Pinipilit kalmahin ni Arlene ang sarili ng makita ang paghalik ni chris kay melissa nang magpaalam na ang huli paalis ng bahay. Kanina pa ito lihim na nagngingitngit sa inis sa mga sweet gestures ng mag-asawa sa harap nito."Sana huwag na siyang bumalik!" lihim na tinuran nito.
Si chris naman ay nakahanap ng timing para makausap si Arlene nang mapag-isa na sila sa sala. Siguro'y pwede nang maghanap ng ibang trabaho ang dalaga dahil magaling na rin naman siya at gusto niya ring siya naman ang mag-alaga.. sa asawa niya.
Masayang masaya ang lahat ng ibalita niyang magaling na talaga siya. Si Kiana naman ay pinapabalik na sa Amerika ng mga magulang nila. Dahil imbes daw na alagaan siya nito (noong mga panahong 'di pa siya magaling) at ang mga business nila sa bansa ay iba ang inaatupag nito. Minsan na lang itong umuwi at hindi niya pa ito nakakausap ng matino tungkol sa kung ano ba ang mga pinagkakaabalahan nito at kung ano na ang susunod nitong plano. His sister is still the same spoiled brat and hard headed stubborn woman!
Pansamantalang isasantabi niya muna iyon. Hindi niya muna iisipin iyon at itinuon muna nito ang atensyon kay Arlene. Tinapunan niya ng tingin ang dalagang ngayon ay prenteng nakaupo sa sofa na abalang nagbabasa ng magazine at sumisipsip sa smoothie nito. Lumapit siya rito at umupo sa harap nito.
"Arlene.."pagtawag nito sa dalaga. Hindi kasi ito tumitingin sa kanya. Hindi niya alam kung hindi ba nito napansin ang presensiya niya o sadyang abala lang ito sa binabasa nito.
Tumingin ito sa kanya. Sa wakas ay nakuha din nito ang atensyon ng dalaga. Inilapag nito ang hawak na magazine sa lamesa at humarap sa kanya ng nakangiti.
"Yes CJ? May kailangan ka?" tanong nito sa mapang-akit na boses.
Hindi sinasadyang dumako ang tingin ni Chris sa uniform nito. Nakabukas ang tatlong butones niyon kaya kitang-kita dito ang cleavage ng dalaga. Parang napaso naman ang mga mata ni chris ng makita iyon. Bigla ay naasiwa siya.
Nasaan na ang dating mahinhin at inosenteng arlene na nakilala niya?
"U-Uhm.. Kasi.. It's about your service—"
"My service? What's about my service?" putol nito kay chris. Tila nag-iba naman sa pandinig ng huli ang sinabi nito.
"I-I mean.. Your work. U-Uhh..Y-You know.. I'm okay now at nagpapasalamat ako ng malaki sa pag-aalaga mo sa'kin. Without your help malamang bulag pa rin ako hanggang ngayon. But now, I'm fully recovered. I'm pretty sure na may iba nang nag-aantay para sa serbisyo mo."
Biglang kumabog ang puso ni Arlene. Pinapaalis na nga siya ni CJ. Pagkatapos niyang alagaan ito ay basta na lang siyang ibabasura pagkatapos? Hindi siya makakapayag!
"Yeah, I know.. but don't worry, wala pa namang tinatawag sa aking bagong pasyente ko. Kaya pwede pa naman akong magtagal kunti dito."sagot ni arlene.
Lalo namang nahirapan ipaunawa ni chris kay arlene ang nais ipabatid.
"P-Pero kasi Arlene... Magaling na ako. I'm very fine. H-hindi ko na kailangan ng private nurse.Wala ka nang gagawin dito." ayaw man niyang maging prangka at rude sa pandinig ni Arlene ay wala nang nagawa si chris.
Sa isip naman ni Arlene ay papanindigan nito ang balak. Hindi siya aalis sa pamamahay na iyon kahit pa ipagtabuyan na siya ni Chris. Itataga niya 'yun sa bato!
![](https://img.wattpad.com/cover/43184331-288-k309165.jpg)
BINABASA MO ANG
Unfaithful Wife | ✔️
أدب نسائي[COMPLETED] Melissa was being trapped on her so-called "miserable marriage" nang i-arranged marriage siya sa kanyang bestfriend na si Chris. Her almost perfect love life was ruined because of that and she blamed it all on Chris. When they got marrie...