Chapter 19

5.4K 152 8
                                    



NANGINGINIG pa ang mga kamay ni melissa habang nagtitipa siya sa kanyang cellphone. Katatapos lamang niyang makausap ang mga pulis na naghatid kay chris sa ospital. Sabi nila, sobrang lasing daw ni chris kaya naibangga niya ang sasakyan sa isang poste.

Wtf? Ano na naman kaya ang dahilan ng paglalasing niya? Ako na naman ba ang dahilan? Kailangan ko bang sisihin ang sarili ko?

Yes! This is your fúcking fault!

Kahit nakaupo siya- sa harapan ng operating room kung saan kasalukuyang inooperahan ang kanyang asawa- pakiramdam niya ay matutumba siya sa labis na tensyon. Ilang sandali pa ay nagring na rin ang kabilang linya.


It was his dad. Kailangan niyang ipaalam rito ang nangyari kay chris. Wala sa bansa ang mga magulang ng kanyang asawa, kasalukuyang nasa ibang bansa ang mga ito.



"Papa, I need you..." hindi na napigilan ni mel ang paghikbi niya. "...naaksidente si chris. N-nabangga niya ang sasakyan niya sa isang poste. Inooperahan na siya ngayon ni Dr.Perez."patuloy na saad niya rito.



Good thing at kasalukuyang nakaduty ngayon doon ang Family Surgeon nila na si Dr.Perez.


Pinapalakas naman ng dad niya ang kalooban niya. Sinabihan siya nitong maging matatag para sa asawa. Nangako itong darating agad doon.



After a few minutes, naroon na nga ang kanyang papa. Agad niya itong niyakap.


"Don't worry, mga espesyalista ang kasama ng asawa mo sa loob, ang magagawa nalang natin ngayon ay taimtim na manalangin." console ng kanyang papa.


Gusto man niyang kalmahin ang sarili at patigilin ang paghikbi ay hindi niya magawa. Parang sirang gripo na patuloy lang sa pag-agos ang kanyang nga luha.


Maga na ang kanyang mga mata nang lumabas ang kanilang family surgeon na si Dr. Perez. Kabatch din ito ng kanyang papa.


"Kamusta po ang asawa ko doc?" bungad agad ni melissa kay Dr. Perez.


Inalis muna ng doctor ang face mask nito bago nagsalita. "Wala naman naging internal damage sa ulo ang asawa mo bagaman may kaunting sugat siya doon. Good thing at nakaseatbelt ang asawa mo kung hindi malamang na naihagis ang asawa mo at nagkaroon ng matinding injuries and worst, baka hindi na siya umabot pa dito sa ospital ng buhay." paliwanag nito. I heaved a deep sigh.



Salamat sa Diyos.




Akala ko tapos na si Dr. Perez sa sasabihin nito ng...

"But... unfortunately, may mga bubog na tumama sa mga mata ng asawa mo. Kaya pansamantalang nakabenda ang mga mata nito. Hindi natin alam kung kailan gagaling ang mga mata niya or maybe... hindi na siya makakita pa." dugtong nito.

Agad na pumatak na naman ang mga luha ko. Hopeless akong tumingin kay Dr. Perez at kay papa.

"Please doc... gawin mo ang lahat para sa manugang ko. Kahit magkano magbabayad kami gumaling lamang siya." ani papa.

"I will do my very best... pero hindi ko maipapangako." sagot ng doktor bago tuluyang nagpaalam na sa amin.

I anxiously sat on the chair beside the operating room. Nararamdaman ko pa rin ang panginginig ng mga tuhod ko.

Dad patted my shoulder showing his console and telling me that everything will going to be fine.

After a minute, inilabas na si chris sa operating room. Wala pa rin itong malay nung inilipat namin siya sa isang private room doon.

Unfaithful Wife | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon