Chapter ⒈ ❤ Cold-Hearted

22.3K 374 38
                                    


This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

NO TO PLAGIARISM.

~*~

"Where are you going to?" Marahang tanong ni Chris sa akin habang abala ako sa paglalagay ng kolorete sa aking mukha. Naglagay muna ako ng makapal na dark lipstick sa bibig ko bago ko siya sinagot.

"At the club." walang ano-anung sagot ko dito.

Nakita kong dumilim ang mukha niya at pagkatapos ay napakunot-noo. Nakita ko sa pagitan ng salamin ang pagbuntong hininga niya at saka muling nagsalita.

"Mel, can we please talk? Please... can you just stay here tonight? Don't...leave." He said with a desperate plea.

Here we go again...

I huffed in annoyance as I rolled my eyes. I'm so tired of dealing with him!

"Can you please stop that drama, Chris? You said before our wedding that I can do whatever I want, right?" Bakas sa boses ko ang pagkayamot sa kanya.

Bakit ba hindi na siya nasanay? It became my night routine to go to different clubs just to avoid his presence. Madalas akong wala rito sa bahay at mas gusto ko pang manatili sa labas dahil hindi ko maatim na kasama siya!

Tumayo na ako sa vanity mirror at saka humarap sa kanya. I watched how his forehead creased as he was assessing me from head to toe.

I wore a skimpy black dress that shows my perfect curves and I paired it with a black stiletto. What's wrong with that disgusted look on his face?

Marahas siyang nagbuga ng hangin at napamasahe sa kanyang sentido na parang nagtitimpi siya.

"Yes, I will never forget that I said that... but you're still married to me. You're disrespecting me. Look at the way you dress! Nakikita na ang kaluluwa mo." Nangangalaiting saad niya habang matalim ang tinging ipinupukol sa suot kong dress.

"Every night you're going at a club worse, you even let other men to drive you home! Gusto mo ba talagang ipamukha sa'kin kung gaano ka kawalang pakialam sa'kin? Kung gaano ka kawalang respeto sa kasal natin?!" He hissed with a mix of pain and rage on his tone. He cussed under his breath but his eyes were filled with sorrow.

I only smirked at him with no humor. Dahil sa totoo lang, tama siya. Wala akong pakialam sa kanya and I fucking despised this marriage!

"Tell me, am I not enough for you?! Bakit hindi mo ako magawang mahalin?!" tanong pa niya. Nagsusumamo ang boses niya.

He looked so pathetic. Para sa isang lalaki, masyadong mahina ang tingin ko sa kanya. Kaya kahit kailan, hinding hindi ko siya magugustuhan.

I crossed my arms together and I stared at him with pity.

"Are you really asking me that? Hindi mo pa ba talaga alam ang sagot?" mapang-uyam kong sagot. Mas lalong bumadha ang sakit sa mga mata niya.

Nagitla nalang ako nang hinapit niya ang baywang ko palapit sa kanya at walang sabi-sabing siniil ng halik ang labi ko. Nalasahan ko agad ang alak sa bibig niya.

He's drunk?

"Is this what you want? Mas magaling ba sila sa akin, hmmm?" Sabi niya saka ako muling hinalikan—halik ng pagpaparusa. Nagpumiglas ako at nang makawala ay malakas ko siyang sinampal sa mukha.

"Fuck you!" Galit na sigaw ko sa kanya at saka marahas na pinunasan ang bibig ko.

"Anong karapatan mong sumabatan at tanungin ako kung bakit ko ginagawa 'to, huh? Simple lang naman, Chris! Dahil ayaw kitang makasama! Nakakasakal ka na!" puno ng poot kong sigaw sa kanya.

God! I am trying to be nice to him kahit na palagi siyang humahadlang sa mga gusto ko pero tuluyang napigtas ang pasensya ko ngayong gabi dahil sa ginawa niya sa'kin,

"You know what? Let's not waste each other's time. Hindi naman kita pinapakialam sa mga ginagawa mo. You can also do whatever you want too. Go out, flirt with other girls, have sex. O kung gusto mo ay ako pa ang kukuha ng—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang sumigaw.

"Goddammit, Melissa! Hindi ko kailangan ng ibang babae! Ikaw! Ikaw lang ang gusto ko! Mahal kita, Mel! Bakit ba pilit mo akong pinagtutulakan sa iba?!" sigaw niya. His eyes starting to moist.

"Dahil wala akong nararamdaman para sa'yo kundi galit. Hear me? I don't feel anything for you but hatred." I mercilessly said.

Kapagkuwa'y napaupo nalang si Chris at mabilis na itinakip sa mukha ang kanyang mga palad. Alam kong umiiyak na siya. Umiiyak na naman siya!

What a cry baby! Is he really a man? So gay!

I pity him, alright, but I'm not responsible if he's feeling that way. Alam niyang magiging ayaw ko sa kasal na 'to pero wala siyang ginawa para iligtas ako. Hinayaan niyang matali sa isa't-isa kahit wala namang pagmamahal sa pagitan namin. Kaya pinangako ko sa sarili ko noon na kung miserable ako, tangina, sisiguraduhin kong magiging miserable din siya.

Pareho kaming magdurusa sa walang kwenta naming pagsasama!

~*~

A/N: Hi, new readers! Thank you for reading! Please don't forget to VOTE ⭐️ Leave a COMMENT 💬 and FOLLOW ME 😭 THANK YOU SO MUCH!

Add me on Facebook:
Gorgeybelle WP


Unfaithful Wife | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon