Chapter Thirty-Six

1.5K 46 32
                                    

A/n:

Okay, before you start reading the Chapter Thirty-Six, I just want to inform all of you guys that I changed Gwen's birthday in this story. Binago ko sya para sumakto sa dates dito sa story.

Pero dito lng nmn sa story, ah! Fan fiction lang to, guys. Hindi lahat ng nangyayari dito sa kwento, nangyayari sa real world.

Ayun lang naman. Yung kay Gwenny lang namann binago ko. The rest is still the same pero yung years nila are also different from real world.

Dito sa kwento, nasa teens pa lang sila. Pinaka-old is still Aiah, turning 18 pa lang. Next is Yves na kaka-17 pa lang. Tapos sunod si Gwen na magsi-17 pa lang, same as Colet.

Take note: Mas older si Yves kay Colet dito sa story pero ilang months lang naman.

Then followed by Stacey and Mikha who's turning 16 years old. While Jhoanna and Sheena, both just turned 15.

Kaya wag kayong malito, ah! If meron man. Hehehe!

That's all, thank you.

⚠️WARNING ⚠️:

Magready kayo ng tissue kasi may part dyan na maiiyak kayo. 😊☹️

Nagwarning ako, ah. Baka may magreklamo dyan mamaya na wala mn lang akong warning. Hmp!

Basahin nyo habang pinakikinggan yung music para mas mafeel nyo yung emotions ni Gwenny.

Ge, pwedi na kayong magbasa. Enjoy!!

********************
























S T A C E Y

"Good morning, madlang pips!!!" Masiglang bati ko sa tatlong kasama ko sa kwarto na hanggang ngayon ay natutulog pa.

Linggo ngayon at mag-aalas siete pa lang ng umaga kaya talagang tulog pa sila kapag ganitong oras at araw. Kapag weekends, patagalan magising tong tatlong itlog na to.

Kaya eto at binubulabog ko sila ngayon.

Kagagaling ko lang sa kabilang room kasi dun ako ulit nakitulog. May ginagawa kasi tong tatlong itlog dito kagabi, ang iingay nila kaya lumipat ako sa kabila.

Actually, halos dun na nga ako talaga gabi-gabi natutulog. Bakit? Wala lang. Trip ko lang. Bakit, may angal?

Sinong umangal, sasampalin ko. Di joke lang.

"Magsgiising na kayo dyan, mga bugok na itlog! Ate Colet, Mikhs, gising na----huy! Ano ba yan!? Gigising kayo o gigising?!" Nakapameywang ako habang nasa tapat ng higaan nila.

Pero imbis na gumising at bumangon, nagsitalukbungan pa sila ng mga kumot at tumalikod.

Naiinis na bumuntong hininga ako saka ko pinagtatanggal ang kumot na nakatalukbong sa dalawang nandito sa baba. Nasa taas nakapwesto si Ate Gwen, eh. Aakyatin ko na lang sya dyan after ko gisingin tong dalawang itlog dito sa baba.

"Ano ba, Staks. Ang aga aga pa, eh. Mamaya kana mambulabog." Reklamo ni Ate Colet at nagtalukbong ulit ng kumot nya.

"Ihhh! Gising na, Ate Colet. Dali na!! Gumising kana dyan, Maria Nicolette Vergara!!!" Niyugyog ko sya nang niyugyog hanggang sa napilitan din syang bumangon.

"Bakit ba kasi? Ang aga aga, nang-iisturbo ka ng tulog. Tsk!" Naiinis na aniya habang nakabusangot at nagpupungas ng mata nya.

"Kasi naman, eh. Birthday ni Ate Gwenny today kaya dapat na kayong bumangon dyan. Don't tell me nakalimutan nyo?" Tinaasan ko sya ng kilay pero agad ding napunta kay Mikhs ang tingin ko. "Huy, Mikhs! Gumising kana dyan. Mikha Lim, gising na!" Nagtalukbong pa kasi ng kumot yung isa at balak pa atang matulog ulit.

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon