Chapter Thirty-Three

1.3K 41 11
                                    

Y V E S

"Dito mo na lang sya ilapag, Gwen." Sabi ko habang tinuturo yung kama ni Jho.

Nasa bahay na kami, kakadating lang. Si Gwen ang nagbuhat kay Shee dahil hindi pa sya pweding magkikilos dahil baka mas lumala yung lagay ng tuhod nya. Hindi rin naman kaya ni Shee ang makatayo dala nga ng lagay ng tuhod nya na ngayon ay nagsimula nang mamaga.

Halos 8pm na din kami nakauwi dahil after school ay dumiretso kami sa ospital para ipa-Xray yung tuhod ni Sheena. Mas okay na daw kasing ma-check kung wala talagang problema para makasigurado na hindi mauuwi sa major knee injury.

Mas mahirap din kasi yun lalo na at baka kailanganin pang ipaopera yung tuhod ni Shee kapag nagkataon. Lagot kami sa Mama nya pag nalaman nya yung nangyari kay Shee. Nangako pa naman kaming babantayan at aalagaan namin sya kaya nga pinayagan sya ng Mama nya na sumama sa paglipat namin ng school.

Si Jho lang naman kasi talaga ang may gustong lumipat ng school. Pero dahil ayaw namin magkahiwalay na apat kaya sumama na din kami. Ayaw pa nga sana payagan si Shee ng Mama nya, buti na lang at napapayag din namin.

Mala-butas ng karayom din ang dinaanan namin para lang mapapayag yung Mama nya, ah.

Tapos mauuwi lang sa ganito? Tsk!

Buti na lang talaga at walang nakitang bali sa tuhod ni Shee kaya no need operahan yung tuhod nya. And sabi ng doktor kanina, 3 to 4 weeks daw ay gagaling din yung tuhod ni Shee.

Kailangan lang muna ipahinga at wag igalaw masyado ng isa hanggang dalawang linggo para di lumala yung pamamaga. Lagyan din daw palagi ng cold compress para naman mawala yung pasa at pamamaga nito.

Then, sa pangatlong linggo pwedi na daw igalaw at subukan ni Shee na maglakad-lakad para ma-exercise yung tuhod nya. Pero dahan dahan lang at di pa pweding mga malalayong lakaran.

So all in all, halos one month syang hindi makakapasok ng school dahil dito. Dito lang muna sya sa bahay, magpapahinga at magpapagaling. Which is nakakalungkot lalo na para sa kanya dahil balak pa naman nyang mag-audition para makasali sa Dance Troupe ng LAVSA.

Yun pa naman pinaka-goal nya since in-announce yun nung Sabado sa Welcome Party. Excited pa naman sya tapos nauwi sa ganto. Tsk tsk!

Naiinis pa din ako dun sa mga bruhang may gawa nito kay Shee. Lalakas ng loob nilang i-bully yung bunso namin. Tapos nung dumating kami kasama sila MJ, biglang paawa amp*ta.

Haist! Gustong gusto kong sabunutan yung Denise na 'yon. Buti na lang napigilan ako ni Aiah. Kung hindi lang ako pinigilan ni Aiah, baka nakalbo ko na 'yung babaeng yun.

Siguro naman nabigyan ng punishment yung mga 'yon? Kapag talaga hindi, naku! Ako na lang ang magbibigay ng punishment sa kanila. Yung deserve nila. Mag-asawang sampal at tatlong tadyak, okay na 'ko.

Napabuntong hininga na lang ako at pumunta sa closet namin para kumuha ng damit na pambahay saka nagbihis. Kinunan ko na din si Shee ng pamalit at pagtutulungan na lang namin ni Aiah na palitan sya ng damit since hindi nya kayang kumilos mag-isa ngayon.

"Shee, palitan ka muna ng damit. 'Yah, patulong naman ako. Don't worry, bebe. Dadahan-dahanin lang namin. Okay?" Wika ko at tumango lang sya bilang pagsang-ayon.

Nakaalis na din si Gwen at hula ko ay nasa kwarto na nila yun sa kabila. Balak kong kausapin mamaya si MJ tungkol sa punishment na ibibigay nila sa apat na bruhang yun.

Hindi ako papayag na hindi mabigyan ng punishment ang mga yun. O kung hindi man sila bigyan ng punishment, kahit gawin ko na lang sa kanila yung ginawa nila kay Shee. Para patas, diba?

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon