naninirahan dito sa Paris.

Dito talaga sila sa Paris nakatira pero minsan daw ay nagbabaksyon din sila sa Pilipinas kapag bumibisita sila sa grandparents niya doon. Marunong din naman itong managalog dahil tagalog daw ang ginagamit nilang lenggwahe sa bahay nila.

Noong una pinagtatarayan ko pa ito pero nang tumagal at ramdam ko namang mabait siya ay tuluyan kaming naging magkaibigan. Noong buntis pa ako.. lagi siyang nandoon para ibigay lahat ng pagkaing gusto kong kainin. Kapag nakikita niya akong nagdradrama sa gilid, pinapatawa niya ako.

Naging open din kami sa isa't-isa. Kwinento ko sa kanya ang nangyari sa pagsasama namin ni Chris. Taimtim lang siyang nakikinig sa akin at habang umiiyak ako, kinocomfort niya ako. Wala siyang sinabing makakapagpagaan sa loob ko pero wala din naman siyang sinabing makakapagpabigat pa sa kalooban ko. Ang sabi niya, hindi niya alam kung anong i-aadvice niya sa'kin pero pinangako niya lang na lagi siyang handang makinig sa akin.

Unfaithful Wife | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon