Chapter 42

3.3K 96 3
                                    



Lutang parin ang isip ko nang pabalik na ako sa Conference Room. Okupado ang isip ko sa nakita ko.

Si Chris ba talaga 'yun? Pero anong ginagawa niya dito at bakit hindi niya ako sinabihang pupunta siya dito? He didn't even talk to me!

Or i'm just imagining things because I am just missing him? Yeah. Siguro guni-guni ko lang iyon.

Para mapanatag ang loob ko, mamaya tatawagan ko ulit siya. Kung hindi man siya sasagot..si papa na lang ang tatanungin ko.

Nang makita ako ni Mark ay agad niyang inilahad ang upuan sa tabi niya para sa akin. Napansin niya marahil ang pagkabalisa ko nang tanungin niya ako.

"Are you okay?" tanong niya.

I just nodded and tried to focus to our seminar. Nang magsimula na ay nagpakilala muna ang mga head staffs ng seminar. Isa-isang nagpakilala sa harap ang iba't-ibang kilala at prominent business tycoons sa buong mundo. Kabilang na doon si Mark.

I still couldn't believe na maabot niya lahat ang mga nakamtan niya ngayon. Tadhana na rin sigurong magkahiwalay kami para makamit niya ang mga tinatamasa niya ngayon and i'm happy for him. Even though, I doesn't agree about the thought the he used Bettina. That he used someone.

Kaya hindi ko rin masisi si Bettina kung bakit ganoon na lang siya kagalit sa akin dahil tingin niya'y inaagaw ko si Mark sa kanya ngayon dahil matagumpay na ito. At ayoko mang aminin pero parang ganoon ang kinalabasan sa paningin ng iba dahil siya ang nilapitan ko para lang hindi tuluyang bumagsak ang kompanya namin.

I owe him for that at malaki ang utang na loob ko sa kanya. But I don't do it for other porpose aside from just for the good of the company. Hindi ko ginustong mapalapit ulit sa kanya. I mean, i don't want anyone to doubt about it.

Hindi ko rin ginustong kami ang magkasama sa business trip na ito. But we're here anyway kaya kailangan ko nalang pagbutihan at makinig nang mabuti because this seminar may benefit me a lot. Isasantabi ko muna ang mga bagay na bumabagabag sa akin.

Nagulat ako nang lumapit sa harapan ko si Mark at tinangay niya ako paharap. Kinindatan niya ako na parang may ipinapahiwatig kaya nagpatangay na lang ako kahit medyo na-o-awkwardan ako. Ipinakilala niya ako sa lahat.

Pagkatapos non ay ibinalik din niya ako sa upuan ko. May iba pa itong sinabi sa harap at bumalik na rin ito sa pagkakaupo sa tabi ko.

Wala akong ginawa sa buong oras kundi ang pagti-take down notes na mga importanteng bagay. Halos hindi ko na pinapansin si Mark sa tabi ko dahil abala ako sa pakikinig at paglilista ng kung anu-ano.

Nang lunch time na ay nagkaroon ng Buffet Service sa loob din ng Conference Room. Niyaya na ako ni Mark so I stood up and we went to the Buffet Table with him.

He then offered me a plate. Kinuha ko na lang at pumila na para kumuha ng sarili kong pagkain. I just picked a one and a half cup of rice, fish and beans for my meal and a few dessert before i went back from my seat.

"Why don't you get a meat?" tanong ni Mark nang umupo na rin ito.

"Uhh.. I just don't feel like eating meat this time." nagkibit ako ng balikat.

Ang totoo... gusto kong healthy lang ang kinakain ko. Eating high in cholesterol is not good for me and specially for my baby. Once i get back to the Philippines, pupunta agad ako sa OB para magpaconsult at check-up at syempre magpapasama ako kay Chris. Thinking about it making me feel excited. I can't wait to go home and tell him the good news!

Unfaithful Wife | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon