I was hurt. My heart was broken into pieces when the man who is my everything left. My life became worthless since then. I made myself miserable.Parang apoy ang galit sa puso ko. Pagdaan ng araw, lalong sinisilaban iyon at lalong lumalakas na tumutupok sa kaibuturan ko. Pero unti-unti... namamatay iyon. Dahil sa isang tao. Pero ngayon, isasantabi ko na lang muna iyon dahil sa isang planong gagawin ko.
I will have my revenge. Revenge. 'Yun lang ang makakagamot sa puso ko.
"Nung kinasal ba kayo ni Chris, ganoon din ba ang pakiramdam mo?" Hindi ko inaasahang tanong niya. Parang may kung anong kumirot sa puso ko ng sandaling bumalik sa isip ko ang araw ng kasal namin ni Chris. Kabaliktaran kasi ng mga babaeng ikinakasal ang nararamdaman ko noon. Mas masakit pa sa namatayan ang pakiramdam ko.
I smiled bitterly. "Gusto mo bang malaman ang totoo?"
"Y-yes." Puno ng kasabikan ang mga mata nito.
"Bakit ba natin iyon pinag-uusapan?" Pag-iiba ko ng usapan. Pero agad siyang nagsalita.
"Because it matters! It matters to me, mel. Your happiness matters to me." Puno ng emosyong saad niya sa akin. Iyon naman ang nagbigay ng hint sa akin.
Gotcha! May pakialam pa pala siya sa'yo! Magagamit mong alas yan, Mel!
"W-why?" Kunwaring pagmamaang-maangan ko.
"B-because... because.." matiim na tinitigan ako nito. "I still care for you. Didiretsuhin na kita, Mel. I still love you." makikita sa mga mata nito ang pagiging sinsero.
Napahinto ako sa pagsipsip sa aking smoothie. Sandali akong napamaang. What did he say?
Gusto kong matawa. Gusto kong bumulanghit sa tawa. Ang kapal ng mukha niyang sabihin iyon sa akin. After three years, babalik siya at sasabihing mahal pa niya ako? Oh, I should give him a round of applause! But no, pagkakataon ko na 'to para makapaghiganti. I will have my revenge first, at kapag nangyari iyon.... doon ko siya tatawanan.
"Mel..." nagbalik ang aking diwa ng hulihin nito ang atensyon ko. Naramdaman ko ang pagdampi ng palad niya sa aking manipis na balat.
"O-oh, I'm sorry, what did you just say?" I asked. My brows furrowed.
Napalunok ito ng madiin at nakita ko ang pag-alon ng adam's apple nito. "I said... mahal pa rin kita. Gusto kong bumalik yung dating tayo."
Kunwari ay nabigla ako sa sinabi nito, "P-pero, kasal na ako. At kayo ni Bettina."
"I don't care, wala akong pakialam kay Betttina, pinilit lang ako noon ni papa para ligawan ang babaeng iyon dahil sila lang ang makakatulong sa amin nung mga panahong ginipit kami ng papa mo. I need to leave you back then dahil hindi pa tayo karapat-dapat at wala pa akong kayang ipagmalaki. Pero ngayon, nagbalik ako para sa'yo. Pwede ko ng harapin ang papa mo at bawiin ka sa Chris na 'yon."
Para akong mauubusan ng hininga sa rebelasyon niya. Kung inaakala niyang matutuwa at mangingisay ako sa kilig sa mga sinabi niya ay nagkakamali siya. Lalo lamang nadagdagan ang galit ko sa kanya. Seriously? Parang ipinagmamalaki pa niyang ginamit niya lang si Bettina!
I should be happy dahil sa nalaman kong hindi niya totoong minahal si bettina. Pero babae din ako, alam ko ang pakiramdam ng niloko at ginamit lang.
In short, manggagamit ang lalaking kaharap ko ngayon. Buong akala ko ay kilalang-kilala ko ang lalaking minahal ko noon.
Noon. Pero hindi pala, dahil may ikinukubli ito sa likod ng kanyang maskara.
Napabuntong hininga ako, hindi ako dapat bumigay agad. You should know how to play with your prey. Kailangan mo muna silang ikot-ikutin bago mo susunggaban.
"Can you answer my question honestly?" tanong ko rito.
"Ofcourse, what is it?"
"Are you the one whose sending me those white roses to my office?" maang tanong ko rito.
Nakita ko ang pagkagitla niya. "Yes, I am." pag-aamin niya.
"Why did you do that? I mean, alam mong pwede kong ikasira yun sa kumpanya. Alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin, i'm married." makabuluhang saad ko. Nagkibit-balikat si Mark.
"I... I'm sorry, that is not my intention. And yes, I know that you're already married. But that can't stop me. Alam ko namang hindi mo mahal ang as—si Chris." lumipad ang tingin ako sa kanya.
"And how did you know? Paano mo nasabing hindi ko mahal si Chris?" tanong ko rito.
"Because i can feel it, ako pa rin ang mahal mo, Melissa." anas niya.
Nagkakamali ka, Mark. I feel nothing but a hatred for you. Gustong ipagsigawan ng isip ko pero pinigilan ko ang sarili ko.
"You know, Mark, I'm already tired. Gusto ko ng umuwi. I'm sorry, baka hinahanap na rin ako ni Chris." Sabi ko rito pagkatapos ay nagpunas na ako ng labi gamit ang table napkin. Nakita ko ang sandaling pagkalukot ng mukha ni mark pero agad din itong nakabawi. Tinawag na nito si kimmy para sa bill namin.
Matapos nitong bayaran ang bill namin ay nagpaalam muna kami kay Kimmy.
"See you again, guys! Ingat kayo baka 'maaksidente' kayo." aniya at saka makabuluhang kumindat kay mark.
Lumabas na kami ng resto at tumuloy na sa parking lot. Nakita kong naroon pa rin sa di-kalayuan ang kotseng kapareha ng kay Chris.
Coincidence nga lang kaya na may kapareha ito?
"Get in." saad ni Mark matapos buksan ang pinto ng kanyang kotse.
"No thanks, anyway magpapasundo na lang ako kay Chris o kaya sa driver namin." pagtanggi ko rito at saka hinugot ko ang cellphone ko sa aking clutch bag.
"Can I... ask a favor?" kapagkuwan ay sabi nito.
"What?"
"Can we have a dinner again tomorrow?" aniya na siyang nagpabigla sa akin.
"You're impossible, Mark! Nakakalimutan mo bang may asawa ako? and you! You have a girlfriend. Ano na lang ang sasabihin ng iba? That i'm having an affair with another man? I'm sorry but nah, this is the last time we'll see." amused na sagot ko rito. Pero sa loob-loob ko ay sinusubukan ko lamang ito.
Huwag mo 'kong paglaruan Mark, hinding hindi mo na mabibilog ang ulo ko!
"Damn with them! I don't care what others will say! I was once a fool dahil nagpadala ako sa takot! I will not loose you again,mel. I... want you back." Hinila niya ang leeg ko at halos mapugto ang aking hininga ng nagdikit ang aming mga mukha.
I see his eyes full of lust. Tumapat ang paningin niya sa aking labi na bahagyang nakaumang. Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong natulos sa aking kinatatayuan.
Alam kong hahalikan niya ako. Sobrang lapit na ng mukha nito sa akin, napapikit ako ng mariin.
Pero bago mangyari yon, naramdaman ko na lang ang pagbagsak nito sa lupa habang nakahawak sa kanyang pisngi.
Anong nangyari?
Napatingin ako sa direksyon ng mga mata niya. At ganoon na lamang ang aking pagkagulat ng makita ang lalaking nakatayo roon at madilim ang mukha.
"C-chris?" anas ko.
"Don't fucking try to kiss again my wife or else, you'll be alive no more!" parang kulog na saad nito.
BINABASA MO ANG
Unfaithful Wife | ✔️
Чиклит[COMPLETED] Melissa was being trapped on her so-called "miserable marriage" nang i-arranged marriage siya sa kanyang bestfriend na si Chris. Her almost perfect love life was ruined because of that and she blamed it all on Chris. When they got marrie...