Ramdam na ramdam ko pa rin ang panglalambot ng mga tuhod at ang paghuhuramentado ng puso ko sa bawat hakbang ko. Kung may pwede lang sana akong manipulahin sa katawan ko para matigil na ang mga werdong nararamdaman ko ay kanina ko pa iyon ginawa pero wala. Hindi ko kayang kontrolin ang mga nararamdaman ko.This is his fault! Sa dami ba naman kasi ng pagkakataong sumakay siya ng Elevator ay nataon pang nakasabayan ko siya! Urgh! I know! That should not be a big deal for me but... but when I saw the ring on his finger...our wedding ring—that is when my heart began to beat uncontrollably.
Bakit suot pa rin niya ang wedding ring namin? O sinadya ba niyang suotin iyon ngayon para magmukha siyang inosente sa lahat ng kagaguhang ginawa niya sa akin? Ano ang tunay na agenda niya sa patuloy na pagsuot ng wedding ring namin?
Matagal ko ng hindi sinusuot ang singsing ko simula nung umalis ako ng Pilipinas. Dahil alam kong sa t'wing makikita ko iyon--ang sumisimbolo ng kasal namin ni Chris, masasaktan lang ako. Pero nasa akin parin naman iyon, I have it with me every time, I just don't wear it.
"Ma'am Melissa?"
I was snap out of my reverie when I heard someone calling my name. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang isang pamilyar na empleyado.
"Yes? You look familiar. You are?"
"Rose Lavarientos, ma'am... I'm the CEO's secretary." Pakilala niya. She held her hands out for a handshake.
Nag-angat ako ng kilay sa sinabi niya. She was Chris' secretary, huh? I nodded as a response and took her hands pagkatapos ay muli niya akong nginitian.
"Dito po ang daan sa bagong conference room, ma'am." Turo niya sa isang hall way.
"What? But the conference room was located there." I pointed the opposite side. Confused of what she said dahil ang hall way na tinuturo niya ay papunta sa office ng CEO.
Ngumiti ito ng tipid sa'kin at saka umiling. "No, ma'am. May mga ni-renovate po kasi si Sir Chris at nalipat po ang conference room sa dating office ng CEO." Giit niya.
Renovate? What?
"Then, where is the new office room of the CEO?" I asked quizzically.
Sinabi niyang inilipat daw ang bagong opisina ni Chris sa ibang opisina at tinukoy niya ang dati kong opisina noong nagtratrabaho ako rito! Nagulat ako sa sinagot niya.
What?! Why did he do that? Anong bang pinaggagawa ni Chris?! Damn!
Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko. Naguguluhan ako sa mga nakikita ko at sa mga nalaman ko ngayon. Kagaya ng pagsuot pa niya sa wedding ring namin at kung bakit lumipat siya ng kwarto sa dati kong office room?
Gulat man sa nalaman ay hindi ko na lang pinahalata iyon kay Rose. Walang imik na akong sumunod sa kanya patungong conference room. Ang dami na pala talagang nagbago sa kompanya. Mas naging modern at high tech lahat ng nakikita ko sa buong sulok nito. I can see the progress.
I suddenly felt a hollow inside my heart. I remember Papa's hard work. His dedication and passion can never be replace. I miss him so much.
Kumabog ang puso ko nang pumasok na kami ni Rose sa conference. Biglang nanlamig ang buo kong katawan. Hindi ko malaman kung dulot ba iyon ng aircon o dahil sa kabang bumabalot sa sistema ko. I felt being in the center of attraction.
Lahat ng mata ng mga taong naroon ay natuon sa akin. Nasa kani-kanilang kinauupuan na ang lahat at nagbubulungan, but when they saw me, everyone keep silence and they throw me a gaze.

BINABASA MO ANG
Unfaithful Wife | ✔️
Literatura Feminina[COMPLETED] Melissa was being trapped on her so-called "miserable marriage" nang i-arranged marriage siya sa kanyang bestfriend na si Chris. Her almost perfect love life was ruined because of that and she blamed it all on Chris. When they got marrie...