J H O A N N A
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm sa phone ko. Agad kong kinapa yung phone ko at pikit-matang in-off ang alarm.
Pagkatapos ay huminga muna ako ng malalim bago nagpasyang bumangon na. Pero may mabigat na kamay ang nakayakap sa bewang ko kaya hindi ako makabangon.
Pagtingin ko sa tabi ko, ay hindi ko masyadong maaninag na mukha ang bumungad sa'kin. Ang himbing pa ng tulog at ang lapit lang ng mukha nya sa'kin. Dinig na dinig ko pa yung mahihinang hilik at malalim na paghinga nya.
Sino to? Tanong ko pa sa isip ko.
Agad kong binuksan yung ilaw na nakacenter lang mismo sa higaan ko at kinuha yung salamin ko sa tabi ng phone ko. Sinuot ko agad yung salamin ko at tinignan uli yung katabi ko at mukha lang naman ni Staku ang nakita ko.
Wait-----what? Si Staku, katabi ko? Paano? Naguguluhang tanong ko sa isip ko.
Pero bigla ko ding naalala na pumunta pala sya dito kagabi at gustong makitulog dito sa kwarto namin.
Tapos sa akin pa nya talaga napiling tumabi. Nakakaloka!
Mabuti na lang at hindi sya malikot matulog. Kung hindi, baka nasuntok ko na sya kagabi.
Pero sa pagkakaalala ko, nasa magkabilang gilid kami nakapwesto. Tapos paggising ko ngayong umaga, nakayakap na sya sa'kin? Hanep sa tsansing, ah? Charr!
Huminga ako ng malalim bago tinapik ng marahan si Staku para magising na din sya. 5am na kasi, kailangan na naming mag asikaso dahil 6am sharp daw aalis papuntang school.
Medyo inaantok pa nga ako pero no choice naman kundi ang bumangon. Mahirap magcommute lalo hindi pa namin kabisado yung daan papunta sa LAVSA. Baka maligaw pa kami at ma-late. First day of school pa naman.
"Staku. Uy, gising na." Panggigising ko kay Staku na agad din namang nagising.
"Hmm? Umaga na ba?" Tanong nya habang nagpupungas ng mata nya.
"Mm. 5am na." Sagot ko.
Saglit syang natahimik bago nauna nang bumangon saka nag-inat ng mga braso.
"Uhm! Haaayyyy!" Humikab pa nga. Tapos ngumiti sya sa'kin. "Good morning, Jhoanna!"
"Mm, morning din." Bati ko pabalik at bumangon na din saka bumaba ng kama ko at sinimulan nang gisingin yung tatlo.
Una kong ginising si Ate Aiah na mahimbing pang natutulog.
"Te Aiah, gising na. 5am na." Sabi ko habang niyuyugyog ng marahan yung braso nya.
Madali lang din naman syang nagising at bumangon na. Sunod kong ginising si Shee at Yves pero ayaw pa nilang dalawa bumangon.
"Ahhh.. five minutes, please." Ungot ni Shee habang nakasimangot at nakapikit pa din.
"Gising na, uy! Dali na!" Mas nilakasan ko na yung pagyugyog sa kanya pero ang bruha, tinalikuran lang ako at nagtalukbong pa ng kumot.
Kahit si Yves ay panay sabing mamaya na at nagtakip ng unan sa mukha. Habang si Staku nakaupo lang sa higaan ko at pinanunuod lang akong gisingin yung dalawa.
Nasapo ko na lang ang noo ko habang naiiling. Tinignan ko si Ate Aiah na kakalabas lang ng closet namin para kumuha ng damit na susuotin nya.
"Oh? Bat tulog pa din yang dalawa?" Takang tanong nya na ikinangiwi ko.
"Ayaw pa nila gumising, Te Aiah." Sagot ko.
Napailing naman sya saka lumapit sa'kin. "Ako na. Mauna ka nang maligo, Jho para paggising nitong dalawa, sila na susunod." Aniya at tumango lang ako.
BINABASA MO ANG
Masked Feelings
FanfictionOne school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanfiction story. With a big twist. 😁 Disclaimer: I don't own the names of the characters an...