Chapter Twenty-Eight

1.3K 44 1
                                    






J H O A N N A

Todays is Sunday. Meaning, restday namin today. After the two weeks of dance rehearsal for the Welcome Party, finally, natapos din. Makakapagpahinga na din kami.

Or so, I thought. Monday na nga pala bukas at pasukan na naman. But unlike these past two weeks, bukas magsstart na ang formal class discussion namin.

Meaning, may panibago na namang magpapastress sa amin. Hindi na dance practice kundi lessons na. Hays!

Well, forget about the class muna. Bukas pa naman yun. Focus muna tayo for today since rest day namin.

Nagising kami bandang mag aalas dyis na ng umaga. Sunday naman at pahinga nga namin kaya okay lang na tanghali magising.

Naghilamos lang ako at nagtoothbrush bago lumabas ng kwarto namin. Inaantok pa daw yung tatlo at tinatamad pa silang bumangon kaya iniwan ko na lang muna sila dun.

Nagugutom na ako kaya lumabas na ako ng kwarto. Bago ako bumaba ng hagdan, nadako pa sa pinto ng kwarto ng Quadro yung tingin ko.

Until now, hindi pa din ako totally makapaniwala na sila lang pala yung grupo ng students na hinihintay naming makilala. Gago lang ba? Kasa-kasama lang naman pala namin sa bahay yung mga partners namin. Nakakaloka!

But I'm also thrilled and happy na sila yung Quadro. I mean, partner ko yung crush ko, eh. Syempre happy ako. Hahahaha!

Speaking of them, bat parang ang tahimik yata ng bahay ngayon. Nakakapanibago.

Usually kasi, kapag ganitong araw this past weeks, medyo maingay dito sa bahay. I mean, pababa ka pa lang ng hagdan maririnig mo agad yung boses ni Staku at ni Ate Colet na nagbabangayan.

Ganun sila kapag andito sa bahay. Kung hindi si Ate Yves ang kabangayan ni Ate Colet, si Staku naman. Pero unlike sa bangayan ng MaColet----that's the nickname na binuo ni Sheena------yung bangayan ni Staku at ni Ate Colet may halong lambing.

Not in a romantic way, ah. Yung lambing na parang sa magkapatid, ganun. Si Staku na parang nagpapababy tapos bini-baby naman ni Ate Colet. Tapos biglang magsesermon tapos papatulan naman nung isa. Ganun po sila, opo.

Pero ngayon, nakakapanibago kasi wala akong naririnig na ingay nilang dalawa. Kahit nung makababa na ako ay hindi ko sila nakita. Si Ate Jovz lang naabutan ko sa kusina na nagpi-prepare ng ingredients para sa lulutuin nya yatang pangtanghalian.

"Good morning po, Ate Jovz." Bati ko sa kanya paglapit ko.

"Uy, good morning din, hija. Kakagising mo lang?" Aniya habang naghihiwa ng talong.

Tumango ako. "Opo, eh. Sila Staku po pala, nasan? Ang tahimik po ng bahay, eh." Tanong ko.

"Ay, wala sila, hija. Umalis."

"Po? Umalis po sila?" Gulat kong tanong.

"Oo, eh. May mga lakad." Aniya.

Na-curious naman ako. "San po sila nagpunta, Ate Jovz?"

"Ay, wala silang binanggit kung saan sila pupunta. Pero hula ko, bibisita yun sila sa kapamilya nila. Pero hindi ako sigurado. Baka kasi gumala lang yung mga yun." Saad nya.

Napatango na lang ako at hindi na nag-usisa pa. Baka sabihin pa ni Ate Jovi, ang tsismosa ko.

Napabuntong hininga na lang ako at saka nagdecide na magtimpla na lang ng kape. Alas dyis pa lang naman ng umaga, eh. Tsaka hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ako nakakapagkape. Feeling ko, nanghihina ang katawan ko kapag hindi ako nakakainom ng kape.

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon