Pagabi na ng matapos ako sa pagpapaayos. Dahil isa ako sa mga sampung napili para sa auction night ay kailangan kong mag-mukhang presentable. Well, I'm confident about how I look but tonight is different. I need to be extra-attractive to showcase my beauty from those businessmen that will going to bid for me.Malaking halaga na ang one hundred thousand pesos pero mas maganda pa rin kung mas mataas na bid pa ang makukuha ko. Kailangan kong makalikom para sa aming charitable institution. Iniisip ko pa lamang na makakatulong ako sa mga umaasang charities ng aming kompanya ay masayang masaya na ako.
Ang Papa mismo ang kumuha ng mga expert at kilalang make-up artists na nag-ayos sa akin ngayon. Halos dalawang oras din akong inayusan ng mga ito at nang sa wakas ay natapos na ay halos hindi ko makilala ang itsura ko nang makita ko ang sarili ko sa vanity mirror.
Sanay naman akong may make-up kaya nga lang light make-up lang talaga ang gusto ko. Kaya nakiusap ako sa mga make-up artists na light lang ang gawin sa akin. At hindi naman ako nagkamali, bumagay sa'kin ang light make-up, ika nga nila, 'simple but rock!'
I really like this red chiffon off shoulder dress that I'm wearing tonight. Tinernuhan ko ito ng red stiletto. Ang buhok ko naman ay dinugtungan na lamang ng wavy hair extension na siyang bumagay sa aking outfit.
I couldn't help but to awe myself in admiration!
I look hot and more stunning than ever!
At dahil tapos na ang pag-aayos sa akin ay iniwanan na ako ng aking mga make-up artists. Nasa kwarto pa ako at naghahanap ng clutch bag na pwedeng ipares sa'king outfit. Nakakita ako ng red clutch bag na binili ko pa sa japan nung dalaga pa lang ako. Good thing at nadala ko pa iyon noong lumipat ako rito sa townhouse. Marami kasi sa mga gamit ko ang naiwan sa mansion.
Napakislot ako nang may kumatok sa pintuan. Matapos kumatok ng tatlong beses ay bumukas iyon at iniluwa ang aming matandang kawaksi.
"Pasensya na po sa istorbo, Ma'am Melissa, pinapatawag na po kasi kayo ni Sir Chris. Hintayin ka daw po niya sa baba." aniya.
"Sige, Manang. Bababa na rin po ako." magalang kong sagot rito.
"Sige po, ma'am. Siya nga pala ma'am, ang ganda niyo po ngayon! Baka lalong mainlove si Sir Chris sa inyo!" humagikgik pa ito. Namula naman ang pisngi ko sa sinabi niya at bago pa ako makapagsalita ay mabilis na siyang nawala sa paningin ko.
Matapos kong sukbitin ang clutch bag ko ay tinignan ko pa muli ang sarili ko sa life size mirror. Magagandahan din kaya si chris sa'kin ngayon?
Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa sasabihin ni chris? Bulyaw ng isip ko.
Kailangan maging normal lang ang kilos ko sa harapan niya. Nagpakawala ako ng hangin bago tuluyang lumabas ng kwarto. Pagbaba ko ng hagdan ay nabungaran kong nakatayo sa sala si Chris at nang makita niya ako ay napansin ko ang pagkamangha sa mga mata niya pero agad din siyang nakabawi.
Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Let's go." aniya at saka nagpatiuna na sa paglabas ng bahay.
And I was like... Wow! Hindi man lang ako pinuri sa itsura ko ngayon tapos iniwan pa ako? Padabog akong sumunod sa kanya at mas lalong nag-init ang ulo ko ng makita siyang nakasakay na siya sa kotse!
Napakagentleman talaga!
"May balak ka bang sumakay o tatayo ka nalang dyan?" sarkastikong tanong niya sa akin na siyang nagpainit lalo ng dugo ko!
Ngumiti ako ng mapakla bago siya sagutin. "Sorry! Akala ko kasi may mahihintay akong gentleman eh!" I said, emphasizing my last word. Ngunit tipid na ngumiti lang siya at nagkibit-balikat.
"Baka abutin na tayo ng umaga dito kapag naghintay ka pa." he smirked.
"Sabi ko nga!" Pumasok na ako at malakas na sinara ko ang pintuan ng sasakyan! Bwisit!
Habang tinatahak ang daan ay walang umiimik sa amin. Kinuha ko na lang ang iPhone ko saka tinext si Sofie. Nabalitaan ko kasing isa rin siya sa mga napili. Nandoon na raw siya sa venue at malapit na raw mag-umpisa ang show!
Goodluck sa akin mamaya! Paano na lang kapag walang nagbid para sakin?
Napatingin ako kay Chris na wala pa ring imik. Nasa daan lang ang atensyon niya. Pasimple ko siyang pinasadahan ng tingin. Gwapong-gwapo siya sa kanyang outfit ngayon. Nakatuxedo siya at nakabrush up ang kanyang buhok. Naaamoy ko rin ang mabangong pabango niya.
"You're drooling." napapiksi ako ng marinig ang sinabi niya. "Baka bumaha dito kaya huwag mo akong masyadong titigan." dagdag niya habang nakatuon pa rin ang tingin sa daan.
Wow! What a...
"U-huh! Hindi ka rin asyumero,no?" saad ko habang pagak na napatawa para pagtakpan ang pagkainis ko sa kanya.
Hindi na ulit siya nagsalita. Mukhang malalim ang iniisip niya. Ang seryoso ng mukha eh!
Ilang minuto pa ay nakarating na rin kami sa venue. Sa parking lot pa lamang ay makikita na ang mga nakalinyang mamahaling mga sasakyan. Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang umikot si Chris at saka ako pinagbuksan.
Wow! Anong nangyari sa lalaking ito? Kanina lang ay parang wala siyang pakialam sakin tapos ngayon bigla siyang naging gentleman! Ngayon ko lang nalamang may pagkabipolar din 'tong mokong na ito eh!
Namalayan ko nalang ang sarili kong nasa event area na. Marami ng tao ng dumating kami. Mababakas sa mukha ng mga dumalo ang karangyaan. Mga bigating businessmen at mga kilalang personalidad ang naririto. Ang iba ay napatigil at saglit na napatingin sa gawi namin. Nagulat ako ng hapitin ni Chris ang bewang ko at parang bakal na pumulupot ang mga kamay niya roon.
"Let's act as a normal sweet couple, my dear wife." Anas niya sa kanang tenga ko. Para may kung anong kumurot sa puso ko sa sinabi niya. Pinilit kong ngumiti at saka nag'okay' rito.
Just an act... Magaling ako roon, magaling umarteng wala akong nararamdaman!
Ilang minuto pa ay nakita namin si Papa na nakikihalubilo sa iba. Tinawag niya kami at saka ipinakilala sa mga ito. Ipinagmalaki rin ni Papa sa mga ito na kasali ako sa gaganaping auction. Ang sarap pala sa pakiramdam na kaya rin niya akong ipagmalaki sa iba. Dati kasi, puro si Ate Margaux nalang ang ipinagmamalaki niya. Pakiramdam ko noon, isa lang akong black sheep ng pamilya.
Si Chris kaya? Kaya rin kaya niya akong ipagmalaki sa iba bilang asawa niya?
![](https://img.wattpad.com/cover/43184331-288-k309165.jpg)
BINABASA MO ANG
Unfaithful Wife | ✔️
Romanzi rosa / ChickLit[COMPLETED] Melissa was being trapped on her so-called "miserable marriage" nang i-arranged marriage siya sa kanyang bestfriend na si Chris. Her almost perfect love life was ruined because of that and she blamed it all on Chris. When they got marrie...