Chapter Thirty-Seven

1.3K 38 16
                                    

A/n:

Mahaba-habang basahan 'to. Thank you sa mga naghintay.

Eto na po ang update for tonight.

Enjoy!

*************











C O L E T


"HAPPYYYY BIRTHDAYYYYY!!!!"

"Ay piskit!"

Halos mapalundag ako sa sobrang gulat dahil sa biglang may pumutok na party poppers sa magkabilang side ng sliding door kung saan kami dumaan palabas para pumunta sa pool area.

Sino ba namang di magugulat dun, sige nga? Bigla bigla na lang may puputok na party poppers sa gilid mo, di ka magugulat?

Tapos kasabay pa 'non ang malakas na pagsigaw ng limang OA.

Pero hindi yun talaga ang pinakanagpagulat sa'kin. Bumungad lang naman sa amin yung pool area na napakadaming nagkalat na lobo na kulay Pink!

Oo, pink! As in puro pink yung lahat ng balloons na makikita mo sa buong paligid.

May mga pink balloons pang hugis puso. Tapos may mga maliliit na light bulbs na nakabitin sa ibabaw ng pool-----na pinagpapasalamat kong hindi na pink.

Tapos sa dulo may nakatayong arc na gawa sa mga lobo kulay pink pa din tapos sa gitna non, may green na parang grass tapos may nakalagay naman na 'GWEN @17'.

Piskit na!! Kailangan talaga lahat pink? Kulang na lang may mascot ni Barney dito, jusko!

(A/n: Beh, purple si Barney. Hindi pink. 🙂)

Paki ko. Basta pink sya para sa'kin.

Tapos malapit dun ay may nakalagay na medyo mahabang table kung saan may mga nakalagay na containers ng mga pagkain, yata? Parang lalagayan kasi ng mga pagkain, eh. Plus sa gitna 'non ay may nakalagay na cake na tatlong layers.

Aside from that, may low table din silang nilagay malapit sa pool. May mga nakaset na plates, spoon and forks at may mga bulaklak pang nakalagay sa gitna. May mga cushions din sa sahig na magsisilbing upuan ng kakain.

Kaso ang nakakatawa, bukod sa mga balloons, pati yung mga table napkins at cushions kulay pink din. Halatang halata kung sinong pasimuno.

May ginawa pala silang ganito habang wala kami? Hmm, nice.

"Ate Gwenny, come here!" Tawag ni Staks sa kanya na may hawak na boquet bulaklak

Walang nagawa si Gwen kundi ang maglakad palapit sa kung nasan yung limang OA.

Sumunod na lang din kami ni Mikhs at tumayo sa may gilid. Nasa likod ni Staks yung tatlo pang OA habang si Shee ay nasa may gilid at nakaupo sa wheelchair.

Iniisip ko kung papano nila naibaba si Shee dito mula sa second floor. Baka binuhat nila? Hmm, baka nga.

"Flowers for the birthday celebrant." Nakangiting inabot ni Staks kay Gwen yung hawak nyang bulaklak. "Happy bornday ulit, Ate Gwenny. Hihi."

"Thank you. Pero bat may paganito kayo?" Takang tanong ni Gwen.

"Luh? Diba sabi ko kanina, magce-celebrate tayo? Nakalimutan nyo agad?"

"Hindi naman. Pero kasi, akala ko simple celebration lang. Di ko naman alam na may ganito pala kayong gagawin."

Natawa naman si Staks pati yung mga kasama nyang OA. "Ate Gwenny talaga. Masyado ka namang ano. Simple celebration lang din naman to, ah? Though sorry sa mga balloons. Puro pink lang yung stocks ko, eh. Hehehe!"

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon