S T A C E Y
Nakabusangot akong naupo sa isang seat pagkapasok namin dito sa conference room ng Student Council, which sa loob lang din ng office namin.
Pagkapasok nung tatlo ay sinara nila yung pinto at ni-lock ito. Soundproof yung conference room at kahit salamin lang yung nakaharang, walang makikita yung mga nasa labas since this is a one way kind of glass.
Nakikita namin kung sinong nasa labas, pero hindi nila kami nakikita. Pinagawa mismo ni MJ 'to para walang nakakarinig at nakakaalam ng pinag uusapan sa loob ng conference room. Especially, kapag kaming apat ang nandito at importante yung pag uusapan namin.
Pero naiinis pa din ako sa kanila kasi bigla na lang akong hinihila papunta dito. Gusto ko pa naman sumama kila Jhoanna sa cafeteria, eh. Alam ko kakain yung mga yun since di na sila nakapag almusal sa bahay.
"Ano ba kasing pag uusapan na naman? Kagabi pa tayo nag uusap na apat tapos kailangan na naman mag usap ngayon. Ano bang meron?" Inis na tanong ko sa kanila.
Wala namang sumagot at nagkanya-kanyang upo lang sila.
May 15 seats yung conference room. Nasa dulo syempre si MJ kung saan ang pwesto ng President. Sa kanan nya naman nakaupo si Ate Colet kasi sya ang VP.
Kami ni Ate Gwenny? Wala. Nakikisali lanh kami. Joke.
Syempre ako ang Muse, duh?! Prinsesa ako dito 'no. Kaya ako ang Muse. Ganda ganda kong 'to. Hmp!
Well, Ate Gwenny is the Council's auditor. Sya lahat may hawak ng records ng activities ng SC. At masyado syang strict pagdating sa mga records. Hindi mo maiisahan yan kasi lahat ng gagawin ng council, from activities to finances, naka-record lahat sa kanya. Also, sya din ang gumagawa ng mga annoucements dito sa school.
Alam nyo naman ata ginagawa ng President at ng VP, diba? So, di ko na i-explain.
Me? Ganda lang ambag ko. Wag na kayo magtanong.
"Huy? Ano na? Ano bang pag uusapan?" Tanong ko ulit sa kanila kasi naiinip na ako.
"Bat ba parang atat na atat ka dyan? May lakad ka ba?" Kunot noong tanong ni Ate Colet at parang nakukulitan na ata sa'kin.
"Meron!" Sagot ko. "Susundan ko pa sila Jhoanna sa cafeteria."
"Tch! Jhoanna na naman." Irap nya. "Kahapon ka pa sunod nang sunod kay Jhoanna. Para kang tanga."
"Ang sama mo, Te Colet, ah?" Napanguso ako.
"Totoo naman. Para kang tanga kakasunod dun kay Jhoanna. Feeling close ka masyado dun sa tao, halatang naiilang naman sa'yo."
I just frowned at her. "Pano mo naman nasabing naiilang sa'kin si Jhoanna? Close nga kami 'non, eh."
Napa-facepalm lang naman sya at napailing. "Ewan ko sa'yo. Mikhs, simulan mo na lang yung topic nang matapos na tayo dito." Sabi nya kay MJ.
MJ just nod lang naman saka nagsimulang magsalita about sa kung anong pag uusapan namin.
"Makinig kayo. I already made a final plan para sa gaganaping Welcome Party next week. And I just want to inform you na may mga binago ako sa first plan na ginawa ko kahapon. Pero hindi naman ganun kadami." Aniya at seryoso lang naman kaming nakikinig sa kanya. "So, here's the final plan. Instead na magpe-perform tayong apat ng sabay-sabay, I've decided na ibahin wherein Staks, you'll be performing alone. While kaming tatlo naman nila Ate Colet and Ate Gwen ang magkakasamang magperform."
BINABASA MO ANG
Masked Feelings
FanfictionOne school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanfiction story. With a big twist. 😁 Disclaimer: I don't own the names of the characters an...