Chapter Thirty-Five

1.5K 44 32
                                    

A/n:

Sorry, Bloomies.

Napindot ko yung publish earlier accidentally. Pinupunasan ko lang yung phone ko dapat tapos biglang napindot. Hahahaha.

In-unpublished ko agad kasi hindi pa ko tapos magtype. Nasa one thousand plus words pa lang yun. 🤣🤣

Ewan if may nakakakita kanina. Sana wala, hehehe.

Anyways, eto na ang real na update.

Enjoy!!!










THIRD PERSON's POV






"Anak ng---?! Bulag ka ba? 'Inang yan! Natapon tuloy yung kape ko---aish! Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan, eh!"

Umagang-umaga, sagutan agad ng MaColet ang nadatnan nina Aiah, Jhoanna at Stacey. Naunang bumaba si Yves sa kanila dahil ito ang naunang matapos mag-ayos.

Samantalang magkakasabay namang bumaba ang tatlong nonchalant. Nasa dining na ang mga ito nang bumaba si Yves.

Kakatapos lang magtimpla ni Colet ng kape nya at pabalik na sana sa mesa nang masagi sya ni Yves na hindi sya napansin dahil nakatutok ito sa cellphone nito.

At doon nagsimula ang maagang bangayan ng dalawa.

"Ang arte mo. Para nasagi lang, eh. Hindi ko naman sadya."

"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo nang hindi ka nakakasagi ng tao sa paligid mo. Puro kasi selpon-----piskit na buhay talaga."

"Sorry na nga, diba? Apaka-arte mo talaga."

"Piskit na-----mababalik ba ng sorry mo yung kape kong natapon? Ha? Diba, hindi?! Nabasag pa yung baso ko, amp*ta!"

Nagkatinginan ang tatlo at pare-parehong napailing na lang dahil sa nasasasaksihan nilang panibagong chapter ng sagutan ng dalawa.

"Bibilhan na lang kita kung yun lang pino-problema mo. Jusko, Lord! Liit na bagay, eh."

"Para sa'yo siguro maliit na bagay lang yan. Pwes sakin----hindi!"

Tahimik lang namang kumakain sina Gwen at Mikha na parang walang nangyayaring gulo sa paligid nila.

Sa araw-araw ba naman kasing panay at walang patid na pag-aaway ng dalawa, nasanay na lang din sila at hindi na nagtangkang awatin pa ang mga ito.

Titigil din naman kasi ang mga ito kapag napagod na sa pagsasagutan.

"Ang OA. Papalitan ko na nga lang. Gusto mo bilhan pa kita ng sampu nyan, eh."

"Wag na! Baka di mo pa afford isa nyan. Sampu pa kaya? Tsh!"

"Excuse me?!"

"Pwedi ka nang dumaan. Ang lawak-lawak, oh?"

"Eh, ihampas ko kaya sa sahig 'yang mukha mo?"

"Ge lang, kung kaya. Psh! Tabi nga!"

"Aray amp*-----bat ka nanunulak?"

Bahagyang lumapit si Stacey kay Aiah at bumulong dito ng, "Ate Aiah, hindi ba natin sila aawatin?"

"Nakaharang ka, eh. Ano gusto mo, buhatin kita? Gold ka ba? Tsh!"

Bumuntong hininga lang naman si Aiah. "Hindi na siguro. 'Yaan nyo na lang sila. They'll stop din naman maya-maya."

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon