Chapter Two

2.5K 58 2
                                    



Y V E S

Dahil sa pagod ay nakatulog kaming apat sa kwarto namin. Syempre, kanya-kanyang higaan.

Ang haba din kasi ng byahe namin para lang makarating dito. Tapos natakot at kinabahan pa kami kasi akala namin maling bahay yung napuntahan namin.

Turns out na tama naman pala yung pinaghatiran sa amin ni Manong. At yung malaking bahay pala yung tutuluyan namin kahit na ang talagang ini-expect naming apat ay parang usual na dorm lang talaga.

Hindi naman namin alam na sa isang malaking ba----- I mean, mansyon. Dito sa mansyon pala na to kami tutuloy habang nag aaral kami sa LAVSA.

Nakapasa kasi kaming apat sa entrance exam at scholarship na in-applyan namin last week at kahapon lang namin nalaman yung result.

Syempre masaya kami kasi finally, natanggap din kami sa school na yun kahit na mga hampaslupa lang kami. Charr! Hindi naman sa hampaslupa talaga. Sakto lang. Medyo below the standard status sa lipunan, ganun.

Ah, basta! Mahirap kami pero hindi ganun kahirap.

Actaully, kaming tatlo lang. Ako, si Sheena at Jho lang kasi si Aiah, medyo may kaya ang family nila. Pero kahit ganun, hindi nya kami inapi or pinagmukhang mahirap talaga.

Sya pa nga unang lumapit sa aming tatlo para makipagkaibigan. Ayaw daw nya kasi sa mga schoolmates namin na gaya nya ng status sa buhay dahil mga plastik daw ang karamihan.

Gusto lang nya ng simple, tahimik pero masayang buhay habang nag aaral sya. Hindi nga sya maarte, eh. Kahit tuyo, itlog or bagoong lang ulam naming tatlo kapag kakain kami ng lunch tapos kasabay namin sya, nanghihingi pa sya. Masarap naman daw kasi saka simple lang din naman ang kinakain nila ng family nya kahit na may kaya sila sa buhay.

Kaya ayan, naging malapit sya sa amin at naging isa na din sya samin kalaunan.

Sama-sama kaming apat kahit san kami magpunta. From school to gala. Kung asan kami, susunod din sya.

Kaya eto at pati pagpasok sa private school at pag apply ng scholarship, kasama din namin sya. At thankful kami na andito sya kasi panatag kami sa lahat ng bagay kapag kasama namin sya.

Sya din kasi ang pinakamatanda sa aming apat though months to one year lang halos ang pagitan ng mga edad namin. Sya ang tumatayong ate naming tatlo. Pero sya din ang pinakamakulit at kalog sa amin kahit na sya ang mas nakakatanda. Lalo na kapag nasa mood yan, naku. Sobrang kulit at isip bata yan.

May lahing bisaya din sya at madalas yan magsalita ng bisaya dahil hindi sya masyadong fluent sa tagalog. Tapos panay english kapag hindi nya na alam yung tagalog ng sasabihin nya kaya palaging dumudugo ilong namin sa kanya.

Si Shee naman ang bunso sa amin pero sya ding pinaka-energetic at pinakamaingay. Lalo na kapag tumawa, jusko! Buong campus ang nakakarinig kapag tumatawa sya.

Pero mabait at masunuring bata naman si Shee. At alam nya din kung kailan dapat tumigil at tumahimik.

Ay mali pala. Never palang nagkaron ng katahimikan sa grupo naming apat. Puro ingay at kakulitan lang. At palagi kaming nasisita ng mga teachers dahil sa kaingayan namin pero tinatawanan lang namin.

Bahala sila mainis, basta kami masaya. Hahahaha! Charr!

Then, si Jhoanna. Pangalawa sa bunso pero sya ang tumatayong leader naming apat. Mas mature pa isip nyan kesa kay Aiah, sa totoo lang kahit na mas bata sya kompara sa amin ni Aiah.

Matalino yan, honor student nga magmula pa elementary days namin. Tapos magaling din kumanta at magplay ng sa mga portrayals ganun. Talented yan, pati si Shee.

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon