Katahimikan ang bumalot sa amin ni Mark pagkasakay namin sa Elevator. Ina-assure niya pa rin sa akin kanina kung ayos lang ba talaga na magsasama kami sa iisang suite. I assured him that it's okay kahit na sa kaloob-looban ko nagpapanic na naman ang sistema ko kung paano ko ipapaliwanag kay Chris ang tungkol dito.Pagkarating namin sa suite ay inilibot ko ang buong paningin ko sa buong kwarto. It's just too spacious and it's pretty comfortable here. Now i get kung bakit ganoong na lang kamahal ang bayad dito. It's obviously for the prominent and elite persons only who can afford to stay in this prestigious hotel!
May malalaking queen bed na siyang una naming nabungaran. Sa gilid naman niyon ay ang living room at entertainment area. May magagarang muwebles doon at may 32 inch HDTV flatscreen. Sa kanang bahagi naman ay may isang pintuan doon kung saan sa tingin ko ay ang bathroom ng suite. May slide door sa left side kung nasaan ang malawak na balcony.
Inilapag ni Mark ang luggage ko sa isa sa mga queen size bed. Siya kasi ang nagdala ng mga luggage namin. Hindi na ako kumontra pa kanina ng magpresenta siya.
Nagtungo ako sa balcony at natanaw ko doon ang buong syudad ng macau. Inipit ko ang ilang hibla ng takas kong buhok sa aking tenga dahil sa lakas ng hanging sumalubong sa akin doon. It's very relaxing here and I'm hoping na marami pa akong ibang madidiskubre dito at mabibisitang mga magagandang lugar at tanawin dito sa Macau. Pero mas masaya sana kung nandito rin si Chris.
Biglang nanlaki ang mga mata ko pagka-alala sa kanya. Nakalimutan kong tatawagan ko pala siya para ipaalam na nakarating na kami dito sa macau!
Bumalik ako sa loob ng suite para kuhanin ang phone ko sa loob ng bag ko. Wala na doon si Mark. I bet he is taking a shower at tama nga ang kutob ko ng makarinig ng paglagaslas ng tubig mula sa bathroom.
Gah! I feel like I'm commiting a sin. Ipapaalam ko pa ba talaga kay Chris na isa lang ang suite na tinuluyan namin ni Mark?
What are you thinking Mel?! Of course! Hindi ko na kayang maglihim na naman sa kanya. I promised that I'll gonna tell him everything that happens here.
Pagkatapos kong mai-activate ang roaming number ko ay tinawagan ko na agad siya. Ilang ring lang ay sinagot naman niya agad.
"Hon! Thank God at tumawag ka na!" agad niyang sinabi mula sa kabilang linya.
Pagkarinig ko palang sa boses niya ay bigla na akong nakaramdam ng pangungulila sa kanya.
"Yup hon.. How are you? Nasaan ka ngayon?" tanong ko.
"Nandito ako ngayon sa Family house. Mom and Dad already packed up and ready to leave. Maya-maya lang ihahatid ko na sila sa Airport." aniya.
Nakaramdam na naman ako ng guilt at lungkot. Sayang talaga. Akala ko pa naman makakabawi ako ngayon sa mga biyenan ko. Ni hindi ko man lang sila nasilayan ulit matapos ng Wedding Anniversary nila. One week lang din kasi ang bakasyon nila dito dahil hectic din ang schedule ni Mommy para sa mga naiwang trabaho doon sa Amerika. Si Daddy naman ay may check up daw sa doctor nito doon kaya kailangan na nilang bumalik agad-agad.
"Oh! Ganoon ba? Can I talk to them for a moment?" saad ko. Pumayag naman siya. Ini-loud speaker nito ang phone at kinausap ko ang mga biyenan ko.
Nagsorry ako sa kanila dahil hindi ko man lang sila naihatid. Naiintindihan naman daw nila dahil kailangan ko daw talagag iprioritize ang trabaho ko. Ipinangako ko nalang sa kanila na kapag may time kami ni Chris ay kami naman ang dadalaw sa kanila sa Amerika. Ilang minuto pa kaming nag-usap usap bago sila magpaalam.

BINABASA MO ANG
Unfaithful Wife | ✔️
ChickLit[COMPLETED] Melissa was being trapped on her so-called "miserable marriage" nang i-arranged marriage siya sa kanyang bestfriend na si Chris. Her almost perfect love life was ruined because of that and she blamed it all on Chris. When they got marrie...