After 123456789 years nakapag-update din! Peace ;)
Tinapos ko pa po kasi yung STRANGE LOVE! If you don't know the story, tignan niyo lang po sa works ko.Mahahanap niyo po dun, Add niyo lang po sa Library niyo! Thanks! Don't forget to leave your VOTE and COMMENT <3〜Ꮘ〜
"Happy Anniversary po sa inyo." magiliw na bati ko sa mga biyenan ko.
Iniabot ko sa kanila ang regalo naming mag-asawa matapos ko silang mahagkan. After Two years ay ngayon ko lang ulit nakita ang mga biyenan ko. Ni hindi ako nakapag-paalam sa mga ito noon dahil galit ako sa anak nila at aaminin kong nahihiya ako sa mga ito sa inasal ko noon. Ngayon ay sisiguraduhin kong babawi ako sa mga ito.
Ngayong araw kasi ang kanilang Wedding Anniversary. Napagpasyahan nilang umuwi panandalian dito sa Pilipinas para dito ganapin at i-celebrate ang Anniversary nila.
Nagulat na lang kami ni Chris nang tumawag sila at pinapapunta kami rito sa mansion nila. Matagal tagal narin pala magmula nung huling beses kaming dumalaw rito sa mansion. Mga caretaker lang ang nag-aalaga sa mansion.
"You still have the same pretty face, melissa." papuri sa akin ng biyenan kong babae na ngayon ay blooming na blooming.
Hindi na ako nagtatakang nananatiling sopistikada at masbata ang itsura nito kaysa sa tunay na edad dahil narin siguro sa natural na ganda nito at dumagdag pa ang magandang estado nila at klima sa Amerika.
Nakuha ng magkapatid ang mata at korte ng labi ng ginang. Samantalang ang hugis ng mukha at ang ilong naman ay nakuha nila sa biyenan kong lalaki.
"Thank you, mommy." napangiti ako sa puri nito sa akin.
"By the way hija, where's your papa?" tanong ni Daddy nang iginiya na nila kami sa loob ng mansion.
"Ah, susunod daw siya Dad. Madedelay lang siya kaunti dahil may inasikaso saglit sa kompanya." sagot ni Chris na ngayon ay nakapulupot ang kamay sa baywang ko.
"Ganoon ba? Hay! Wala paring kakupas kupas si balae pagdating sa pagpapatakbo ng kompanya." ani Daddy.
"Hmmm. Don't tell me you're already missed working, sweetheart." tumaas ang kilay ni Mommy.
Napagpasyahan kasi nila Chris at Mommy na magpahinga muna si Daddy sa pagtratrabaho dahil minsan ay inaatake na rin ito ng Arthritis.
"Ah, sweetheart.. hindi mo naman maaalis sa'king ma-miss ang pagtratrabaho." ani Daddy.
Nalula ako pagkapasok namin sa loob ng mansion. Ang mga magagarang muwebles, ang high ceiling, malalaking chandeliers at ang grandstaircase ay nagsusumigaw ng karangyaan. Sayang nga lamang dahil naging bahay-bakasyunan na lang ito dahil sa pag-migrate ng mga biyenan ko sa US at si Kiana.
Naalala kong no'ng umalis pa sila ay pinapatira nila kami dito pero umayaw si Chris dahil masyado raw malaki ang bahay para sa aming dalawa maliban pa sa mga kawaksi. Aniya'y baka raw hindi na kami halos magkita kapag dito kami tumira dahil sa lawak at laki ng mansyon.
Bumungad sa amin sa sala ang malaking family picture nila. Sa pagkakaalala ko ay kinunan ang litratong iyon five years ago. Batang-bata pa si Kiana roon at si Chris naman ay nagmumukha pa lamang totoy dahil hindi pa gano'n kaganda ang hubog ng pangangatawan nito... unlike now. Sa paglipas ng araw ay lalong nadefined ang katawan nitong parang hinubog ng panahon.

BINABASA MO ANG
Unfaithful Wife | ✔️
Literatura Feminina[COMPLETED] Melissa was being trapped on her so-called "miserable marriage" nang i-arranged marriage siya sa kanyang bestfriend na si Chris. Her almost perfect love life was ruined because of that and she blamed it all on Chris. When they got marrie...