Chapter Fifty-Nine

1.1K 37 40
                                    








T  H  I  R  D    P  E  R  S  O  N



"Who's the nearest kin of the patient?" Tanong ng doktor pagkalabas nito sa OR.

Nagkatinginan ang mga taong nasa labas ng OR at naghihintay ng balita sa kalagayan ng taong nasa loob ng operating room at nag-aagaw buhay.

"Ako po, Doc." Agad na lumapit ang dalaga sa doktor. "Pinsan nya po ako. Ano pong lagay nya?"

Walong pares ng mata kasama na ang doktor ang napatingin sa kanya matapos nyang sabihin iyon. Alam nyang nagulat ang mga kasama nya pero hindi na nya muna ito pinagtuunan ng pansin lalo at wala sila sa tamang sitwasyon at lugar para magpaliwanag sa mga ito tungkol sa relasyon nya sa taong nasa loob ng OR.

Samantala, malalim namang bumuntong hininga ang doktor at bahagyang lumapit sa kanya. "Sa ngayon, medyo stable na ang lagay nya. Natanggal na namin ang dalawang bala sa katawan ng pasyente. But I'll be honest with you, hija. The patient is still in a critical condition. Bukod sa tumagos sa kaliwang baga nya yung isang bala, maraming dugo din ang nawala sa kanya. Kailangan nyang masalinan ng dugo or else mas lalong malalagay sa alanganin ang buhay nya." Malumanay na wika ng doktor.

Halos manghina naman ang tuhod ng dalaga. Hindi nya inaasahang ganun kalala ang sinapit matapos nitong saluhin ang balang sana ay sa kanya tatama kanina. Kung hindi nito iniharang ang katawan nito sa kanya, marahil sya ang nag aagaw buhay ngayon ag hindi ito.

"G-Gaano po kadaming dugo ang kailangan? Ako, pwedi nyo kong kunan ng dugo." Mangiyak ngiyak na ang dalaga maging ang mga kasama nya.

Kahit na hindi makapaniwala ang mga ito sa natuklasan nila, mas nananaig pa din sa kanila ang pag aalala para kay Yves.

"We're doing our best, don't worry. The problem is, her blood type is very rare. We don't have that type of blood in our hospital. So, kailangan natin makahanap ng blood donor. And kahit na pinsan mo ang pasyente, hindi 100% sure na magma-match kayo. We need a person that have the same blood type as hers. I suggest na mismong magulang ng pasyente ang magdonate ng dugo since it would be a hundred percent sure na mag-match sila. Or kahit isa man lang sa kanila ang mag-match sa pasyente."

Mas lalo namang naiyak ang dalaga habang ang mga kasama nya ay lalong nag-alala dahil sa sinabi ng doktor.

"Yun ang problema, Doc. W-Wala na po ang parents nya." Nanghihinang saad ng dalaga. Maging ang mga kasama nya ay alam din ang tungkol doon lalo at naikwento na ito ni Yves sa kanila noong nasa bahay sila ni Stacey sa Nueva Vizcaya.

"W-Wala na po bang ibang paraan, Doc?" Singit ni Jhoanna na katabi ni Colet. "W-Wala na po kasi kaming ibang kilalang kamag-anak nya na pweding kapareho nya ng dugo."

Malalim na bumuntong hininfa ang doktor. "There's another way but I can't guarantee na makakatulong ito. Like I said, her blood type is unique and rare. Bilang lang ang mga taong mag ganoong uri ng dugo kaya hindi ako sigurado kung makakatulong ang isa-suggest ko sa inyo."

Nagkatinginan ang magkakaibigan habang sya ay napaisip saglit sa sinabi nito.

"Sabihin nyo, Doc. Ano pong kailangan naming gawin?" Si Colet na ang nangunang magtanong lalo't kanina pa sya hindi mapakali dahil sa pag aalala para kay Yves.

Aminin man nyan madalas syang naiinis sa dalaga dahil sa kaingayan nito at palagi syang binabara, nag aalala pa din naman sya pa dito at hindi nya kailanman gugustuhing malagay sa peligro ang buhay nito.

Sinisisi nya din ang sarili kung bakit wala man lang syang nagawa para maprotektahan ito. Kung nakinig lang sana sya kay Gwen baka naabutan pa nila ito at nailigtas sa taong bumaril dito.

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon