Chapter Forty-Nine

1K 44 78
                                    



Y V E S

Kanina ko pa tinitignan si Colet. Mag iisang oras na syang tahimik at tulalang nakaupo sa gilid ng swimming pool nila Staku.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nya ngayon. Siguro yung napanuod nyang cctv footage kanina na sinend sa kanya nung agent nya.

Nakita ko sa mukha nya kanina kung gaano sya nagulantang sa napanuod nya. Sa katotohanang natuklasan nya. At kahit na hindi sya nagsalita kanina, ramdam ko yung disappointment at galit na nararamdaman nya.

Kahit sino naman. Kapag nalaman mong yung dahilan ng pagkawala ng isa sa miyembro ng pamilya nyo, sarili mo palang ina ang may kagagawan.

Halata sa kanyang hindi nya yun inaasahan. Sino ba naman kasing nanay ang nasa matinong pag iisip na ipamigay ang sarili mong anak na wala pang kamuang-muang sa mundo?

Siguro yung nga taong kapos sa pera o unang beses magkaanak, hindi handa sa responsibilidad ng pagiging ina.

Pero malabong yun ang dahilan ng nanay ni Colet kung bakit nya yun ginawa. At yun marahil ang iniisip nya ngayon. Siguro hinahalungkat nya ngayon ang utak nya sa mga posibleng rason ng nanay nya kung bakit nito pinamigay ang kapatid nya.

Malalim akong bumuntong hininga at nagpasyang lapitan sya. Ramdam kong mabigat ang problemang dinadala nya ngayon at mukhang kailangan nya ng makakausap.

Hindi ko naman matawag sina Gwen o kahit si Mikha dahil abala sila sa loob. Si Gwen kasama si Shee na nagpa-praktis ng sayaw dahil nagrequest si Staks kanina dun sa dalawa na sumayaw mamaya.

Hindi naman makatanggi ang dalawa lalo at birthday ni Stacey ngayon. At syempre, masusunod ang prinsesa. Si Mikha ang alam ko umakyat sa kwarto nila at may aasikasuhin lang daw. Si Ate Aiah naman nagpaplano ng mga games na gagawin namin mamaya. Tapos si Jho lumabas daw kasama si Staks kasi may pupuntahan daw saglit. Ewan ko lang kung saan. Baka magtatanan--chos!

Kaya eto ako at ako na lang muna ang kakausap kay anger. Hindi naman sa ayoko or napipilitan ako, ah. Concern din naman ako sa kanya kahit papano. Kahit na madalas kaming mag-away at magsagutan, tinuturing ko na din naman syang kaibigan.

Mabait naman si Colet. Nakikita ko yun at ramdam ko sa kung paano nya kami pakisamahan. Kung paano nya asikasuhin si Staks, kung papano nya intindihin ang kalokohan ng tatlong chipmunks, kung papano nyang alalayan at tulungan si Mikhs sa mga trabaho nito sa student council's office, at kung papano nya sabayan ang trip ni Gwen kahit na inaasar nya nito minsan.

Mabait sya kahit hindi halata sa mukha dahil palaging seryoso at mukhang laging may kaaway.

Aaminin ko na sa halos magdadalawang buwan na nakasama ko sya, nasanay na ako sa away-sagutan naming routine araw araw. Nasanay na ako sa mga pang-aasar nya. Sa mga rebut nya kapag inaaway ko sya.

At nasanay na ako sa pagkunot ng noo nya, kung pano magsalubong ang dalawang kilay nya, kung pano ngumiwi ang bibig nya at kung pano sya sumimangot kapag naiinis sya.

Minsan nga halos may lumabas ng usok sa ilong nya kapag napipikon na sya nang sobra.

Saulado ko na halos lahat ng facial expressions na ginagawa nya. Kahit mukha syang tanga minsan. Kamukha pa naman nya yung bidang ibon sa isang cartoon show. Si Margalo.

Colet na Colet ang mukha lalo na kapag ngumiti. Pero mas kalmado nga lang na Colet Vergara.

Hindi ako sanay ng ganito sya. Tahimik. Tulala at parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Nakakapanibago.

Ewan ko pero parang ayokong nakikita syang ganito. Parang may kirot sa puso ko ngayon na nakikita ko syang ganito. Masakit. Hindi ko keri.

Napailing ako sa mga naiisip ko bago marahang naglakad palapit sa pwesto nya. Tulala sya kaya hindi nya siguro ramdam na papalapit ako kahit na ang ingay ng yabag ko.

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon