Y V E S
Napasimangot na lang ako nang biglang mag-logged out si Shee. Wala na tuloy akong kausap sa GC. Si Aiah kasi kahit katabi ko lang, di ko din makausap.
Why? Tulog.
Tama ba yun? Silang tatlo, tulog? Tapos ako, eto gising tapos katabi ko pa si Anger.
Gusto ko sana makipagkwentuhan kay Aiah habang nasa byahe pero ang bruha, tinulugan ako.
Tapos etong katabi ko sa kabila, parang bawal akong magsalita. Ang aga-aga, hindi na naman maipinta ang mukha. Pagsakay pa lang namin ng van, ganyan na mukha nya.
Ewan ko ba kung ganyan talaga sya o masama lang yung gising nya ngayong umaga? Hays! Nakakainis naman.
Bat kasi magkakahiwalay kaming apat? Wala tuloy akong makausap dito. Tsk!
Nakasimangot akong bumuntong hininga ay humalukipkip. Kitang kita ko mula sa upuan ko yung pwesto ng driver at yung view sa harap.
Naisip ko, 'dapat kay Mang Isko na lang pala ako tumabi.' Kasi diba, if sa kanya ako tumabi, edi may kausap at kakwentuhan sana ako.
Hindi sana ako mabo-bored. Amps lang talaga. Bakit kasi di ko naisip yun kanina. Tsk!
Muli akong bumuntong hininga at umayos ng pagkakaupo ko. At hindi sinasadyang nasagi ko yung katabi ko, si anger.
Paglingon ko sa kanya, nakatingin na sya sakin ng masama at parang gusto na akong itapon palabas ng van.
"Ang likot mo masyado, Miss. May lahi ka bang kiti-kiti?" May bahid ng inis yung tono ng boses nya.
Hindi naman ganun kalakas yung boses kaya hindi narinig nung mga nasa unahan namin. Pero si Aiah, mukhang nagising yata sa boses ni anger.
"Pasensya naman. Nangangalay na ko, eh." Sagot ko habang nakasimangot pa din.
"Edi tumayo ka. Hindi yung galaw ka ng galaw na akala mo ikaw lang mag isang nakaupo dito. Nakakaisturbo ka ng katabi, Miss." Nakakunot na ang noo nya habang nakatingin sakin.
"Pasensya nga, oh. Di ko naman sinasadyang masagi ka. Ang arte neto. Tsk!" Nainis na ako kaya nasagot ko na sya.
Ayaw ko pa naman nang kinakausap ako ng ganitong way tapos saktong bored ako. Talagang makikipagsagutan ako.
Matapang to, no. Masungit lang sya. Ihampas ko mukha nya sa bintana, eh. Hmp!
"Wag ka kasing galaw nang galaw nang di ka nakakasagi. Ang liit liit mong tao, kung makagalaw ka ang lawak ng sakop mo. Tsk!" Inis ulit na sabi nya saka malalim na bumuntong hininga at umayos ng upo saka pumikit ulit.
Ako naman ay napatitig na lang sa kanya nang nakasimangot. "Abat talag----"
"Loi, stop na. Baka san pa mapunta yan." Saway sa'kin ni Aiah habang hawak ang braso ko na nakaambang nang isasapok dun kay anger.
Napabuntong hininga na lang ako at umayos na lang ng upo at tumingin sa harap.
Nakahalukipkip ako habang nakasandal sa upuan at nakatingin sa harap. Si Aiah naman ay bumalik na sa pagtulog.
After ng mga ilang minutong nakaganun lang ako ay nakaramdam na din ako ng antok. Kaya sinandal ko yung ulo ko sa may likod at pumikit.
Mukhang malayo pa naman ang byahe at tulog din naman silang tatlo. Makikigaya na din ako.
Hanggang sa nakatulog na din ako ng tuluyan.
C O L E T
BINABASA MO ANG
Masked Feelings
FanfictionOne school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanfiction story. With a big twist. 😁 Disclaimer: I don't own the names of the characters an...