[COMPLETED] Melissa was being trapped on her so-called "miserable marriage" nang i-arranged marriage siya sa kanyang bestfriend na si Chris. Her almost perfect love life was ruined because of that and she blamed it all on Chris. When they got marrie...
Pagkadating namin sa Senado Square (kung saan namin imi-meet si Mr.Lim) ay agad na umikot si Mark para pagbuksan ako ng pintuan ng Limo. Inilahad niya ang kamay at inabot ko naman 'yun.
"Thanks." saad ko. Ngumiti lang siya ng tipid saka siya bumaling sa Driver namin.
"Mr. Chiung.. please wait for us here." bilin nito. Tumango naman si Mr. Chiung. Iginiya na niya ako sa isang resto.
Inilibot ko ang buong paningin sa buong Senado Square. The wavy lines in the ground and the buildings behind it give it a bohemian European feel.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
It is a lovely place to rest, sit and take a pic. Mamaya ay hihingi ako ng favor ulit kay Mark para kuhanan ako ng litrato dito. There are a lot of fashion shops, restaurants, snacks and souvenier shops!
May nakita akong blog noon ng isang turista na nagsabing kapag hindi ka raw nakapunta dito sa Senado Square ay parang hindi ka daw nakapunta ng Macau. And i'm pretty sure that lots of tourists will probably visit here.
Hindi ko na nakita ang pangalan ng resto dahil nakatuon ang buong atensyon ko sa Senado Square. Pagkapasok namin sa resto ay iminuwestra sa akin ni Mark ang upuan ko sa isang table sa gilid ng isang malaking glass window. Tanaw doon ang buong Senado Square.
Halos mapuno ang resto dahil sa dami ng mga turista na kumakain doon. I'm pretty sure that most of the people inside are tourists base on their outfits and gestures.
"We'll wait for Mr. Lim for a couple of minutes. May emergency meeting pa daw kasi siya kanina. Baka patapos na rin." si Mark.
Tumango ako. "Okay."
Saglit kong binalingan ang wrist watch ko at nakita kong saktong alas kwatro y media na pero dagsa pa rin ang mga tao sa buong lugar. May mga grupo ng kabataan, may ilang couples din na magkaholding hands pa habang naglilibot sa buong square, may mga pamilya din.
Parang may humaplos sa puso ko pagkakita ng isang pamilya sa katabing lamesa namin. Isang pamilya sila at hula ko ay mga korean ang mga ito base na rin sa itsura nila. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang anak nilang cute na cute. Its fluffy cheeks and its small chinky eyes. Nadungisan na ang mga pisngi nito dahil sa kinakain na spaghetti. Panay ang hagikhik ng bata kaya mas lalong sumisingkit ang mga mata nito. Ang mga magulang naman ng bata ay panay ang kuha ng litrato sa batang patuloy sa paghagikhik.
Dahil sa pagkakita sa bata ay may naalala ako. Paano kung nagdadalang tao pala ako? My monthly period is always coming regularly at hindi pa ako nadedelay kahit kailan. At... at yung mga nararamdaman ko lately.. Yung pagiging maantukin, yung pagiging sensitive ko sa mga naaamoy ko... pati na rin yung pagkahilo at pagduduwal ko. Isn't it a sign of pregnancy?
"Mel? Order muna tayo?" nagbalik ang diwa ko nang marinig ko ang boses ni Mark.
Hindi ko namalayang nasa harapan na pala namin ang waiter.