Chapter Forty-One

1.2K 37 25
                                    



S    H    E     E     N     A

"Aba'y himala at naisipan mo ding umuwi dito?" Bungad sa'kin ni Mama pagkapasok ko ng bahay namin.

Nadatnan ko syang nanunuod ng TV sa sala habang kumakain ng turon na binili ata nya sa kapitbahay naming si Aling Edna. Naglalako kasi ng mga kung anu-anong kakanin at meryenda yun kapag ganitong oras. Pasado alas tres na din kasi ng hapon.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kamay nya para magmano. "Mano po."

Umismid lang sya pero hinayaan din naman akong makapagmano sa kanya. "Anong nakain mo at naisipan mong bumisita ngayon? Kung kailan pa talagang linggo at may pasok kayo bukas?"

Napabuntong hininga na lang ako para pakalmahin ang sarili ko. Expected ko naman nang ganito ang magiging bungad at reaksyon nya kapag umuwi ako. Sanay na ako.

"H-Hindi naman po ako magtatagal, Ma." Magalang na sagot ko. "Umuwi lang po ako para ihatid yung mga groceries na binili ko kahapon para dito sa bahay. At kukuha din po ng ibang damit kasi konti lang yung nadala ko nung pag-alis ko."

"Aba'y mabuti naman at naalala mo pa kami. Akala ko wala ka nang balak magpakita dito."

Napayuko ako. "P-Pasensya na po kung ngayon lang ako nakauwi. N-Nagkaron lang po kasi ng problema sa school kaya.... k-kaya hindi ako agad nakabisita." Pagsisinungaling ko.

Hindi ko na sinabi na nagka-knee injury ako dahil paniguradong sesermunan lang din naman nya ako at ako pa ang mas mapapagalitan imbis na yung taong dahilan kung bat ako na-injured.

"Hmp. Sya, ilagay mo na lang sa kusina 'yang mga bitbit mo at ako na ang mag aayos. Kunin mo yung mga kailangan mo at bumalik kana sa tinutuluyan nyo ng mga kaibigan mong mga basagulera. Tsk! Kababae at kebabata pa ninyo, puro gulo ang nasa utak." Aniya at itinuon na lang ulit sa pinanunuod nya ang atensyon nya.

Hindi naman ako kasama dun. Ako pa nga laging nabubully, eh kaya laging nakikipag away yung tatlo. Haist!

Hindi na ako sumagot at marahang dinala sa kusina yung mga plastic bags na dala ko. Pagkatapos ay pumunta na ako sa kwarto ko para kunin yung mga damit na kailangan at magagamit ko.

Kasama kong umuwi yung tatlo. Sa terminal na kami magkikita-kita mamaya pag-uwi.

Sa totoo lang, ako lang naman talaga ang may planong umuwi ngayong araw. Sumama lang talaga yung tatlo dahil miss na din naman daw nila yung bahay nila.

Si Ate Jho at Ate Aiah ay bibisita lang saglit sa mga pamilya nila. Si Ate Loi, iche-check lang lagay ng bahay nila at bibisitahin yung mga magulang nya then, sasaglit sya sa Lola nya tapos balik na. While ako, eto. Nagdala lang ng mga groceries para dito sa bahay at kukuha ng ilang gamit na kailangan ko.

Kung bakit ganun umasta yung Mama ko? Hindi ko din alam. Ganyan na sya kahit simula pa lang nung bata ako. Palaging mainit ang ulo at palaging iritang irita pagdating sa'kin. Pero kapag kay Kuya, ang bait bait nyan.

Favoritism, eh.

Speaking of Kuya, nasan nga pala yung isang yun? Hindi ko sya napansin pagdating ko dito sa bahay. Nasa galaan na naman siguro kasama ng barkada nya.

Napailing na lang ako. Hindi man lang naisipang maglinis dito. Ang kalat kasi ng bahay, jusko! Parang hindi tao ang nakatira dahil sa dami ng alikabok at mga kalat.

Pati mga labahan nilang damit nagkalat lang sa sahig. Kahit magwalis man lang, uy! Wala. Tsk!

Napabuntong hininga na lang ako at nagpasyang maglinis muna nang bahagya dito sa bahay bago ako umalis. Hinubad ko muna yung jacket na suot ko at itinali ang buhok ko para hindi sagabal.

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon