Chapter 21

5.4K 129 10
                                    



〜Ꮘ〜

[FLASHBACK]


Me and sofie we're having our lunch in the cafeteria when somebody caught our attention---no, hindi lang pala kami kundi lahat ng estudyanteng kumakain ng mga oras na 'yun.

Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa isa sa mga table doon. Nakatayo ito sa harap ng lalaki. Nakahalukipkip ito habang matalim ang tinging ipinupukol sa huli.


"WHAT?! You're breaking up with me?!" sigaw ni kiana sa boyfriend nitong si leo.

I know her.

No, scratch that.

Kilala siya sa buong campus ng elite high school. Isa siya sa mga binansagang 'campus chic', at kabilang din siya sa mga high-class family.

And yes. Kilala ko ang parents niya dahil magkasosyo ang mga parents namin. Kapatid siya ni kuya chris.

Oo nga't close kami ni kuya chris, pero si kiana? Nah. Hindi pa kami nagkaka-usap ni minsan. Ewan ko ba kung totoong magkapatid sila. Opposite kasi sa isa't-isa mga ugali nila, eh.

Si Kuya Chris kasi madaling pakisamahan, mabait at responsable. Samantalang si Kiana? Tsk! Spoiled brat, moody, maarte, bully at walang puso (not literally na walang puso ha, ibig kong sabihin, wala siyang pakialam sa nararamdaman ng iba.)


And, i don't know kung ako lang ba o ano. Pero i hate her guts. Nakikita ko kasi kung paano siya makipagdeal sa mga nakakasalamuha niya. Para kasing mga robot ang mga nasa paligid niya para sa kanya--kinokontrol at minamanipula niya. Sunud-sunuran kasi ang mga tao sa paligid niya sa kanya.


And maybe, that's the reason why kung bakit walang nakakatagal sa kanya. I mean... oo nga't anjan pa rin yung mga kaibigan niyang 'pafamewhore'. Pero halata namang dumidikit lang ang mga 'yon sa kanya, because they are social climbers. They want to be on the spotlight too.



At kung boyfriends ang usapan, kilalang kilala si kiana jan. Kaliwa't-kanan kasi mga nagiging boyfriend niya eh. Pero wala pang isang linggo, yung mga lalaki na mismo ang nakikipagbreak sa kanya.

At iisa lang ang rason nila, nasasakal sila kay kiana. Pero binabaliktad naman ng huli ang sinasabi nila. Kesyo boring daw ang mga 'yon or may iba na raw, etc etc.

Hindi naman sa chismosa ako, pero kalat kasi sa buong campus ang mga pinaggagawa niya. She's a play girl.

Akala nga ng buong campus nagbago na siya simula nung maging sila ni leo. Matagal na kasi sa ibang tao ang isang buwan na pakikipagrelasyon nito. And guess what? Naging stick to one siya nung time na naging sila ni leo. Mahigit anim na buwan na sila ngayon, if i am not mistaken. Sweet na sweet sila kapag magkasama sila. Lagi ding naikwekwento sa akin ni kuya chris na madalas daw yung leo sa bahay nila. Pero nitong mga nakaraang buwan daw, hindi na daw nagpupunta doon.



Uulitin ko. Hindi ako chismosa. Naririnig ko lang sa iba at kay kuya chris at sofie lang.

"Could you please calm down, kiana? Don't make a scene here, please sit down." mahinahong pakiusap ni leo sa babae habang lumilinga-linga sa paligid. Malamang alam niya na nakakakuha na sila ng atensyon, lalo pa't nagbubulung-bulungan na ang mga estudyante.

Lalo namang naningkit ang mata ni kiana sa sinabi ng lalaki. Napalinga-linga na rin siya at saka sumigaw.

"At anong tinitingin-tingin niyo, ha?! Mga chismosa!" bulyaw nito sa isang grupo ng mga babaeng malapit sa table nila. Agad namang napayuko ang mga ito.



Unfaithful Wife | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon