Hindi ko namalayang napadpad na ako sa nakahilerang mga shops. Hindi lang pala luxury suites ang ino-offer nila dito kundi pati na rin ang compromises shopping, entertainment and dining.May food court pala dito sa loob ng Venetian Hotel! Dito ay matatagpuan ang iba't-ibang food cuisine gaya ng Chinese (of course), Japanese, western foods and snacks.
Sa tantya ko ay mahigit tatlumpong restaurants with different cuisines around the world ang meron dito. There are many popular local foods delicacies na mabibili dito gaya ng Pork burger and Macau egg Tart na siyang patok na patok dito. Kaya naisipan kong bumili ng Macau Egg Tart at subukan kong totoo ngang masarap iyon.
Dumungaw ako sa malaking screen ng menu para tignan kung magkano ang halaga niyon at gaya ng ini-expect ko ay may kamahalan iyon. Of course! You are eating in a food court inside a famous hotel so experience that the prices of food can be a little higher and of course it is less authentic rather than buying it from the street side stores!
Bumaling ako sa cashier lady. Based on experience, the hotel staff including those in the food court has a level of English understanding, close to non-existing. So if you order your food choice it can be hassle as they cashier lady doesn't speak English. So what I did is just point out the photo of the food I want from the menu.
Matapos nitong makuha ang inorder ko ay inabot ko na rin ang bayad ko. Then she handed me my order. Umupo muna ako sa two seater na table dahil medyo sumakit na ang paa ko sa kalilibot. Unang kagat ko pa lamang sa Egg tart ay nanuot na agad ang sarap niyon sa lalamunan ko.
It was so good! The price are worth it!
Sana may Macau Egg tart din na ganito kasarap sa pilipinas! Tiyak magkri-crave ako neto pagbalik ko doon. Pwede kayang mag-uwi ng ganito pagbalik sa pilipinas?
Habang ninanamnam ang sarap ng Egg Tart ay inilibot ko ang buong paningin sa buong food court. Hindi ko alam kung namamalikmata ako o coincidence lang na nakita ko ulit yung lalaki kanina sa may balcony?
Nakatayo ito sa harap ng isang souvenier shop na malapit lang sa pwesto ko. May ka phone call ito pero nahuhuli ko itong maya't-mayang tumitingin sa pwesto ko. Tuwing nagtatama ang mga mata namin ay nag-iiwas ito ng tingin.
Meroon din kayang masasamang tao dito? Hindi kaya may masamang balak ang lalaking iyon? Hindi naman siguro siya gagawa ng masama sa akin lalo pa't madami ang taong narito.
Bigla akong nabahala at hindi ko alam kung bakit masama ang kutob ko. Binilisan ko ang pag-kain at uminom agad. Agad kong dinampot ang purse at phone ko at mabilis nang umalis doon.
Shiz! Bakit nga ba naisipan kong gumala ng walang kasama? I think that is a very bad idea!
Hindi na ako lumingon sa kinaroroonan ng lalaki. Pasimple na lang akong umalis at malalaki ang hakbang na naglalakad.. Pinakiramdaman ko kung may sumusunod pa sa akin.
Hindi kaya coincidence lang talaga iyon? Pero nakapagtataka naman kasi yung tingin ng lalaki sa akin.
Hindi ko na napapansin ang ganda ng lugar dahil sa sobrang pagmamadali. May mga ilang tao pa akong nababangga. Nakayukong nagso-sorry nalang ako habang nasa daan parin ang mga mata. Ramdam ko ang paglandas ng pawis ko sa aking noo. Lalo na nang mapansin kong hindi na pamilyar ang daan na tinatahak ko.
Pasimple akong tumingin sa likuran ko para i-check kung nakasunod pa rin ba 'yung lalaki sa akin. Tumindig yata ang lahat ng balahibo sa katawan nang makitang nasa hindi kalayuan ito at patuloy na nagmamasid.
Shit!!
Sinubukan kong magtanong tanong sa mga taong nakakasalubong ko kung saan ang daan papuntang elevator pero kumukunot ang mga noo nila dahil hindi kami magkaintindihan! Hindi talaga sila nakakaintindi ng English! Grrrr!
Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at sinubukang makabalik sa suite naming pero halos trenta minutos na akong paikot-ikot ay lalolang akong naligaw!
"Ang tanga tanga mo, Melissa! Shit!" pagmumura ko sa sarili ko.
Tama ang hinala ko kaninang mawawala talaga ako dito. Sana 'di na lang ako nagtuloy!
Nararamdaman ko pa rin ang palihim na pagmamasid ng lalaking sumusunod sa akin. Ano ba kasing kailangan niya? Kung pera ang habol niya mas marami naman ang mga matatandang businessman na piliin niya pero bakit ako pa? I mean... hindi ko ipinagdadasal na mapahamak ang iba, of course. Pero sana naman 'wag lang ako!
Dahil pakiramdam ko wala na akong pag-asang mahanap ang daan ng ako lang... An idea suddenly pop out in my mind. I will call Mark para magpasundo dito. Pero tulog na siya kanina ng iwan ko siya sa suite! Paano kung tulog na tulog na siya at hindi siya magising? What will I do then?
But I should try, right? Kaya tinawagan ko agad ang numero niya kahit na nahihiya ako. Nandito pa lang ako sa Hotel, nawala na agad ako?! Paano pa kaya kung sa buong Macau na? Fvck!
Habang nag-riring ay pinapakiramdaman ko ang paligid. Kung susunggaban man ako ng lalaki dito ay maraming makakakita and I'm sure he will not pull that stunt! Well, I hope so! Kung sakali man ay may ilang self-defense naman akong nalalaman... lalabanan ko talaga siya wag lang niya akong gagamitan ng armas!
Lalo lang nagpanic ang sistema ko sa naisip. Habang nagri-ring ang linya ni Mark ay tahimik akong nagdadasal hindi lang para sa sarili ko kundi para sa baby ko.
"Please pick up the phone, Mark.. Please!" parang tangang pakiusap ko sa phone.
Hindi niya sinagot ang unang tawag ko kaya halos maiyak na ako. Nanginginig ang mga kamay ko nang ulitin ko ang pagtawag sa kanya. Pick up! Pick up!
Damn! I should keep my self calm dahil kapag nakikita ng lalaki ang pagkataranta ko... mas lalo siyang gaganahan sa ginagawa kaya inipon ko lahat ng hangin sa baga ko at marahang nagbuga ng hangin.
Okay, better.
"H-Hello, Melissa.. Where are you?" namamaos ang boses ni Mark tanda na nagising ko nga ito. Nabuhayan ako ng loob.
Isinantabi ko muna ang pagkaguilty ko at itinuon ang pansin doon.
"Mark.. nandito pa rin ako sa Hotel. But I think, I got lost." pumiyok ang boses ko.
Nakakahiya talaga!
"WHAT? SAAN KA BANDA?!" biglang tumaas ang boses niya.
Napalinga-linga ako sa paligid at tinignan kung saan nga ba ako banda.
"I-I'm here on the 3rd floor. Dito sa The Grand Canal Shoppes. Nandito ako sa may tapat ng store ng Duty Free." Sagot ko.
Medyo humupa na ang takot na nararamdaman ko pero nanginginig pa rin ako lalo na nang mamataan kong naroon pa rin sa gilid yung lalaki.
"Okay! Just please stay put, okay? Pupunta na ako jan." aniya. Mahinahon na ang boses niya.
"Okay..Pakibilisan na lang, please?" pakiusap ko.
"Okay..Okay." sagot niya bago ibinaba na ang tawag.
Mahigpit ang hawak ko sa phone ko. Nanlalamig ang kamay ko dahil sa kaba. Pinilit ko na lamang ituon ang aking atensyon sa buong lugar para ibsan ang nararamdaman ko.
Nakalipas na ang limang minuto pero wala pa ring Mark na nagpapakita.
Asan na siya? Asan ka na Mark?
Nanghihina na ang mga tuhod ko. Hindi ko na nakita iyong lalaking umaaligid.
Naghanap na siguro ng ibang bibiktimahin? O nasa tabi pa rin at naghahanap lang ng tamang tyempo pero hindi ko lang mahagilap?
I silently curse because even if I don't want to feel nervous, hindi ko maiwasan!
I'm trying to divert my attention when suddenly, someone pull my arm and held my waist!
Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko.

BINABASA MO ANG
Unfaithful Wife | ✔️
Чиклит[COMPLETED] Melissa was being trapped on her so-called "miserable marriage" nang i-arranged marriage siya sa kanyang bestfriend na si Chris. Her almost perfect love life was ruined because of that and she blamed it all on Chris. When they got marrie...