Mula sa event venue ay inakay na ako ni Mark pasakay ng kanyang kotse. Hindi ko namalayang nakasakay na ako ngayon sa kanyang kotse at wala kaming imikan habang binabagtas ang daan. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Kaya ako na ang unang bumasag sa katahimikan."Where are we going? Saan mo ako dadalhin?" tanong ko rito. Saglit na napatingin ako sa kanya, nakatuon ang atensyon nito sa pagdr-drive at parang kay lalim ng iniisip.
Hindi pa rin ako makapaniwalang kasama ko siya ngayon. Kung titignan ito ay lalong nagmatured ang mukha na lalong nagpadagdag sa karisma nito. Lumaki din ang pangangatawan nito na parang perpektong hinubog. Hindi naitago ng suot nito ang kakisigan niya. Walang dudang patay na patay ang Bettina na iyon sa kanya. Pero himalang hindi na ako nakaramdam ng pagkabitter sa isiping iyon.
"Just wait and relax.." cool na sagot ni Mark. Tumaas ang kilay ko. Seriously? Relax? Hindi ba ito nakakaramdam ng awkwardness?
"Pwede bang ihatid mo na lang ako sa bahay namin? Pagod at inaantok na kasi ako." Pagsisinungaling ko. Gusto ko na kasi talagang makauwi at hanapin ang magaling kong asawa!
Sandali nga! Bakit ba kanina ko pa iniisip ang mokong na 'yun? Eh hinayaan at iniwan nga lang niya ako kanina eh! Pinanood niya lang akong tinatangay ni Mark kanina!
"Kapag ginawa ko iyon, parang nagsayang lang ako ng dalawang milyon."
Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Halos mangunot ang noo ko dahil rito. Pinukulan ko siya ng masamang tingin.
"Excuse me? Hindi po kita pinilit para magbid sa akin ng ganoon kalaking halaga! Kaya huwag na huwag mo akong susumbatan!" hindi ko na napigilan ang magtaas ng boses. Mas lalo pang nadagdagan ang inis ko nang makitang parang wala itong narinig at nakatuon parin ang atensyon sa daan.
"Hindi kita sinusumbatan, Mel. Alam mo naman siguro ang rules bago ka sumalang sa auction night? Ako ang nakapagbid sayo kaya may karapatan ako sa oras mo ngayong gabi. Let's just act as a professional, business is business." Tila balewalang tugon nito.
Wala na akong nasabi pa kundi humugot na lang ng malalim na hininga.
Business is business, huh?
Pinili ko na lamang manahimik. Oo, tama siya na kailangan namin maging professional sa isa't-isa. Baka isipin pa niyang naaapektuhan pa rin ako sa nakaraan namin. Ilang minuto nga ay ipinarada na nito ang sasakyan sa isang cozy restaurant.
Sa entrada pa lamang ay napakaromantic na ng paligid. Dahil malapit na ang desyembre, makikita ang samu't-saring christmas lights. Napapaligiran rin ito ng mga lanterns.
Hindi ko makakalimutan ang lugar na ito. Ang restaurant na iyon ang naging saksi ng pagmamahalan namin noon. Ilan rin sa mga masasaya naming sandali noon ang naganap roon. Dito ko sinambit ang matamis kong 'oo' noon kay Mark.
"Bakit tayo narito?" Tanong ko rito nang patayin na ni Mark ang makina ng sasakyan.
Inalis muna nito ang pagkaka seatbelt nito bago tumingin at sumagot sa kanya. "Isn't it obvious? Dito tayo kakain."
I rolled my eyes. "Pilosopo ka na pala ngayon, alam kong—" hindi ko na natapos ang sasabihin ng bumaba na ito ng sasakyan at saka mabilis na umikot para pagbuksan ako ng pintuan. Mabilis na bumaba ako sa sasakyan.
"No more why's okay? There is nothing to worry about." Malamig na sagot nito at pagkatapos ay inakay na ako papasok sa loob ng restaurant.
Makisama ka nalang! Dibale isang gabi lang naman eh. Sita ng isip ko
![](https://img.wattpad.com/cover/43184331-288-k309165.jpg)
BINABASA MO ANG
Unfaithful Wife | ✔️
ChickLit[COMPLETED] Melissa was being trapped on her so-called "miserable marriage" nang i-arranged marriage siya sa kanyang bestfriend na si Chris. Her almost perfect love life was ruined because of that and she blamed it all on Chris. When they got marrie...