Chapter 30

5.4K 130 10
                                    



"So your still seeing your ex boyfriend, huh?"

Sandali akong napatigil sa pagbukas ng pintuan ng sasakyan ko nang marinig ang maarteng boses na 'yon.

That very familiar voice. Shit!

"K—Kiana." bulalas ko matapos humarap sa kanya.

She smirked. Naglalaro sa mukha niya ang may babalang ngiti nito.

"Yes. It's me my dear sister-in-law. Nagulat ba kita?" sarkastikong anito.

"A-Ah... anong ginagawa mo rito?" nauutal na tanong ko rito.

"It doesn't matter. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" tumawa ito ng nakakaloko. "Ah! Nakipagkita ka pala sa ex mo. Oops!" saad nito at saka maarteng napatakip pa sa bibig.

"Mali ang iniisip mo, Kiana. May importanteng pinag-usapan lang kami at wala iyong kinalaman sa amin." Pagtatama ko sa maruming pag-iisip niya.

Tumaas ang isang kilay niya at tila hindi naniniwala sa sinabi ko. Alam kong iba ang iniisip niya.

"Oh? Walang kinalaman sa inyo? Eh tungkol saan ang pinag-usapan niyo? I mean, sino? Siguro ang kuya ko? 'Yung plano niyong pangloloko sa kanya!" bintang niya.

Napapailing na lang ako. Gustong gusto ko ng umuwi sa bahay at magpahinga na dahil sa nakakapagod na maghapon sa opisina pero mukhang magiging triple pa ang sakit ng ulo ko sa pagpapaliwanag kay Kiana!

"Kiana... please. Huwag mo naman akong husgahan agad. We just talk about business matter. That's all! Hindi ko kayang lokohin ang kuya mo. So please.. stop making conclusions." malumanay kong paliwanag at pakiusap rito pero mukhang hindi pa rin siya kumbinsido.

Instead, napatango tango ito. "Business matter? Here? Bakit hindi kayo sa opisina nag-usap? Oh siguro? Kahit saan lang kayo nag-uusap? I wonder kung nag-uusap rin kayo sa motel!" pakli nito.

Biglang nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya at sobrang nangangati na ang kamay kong sampalin siya pero pinigilan ko ang sarili ko.

Kalma...
Kalma ka lang, Melissa...

Hindi ko siya papatulan dahil kapag ginawa ko 'yun mas magmumukha akong guilty. May katiting pa naman akong respeto para sa kanya bilang 'hipag' ko kahit na nakakapang-init ng dugo ang mga sinabi niya! Alam kong naghahanap lang siya ng away.

Nang hindi agad ako nakasagot rito ay muli itong nagsalita.

"Oh ano? Tama ba ang sinabi ko? Come on speak up! Mag-isip ka ulit ng palusot mo! Or pwede ring huwag ka nang mag-explain. Kay kuya ka na lang mag-explain mamaya. So pa'no? See you!" pagbabanta niya at akmang aalis na sana nang hawakan ko ang braso niya at pinaharap ko uli siya sa akin.

"Tinatakot mo ba ako, Kiana?! Isusumbong mo ako sa kuya mo ng wala ka namang sapat na katibayan na niloloko ko siya?! Stop this nonsense kiana! Isusumbong mo ako? Sige! Go on! Kung gusto mong mag-isip siya ng masama at tuluyan nang hindi gumaling ang kuya mo!" napataas na ang boses ko sa sobrang inis at alam kong nauubos na rin ang pasensya ko. Tao lang ako at nauubos rin ang pasensya ko! Lalo na sa tulad niya.

Why is it so hard to convince her at bakit pa nga ba ako nagpapaliwanag sa kanya? Eh kahit yata gumulong ako sa pag-eexplain dito hindi pa rin siya maniniwala?!

Sandali itong natahimik at mukhang napaisip sa sinabi ko.

"Huwag kang mag-alala dahil hinding hindi ko kayang lokohin ang kuya mo at kung talagang concern ka sa kanya, hindi mo siya bibigyan ng sakit ng ulo."

Unfaithful Wife | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon