~Z~

4.2K 98 16
                                    

           

[A/N:] Isang bagsakan na lahat :D This is the final chapter. Thank you so much for reading Unfaithful Wife! You always motivates me everytime you vote and leave a good feedback/comment in every chapter I update. Sana po suportahan niyo pa rin po 'yung ibang on-going stories ko :) Salamat ng marami ❤️


~*~

"Melissa. I'm so sorry if I haven't told you about this pero ako ang nagpasok sa kanya dito. I convinced her to work for us because I know that she's your mother." Ate Margaux said when she suddenly came and witnessed the on-going drama scene between us.

"What? You know about this?" Singhap ko.

"Yes." She hastily admitted.

"Kailan pa?" I glared at her in state of shocked.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Guilt was very evident on their faces. I suddenly felt so betrayed with all the scheming that was happening around me. Hindi lang pala si Sofie ang naglihim sa akin kundi pati rin si Ate.

Hanggang kailan ba matatapos ang paglilihim ng mga tao sa akin? Hanggang kailan ba matatapos ang mga rebelasyon sa buhay ko? Hanggang kailan ba ako tuluyang magiging masaya?

"I saw her at Papa's funeral and that was when we started talking with each other. I really wanted to tell you about her that day I saw her but she begged me not to tell." Sagot niya.

"Tama ang Ate mo." Sabad naman niya na siyang dahilan ng agaran kong paglipat ng tingin sa kanya.

"A-Ayaw ko na sanang manggulo sa buhay mo, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko, anak. Lalo na noong makita ko ang sobrang lungkot sa mukha mo dahil sa pagkawala ni Jaime. Gustong gusto kitang lapitan noon pero pinigilan ko ang sarili ko. Dahil...wala akong karapatan. Wala akong karapatang lapitan ka at ang makausap ka dahil...dahil wala na akong puwang sa buhay mo. Hindi ako nararapat para kilalanin mong ina." Nabasag ang boses niya at bumuhos ang panibagong luha sa mga mata niya.

Para bang sobrang sakit sa kanya para sabihin iyon pero bakit ganun? I'm feeling the same anguish. Nasasaktan din ako ng sobra-sobra. I was now looking in front of my eyes the woman who brought me into this world. And as I was looking at her so miserable and regretful make my heart throb painfully.   

"Alam kong galit ka sa nagawa kong pagabandona sa'yo, anak, at tatanggapin ko kung hindi mo man ako magawang patawarin at tanggapin sa buhay mo pero...sana lagi mong tatandaan na walang araw na hindi kita naisip. Alam ng Diyos kung paano ako nagdusa sa mga kasalanan ko. Mahal na mahal kita, anak." Hagulhol niya.

Hinayaan ko ang sarili kong maramdaman ang lahat ng sakit. Ayokong magkunwaring hindi ako apektado. My mind was vague after hearing her explanations but my emotions tells differently. I badly wanted to be angry with her for leaving me but I couldn't find it in my heart anymore. I can't hate and I can't blame her. I wish I could but after knowing all of what she has been through? I just can't.

Sa isang banda, naiintindihan ko rin siya. I'm a mother now, so it becomes easier for me to understand her reasons. Maybe she did a big mistake for leaving me behind but sometimes, you have to sacrifice for the sake of your love ones and she did it for me. And the fact that she had lost her other daughter because of bearing me, made me feel guilty and sad too.

Naging biktima lang din siya ng sitwasyon. No one wants to be in a complicated situation where you need to choose and make a tough decision.

Hindi ko na ipinagkait sa kanya ang kapatawaran ko pagkatapos ng aming pag-uusap. Pinatawad ko siya at binigyan namin ng pagkakataon ang isa't-isa para punan ang natitirang panahon para sa aming dalawa. Maikli lang ang buhay para magtanim ng galit. Hindi habang buhay, galit ang maghahari sa puso natin. Galit ang pumipigil sa atin upang lubusang makaramdam ng saya at hindi dapat natin iyon hayaan.

Unfaithful Wife | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon