〜Ꮘ〜Inabot ako ng kinse minutos na nakatunganga lang sa sala. Iniisip kung ano ang sasabihin ko kay Chris para lang mapanatag siyang hindi ako gumagawa at gagawa nang mga ayaw niya. Na wala na talagang ibang namamagitan sa amin ni Mark.
I let out a deep sigh. I need to face his frustration. It's all my damned fault anyway.
"H-Hon.." nanginig ang labi ko ng tawagin ko siya.
Naabutan ko siyang nakaupo sa gilid ng kama habang nakapatong ang magkasiklop na kamay sa ulo nito. Magulo din ang buhok nito. He looks upset.
Hindi niya ako sinagot at nanatili lang sa ganoong posisyon. Umupo ako sa harapan niya pero parang hangin lang akong ni hindi niya naramdaman.
Huminga ako ng malalim. Babalik na naman ba ang cold treatment niya sa'kin? Kasi parang hindi ko ulit kakayanin kung magiging malamig ulit siya sa'kin.
"Look.. I-I am sorry." anas ko. "Hindi ko naman talaga gustong maglihim sa'yo eh. Masama bang isipin ko muna kung ano ang makabubuti sa kalagayan mo?" mahinahong paliwanag ko. I don't want us end up fighting kaya hanggang kaya kong magpakumbaba ay gagawin ko.
Sa wakas ay umayos na rin ito ng upo at saka malamig akong binalingan. "Fuck with that excuse, Mel!" Nagulat ako ng tumaas ang boses niya.
"Sa tingin mo ba hindi nakakababa ng tingin sa sarili ko 'yung ginawa mong paglilihim sa'kin? Ano na lang ang mga pinagsasabi ng mga tao sa kompanya? Na hinahayaan kitang mapalapit sa ex mo dahil kailangan natin siya?! Kaya ba ayaw mo pa akong bumalik muna dahil sa kanya?! Tangina!" matigas na mura niya. Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niya. Hindi siya ganyan! Hindi siya palamura!
"Minumura mo ba ako, chris?!" nakipagsukatan ako ng titig sa kanya.
"Fuck, No!" iritang sagot niya. "Hindi ikaw ang minumura ko!" inis na tinapon niya ang unan sa sahig.
"Then stop saying shitty words, chris! Huwag kang umastang teenager kung maka-trashtalk! Hindi ka ganyan!" sita ko sa kanya.
Parang natauhan naman si Chris at unti-unting umaamo ang mukha niyang kanina ay nagdidilim na sa galit.
"Ano bang gusto mong sabihin at gawin ko para lang mapanatag 'yang loob mong wala naman talaga akong gingawang masama? Let's act as a professional, chris. Kung anuman ang namagitan sa amin ni Mark.. nakaraan na 'yun. What matter now is us. Your trust. It all that matters to me. Don't you get it? Kaya please, hon, please.. trust me just this once. I swear, I am faithful to you." ginagap ko ang mga kamay niya at may pagsusumamong tumitig ako sa mga mata niya.
Ang kaninang malamig niyang titig ay unti-unting gumuho.
"I just can't help it. Hindi mo ako naiintindihan. Aaminin kong nasaktan ang Ego ko pero mas nasaktan ang puso ko sa ginawa mo." anas niya.
"I know.. Kaya nga ako humihingi ng kapatawaran sa'yo, diba? I know it's my fault and you have all the right to get mad at me. Pero ayoko lang talaga na nagagalit ka sa'kin." kinagat ko ang ibabang labi ko at nagu-guilty'ng tumingin sa kanya.
Napangiti ako ng pagsiklupin nito ang mga kamay namin. Nakatingin lang siya sa mga kamay namin at parang naghahanap ng kung ano doon.
Unti-unting umarko ng ngiti sa labi niya.
"I like you wearing our wedding ring." kumislap ang mga mata niya. Iniiba niya ang usapan.
"Of course, it's our symbol of love and faithfulness for each other."
BINABASA MO ANG
Unfaithful Wife | ✔️
ChickLit[COMPLETED] Melissa was being trapped on her so-called "miserable marriage" nang i-arranged marriage siya sa kanyang bestfriend na si Chris. Her almost perfect love life was ruined because of that and she blamed it all on Chris. When they got marrie...