Chapter Four

1.8K 49 0
                                    


J H O A N N A


After magwalkout bigla nung MJ ay sumunod na din sa kanya paakyat si Cols. Ang naiwan na lang sa table ay ako, Yves, Shee, Ate Aiah, tapos si Ate Gwen and si Staku.

Pare-pareho kaming lima na nagtataka dun sa in-akto nung dalawa. Pero si Ate Gwen parang wala lang sa kanya yung nangyari.

Nakafocus lang sya sa pagkain nya at hindi umiimik.

Tahimik nya, ah? Kabaliktaran ng katabi. Ang daldal, eh. I was talking about Staku na panay ang daldal ngayon. Kadaldalan nya si Shee at Yves at topic nila yung pasukan bukas.

"Did you saw the van sa garahe? That's our service. Ihahatid tayo ni Mang Isko every morning tapos susunduin nya tayo pagdating ng hapon which is uwian." Sabi ni Staku.

"Ay, talaga? Teka, kasya ba tayo dun lahat?" Tanong ni Yves.

"Yep. Customized yung van and sakto lang yung seats for eight people. Tapos may extra 2 seats din sa tabi ng driver. So yeah, kasya tayo lahat dun."

Napatango naman kami sa kanya. Yung dalawa manghang-mangha sa sinabi ni Staku na customized yung van. Halatang excited na silang makapasok dun.

"Uhm, ask ko lang, Staks if what time yung usual na pag alis nyo pagpapasok ng school?" Tanong naman ni Te Aiah.

Sumagot naman agad di Staku na ikinagulat nung tatlo. "Oh? We always leave at 6:30am."

"WHAT?!" Sabay-sabay na react nung tatlo.

At pansin kong parang nagulat si Gwen nang biglang sumigaw ng sabay sabay sina Yves, Loi at Ate Aiah.

"6:30 talaga?"

"Hala, seryoso?!"

"Ang aga naman 'non?"

Nagtaka naman si Staku sa reactions nung tatlo. "Maaga? Not really. Actually, tanghali na 'yan for us."

"HA?!"

"Luh, sya? Ang aga pa kaya 'non, Staks." Nakasimangot na si Shee habang si Yves naman ay hindi na maipinta ang mukha.

"Oo nga." Sabi ni Staku habang natatawa. "Kasi yung start ng class sa school is 7:30. And the ride from here is almost 30 minutes din. Hindi pa kasama yung kapag traffic, ah. Kasi kapag traffic, inaabot ng 40 to 45 minutes yung byahe. Tapos kapag may practice naman sina Ate Cols at MJ, need naming umalis ng mas maaga. Like 6am sharp, dapat nakaalis na kami ng bahay." Paliwanag nya na mas lalong ikinangiwi nung tatlo.

"Shux, ang aga!" Reklamo ni Yves.

"Oo nga. 6am? Seryoso? Eh, kakagising ko lang nyan. Tapod kayo, paalis na? Ang aga!" Bagsak na ang balikat ni Shee at ang haba na ng nguso nya.

"Well, you need to adjust your time of waking up na, Shee. Kasi isang beses lang maghahatid yung van sa'tin. If ma-late ka sa call time, you need to commute na lang."

"Ahhhh!!!" Napabusangot na lang yung dalawa at nangalumbaba sa mesa.

Tumikhim naman si Ate Aiah na kanina pa tahimik kaya napatingin kami sa kanya.

"Uhm, is there a chance ba na like pweding mag-extend ng konti bago umalis yung van? Like mga another 10 to 15 minutes, ganun?" Tanong nya.

Nakangiwi namang umiling si Staku. "Naku hindi pwedi, Ate Aiah."

"Uh, why?"

"Ayaw kasi nina MJ at Ate Cols nang nali-late sila. And ayaw din nilang pinaghihintay sila. They always stick on the setted time na papasok kami ng school. If they said na 6am, then, we'll leave at exactly 6am. And same din at 6:30. May mga inaasikaso din kasi sila sa campus every morning so we really need to leave early.

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon