J H O A N N A
"Huy, mga beh! Tama ba 'tong napuntahan natin?" Tanong ni Yves pagkababa namin ng van na syang naghatid sa amin sa bahay na tutuluyan naming magkakaibigan sa loob ng isang exclusive na subdivision. "Parang mali ata yung napuntahan natin, eh."
Napakamot pa sya sa ulo nya habang palinga-linga sa paligid.
"Naku, teh. Hindi ko din alam. Wala akong alam." Nakangusong sagot ni Shee sa kanya.
Tumingin naman sya sa'min ni Te Aiah at pareho kaming nagkibit balikat.
"Beh, magkakasama tayong pumunta dito. So meaning, hindi din namin alam." Sabi ko naman.
Napabuntong hininga na lang sya atsaka nagpalinga-linga ulit sa paligid.
Actually, wala namang ibang bahay dito bukod sa bahay na nasa harapan namin. Oh wait, hindi pala bahay. Mansyon, beh! Isang malaking mansyon yung nasa harapan namin.
Kaya hindi talaga namin alam kung tama yung lugar na pinaghatiran samin nung van.
Imposible naman kasing yung bahay na tutuluyan namin is etong mansyon na 'to. Parang nakakatakot at nakakahiyang pumasok.
Ang laki tapos ang gara pa. Hitsura pa lang malalaman mo nang sobrang yaman ng may ari. Halatang pinag isipan ng maigi bawat designs. Ang ganda! As in!
Kahit nasa labas pa lang kami ng gate, nasisiguro ko nang sobrang ganda ng loob nyan. Grabe!
Kita din sa pwesto namin yung itim na van na nakapark sa garahe. At parang customized nga yung hitsura kasi hindi sya yung gaya ng normal na van lang. Mas malaki sya ng konti compare sa usual van na makikita mo sa mga kalsada.
"Shutek, parang sa maling bahay pa ata tayo hinatid ni Manong." Naiinis at nakabusangot nang sabi ni Yves.
"Ihh, pano na 'yan? Hindi tayo makakaalis dito. Wala na yung van. Pa'no tayo uuwi?" Pati si Sheena ay nakabusangot na din.
"Try nyo kaya tawagan si Manong? Ask him na lang if pwedi syang bumalik dito." Suggestion ni Ate Aiah na ikinangiwi ni Yves.
"Isa pang problema yan, Yah. Wala tayong number ni Manong."
"Ehh? Ayun lang."
"Paktay!"
"Hays!"
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mga mukha nilang tatlo. Para na silang pinagbagsakan ng langit at lupa sa mga hitsura nila.
"Naman kasi, eh. Bat naman dito tayo binaba ni Manong? Tsk!" Pabagsak na naupo si Yves sa gilid ng daan malapit lang din sa gate ng bahay na nasa harapan namin.
Medyo angat kasi sya ng mga 5 inches from the main floor ng kalsada.
Naupo na din si Shee sa tabi nya at nangalumbaba habang nakasimangot din.
Nagkatinginan na lang kami ni Ate Aiah at parehong napailing at napabuntong hininga.
"Bat ba kasi kailangan pa nating tumira sa ibang bahay? May mga bahay naman tayo, ah?" Kunot noong tanong ni Shee.
"Part ng scholarship na in-applyan natin yun. Saka ang layo-layo kaya ng school sa mga bahay natin. 3 to 4 hours yung byahe araw araw. Makakarating lang tayo sa school, lunch break na." Sagot ko na mas lalong ikinabusangot nya.
"Tama si Jho, Shee. Mas okay na 'tong titira tayo sa ibang bahay kesa naman araw-araw tayong babyahe ng sobrang layo." Sabi ni Aiah.
"Fine! Pero naiinis pa din ako. Saka halatang maling lugar yung napuntahan natin. So pano na? Pano tayo uuwi?"
BINABASA MO ANG
Masked Feelings
FanfictionOne school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanfiction story. With a big twist. 😁 Disclaimer: I don't own the names of the characters an...