A/n:
Okay, nasa mood ako kaya magpapasilip tayo. But ready your tissues kasi baka maiyak kayo sa part na to. Hahahah
Enjoy!!
**********
Magbabandang ala una ng madaling araw nang biglang pasukin ng isang masamang panaginip ang mahimbing nyang tulog.
"M-Maawa ka. Pakiusap, 'wag mong sasaktan ang anak ko."
Napaawang ang bibig nya at naging malalim at mabilis ang kanyang pahinga habang pabaling baling ang ulo sa magkabilang gilid. Nakakunot ang noo at unti-unting pinagpapawisan.
"Ako na lang ang saktan mo, 'wag ang pamilya ko. N-Nakikiusap ako."
"N-No...." sambit nya habang patuloy sa pagbaling ng ulo at hindi mapakali sa higaan. "W-Wag... p-please wag.."
"M-Maawa ka. 'W-Wag ang pamilya ko. 'Wag nyo silang idamay."
Isang nakakakilabot lang na tawa ang sinagot ng lalaking kaharap ng ama nya. May hawak itong mahaba at matalas na katana sa kamay na kanina pa nito pinaglalaruan.
Nakikita nya nang malinaw ang nangyayari dahil nasa likuran lamang sila ng kanyang ama. Yakap yakap silang magkapatid ng kanilang ina na noon ay hindi na mapigilan ang mapaiyak dahil sa takot na nararamdaman nito sa maaaring mangyari sa kanila.
Nakatayo ang lalaki habang ang ama ay nakaluhod sa sahig at patuloy na nagmamakaawa dito na wag silang saktan. Hindi nya kilala ang lalaki lalo at unang beses nyang makita ito pero alam kaagad nyang hindi ito mabuting tao. Pruweba na ang takot na nakikita nya sa kanyang mga magulang.
Malalim na noon ang gabi at malakas pa ang ulan na may kasamang malakas na pag-ihip ng hangin at mga pagkulog at pagkidlat.
Natatakot man sya ay pilit nyang tinatatagan ang loob at nagdadasal na sana walang mangyari sa kanilang masama. Kahit alam nyang wala silang laban sa lalaki lalo na at may hawak itong matalim na armas.
Isang nakakakilabot na ngisi ang lumitaw sa labi ng lalaki bago ito yumuko ng bahagya at hinawakan sa panga ang kanyang ama.
"Hindi sana tayo aabot sa ganito kung nakinig ka lang sa sinabi ko sa'yo." Wika ng lalaki at inilapit sa tenga ng ama ang bibig at may kung anong ibinulong dito na hindi nya masyadong naintindihan.
Pagkatapos ay tumingin sa gawi nila ang lalaki at ngumisi.
"Wala sana akong planong galawin ka at ang pamilya mo kung nakinig ka lang sa binilin ko sa'yo." Wika ng lalaki at mabilis na itinarak sa katawan ng ama ang katanang hawak nito na tumagos hanggang sa likod ng ama.
"Tay!!" Hindi nya napigilang bulalas at nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa nasaksakihan. "Tay!!"
Gusto nyang lapitan ang ama pero mahigpit syang hinawakan ng kanyang ina upang pigilan.
"T-Tay... w-wag.." balot na balot na sya sa pawis at hindi mapakali sa kanyang hinihigaan.
Gustuhin man nyang magising at idilat ang mga mata ay parang may kung anong pumipigil sa katawan nya at hindi nya magawang makaalis sa masamang bangungot na kasalukuya nyang kinaroroonan.
"Nay, si tatay po." Umiiyak nyang saad sa ina na noon naman ay humahagulgol na din pero mahigpit pa din ang pagkakayakap sa kanilang magkapatid.
"Tay... tatay!!" Sinubukang magpumiglas ng kapatid nya mula sa ina at nagtagumpay ito.
Sakto namang hinugot ng lalaki ang hawak nitong katana sa katawan ng ama na agad ding bumagsak sa sahig nang naghihingalo at hawak sa sugat nito sa bandang dibdib.
BINABASA MO ANG
Masked Feelings
FanfictionOne school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanfiction story. With a big twist. 😁 Disclaimer: I don't own the names of the characters an...