Marahas kong ibinalik ang documents sa table at napasabunot sa sarili kong buhok dahil sa frustration.It's been three days simula nung araw na magkasakit ako at ngayon nga ay nandito ako ngayon sa office ko. Tambak na ang mga documents na kailangan kong pag-aralan pero parang nakabakasyon pa rin ang isip ko dahil wala akong maintindihan sa mga iyon.
Parang absent-minded ako nitong mga nakaraang araw dahil iba ang okupado ng isip ko.
What is happening to me?
All I know is I'm so upset with Chris!
Hindi niya ako pinapansin—bagama't hindi naman talaga kami nag-uusap pero hinihintay kong kausapin niya ako.
But despite of that, he still make sure that I will be eating on time. Binibilin niya ang mga kasambahay namin na palagi akong paalalahanan sa pag-kain at ipagluto ng makakain sa tamang oras.
"What the hell, Mel? Stop it, will you!?Focus!" Kastigo ko sa sarili at saka kumuha ulit ang ilan sa mga tambak na dokyumento sa table at pinilit na lamang itinuon ang atensyon doon.
Makalipas ang dalawang oras ay natapos na rin ako sa aking ginagawa nang may magsalita sa intercom—ang secretary ko.
"Excuse me... ma'am, meron po kasing nagpadala ng flowers at nakapangalan po sa inyo." anito.
My brows furrowed.
"Sino raw ang nagpadala?" Takang tanong ko. Ito ang unang beses na may magpadala sa'kin ng bulaklak.
Hindi kaya si Chris?
"Ahh, wala pong sinabi kong kanino nanggaling eh. Ipapasok ko na po ba dyan, ma'am?"
Malamang nga ay kay Chris ito galing. Pero bakit? Hindi nga ba't iniiwasan niya ako?
"Okay, pakipasok nalang." Sagot ko. Agad naman itong pumasok na may dalang isang boquet ng nagkumpulang white roses—my favorite flower?
Biglang bumilis ang takbo ng puso ko.
How did he know it's my favorite flower?
Pero kahit kailan ay hindi ko nabanggit sa kanya na iyon ang paborito kong bulaklak. Iisang tao lang ang nakakaalam niyon—at iyon ay walang iba kundi si Mark!
Iniabot na ito sa'kin ng aking sekretarya na agad ding umalis.
May nakadikit roong maliit na note. Mabilis na binuksan ko iyon at binasa ang nakasulat.
"Mel, I missed you..." aniyang nakasulat roon. Lalong tumahip ang kaba sa aking dibdib.
"I missed you? Sino ba ang nagpadala nito?" I could feel my hand shaking when I recognized that familiar penmanship.
Ilang sandali pa akong napatitig sa bulaklak na wari'y sinusuri iyon. It suddenly triggered some memory.
—Flashback—
Halos magkanda-haba ang leeg ko sa paghahanap kay Mark. Kanina ko pa kasi siya hindi macontact!
It was our first anniversary so we decided to go out to celebrate it after our class. Kasalukuyan ako ngayong nasa gymnasium. Mayroon kasing silang practice sa basketball ngayon kaya naisip kong hintayin nalang siya dito. But I can't see him and I tried calling him pero nakapatay ang phone niya.
Naiiyak na ako. Baka nakalimutan na ako ni Mark. Mag-aalas sais na rin kaya halos wala ng tao sa loob ng gym.
I let out a deep sighed to calm myself. Talagang naiinis na ako sa kanya. Kung ayaw niya akong siputin sana man lang ay sinabi na lang niya para hindi na ako naghihintay sa wala!
![](https://img.wattpad.com/cover/43184331-288-k309165.jpg)
BINABASA MO ANG
Unfaithful Wife | ✔️
ChickLit[COMPLETED] Melissa was being trapped on her so-called "miserable marriage" nang i-arranged marriage siya sa kanyang bestfriend na si Chris. Her almost perfect love life was ruined because of that and she blamed it all on Chris. When they got marrie...